“I’m going to call my girls for a party!” Johann announced.
Umalis na rin kasi iyong Lolo at Lola nila para pumunta na sa Subic. Kaya pwede na gawin ng mga pinsan ni Nik ang gusto nila sa mansyon. Mga kasambahay ay mga busy para sa paghahanda sa beach.
Nagrequest din si Maih na maglagay ng bonfire para doon na lang uminom mamaya. Hindi mo aakalain sa kaniya na umiinom siya kasi pino at sweet siya. Siguro nahawa lang din siya sa kaniyang mga pinsan.
Ngayon ay napag-isipan namin lumangoy sa beach. Nandoon na ang mga pinsan ni Nik pero wala pa mga bisita kasi kakaimbita palang ni Johann sa iba.
I am wearing a yellow two piece. Pero nagsuot ako ng maong na shorts kasi hindi pa naman ako lalangoy sa dagat. Panigurado pagbalik ko sa Manila ay mangingitim ako. Bumukas ang pintuan ay napansin ko na nakasuot si Nik ng yellow hawaiian shirt pero hindi nakabutones.
Kitang-kita ko kung paano hulma ng abs niya sa katawan. Hanggang sa napansin ko na parang may peklat siya sa gilid ng katawan niya. Nakapamulsa na siya habang naglalakad sa gawi ko.
“You are so sexy…” he commented.
Napangisi ako. “You are oozing hot, Nik.”
“Are you hungry? Nag-iihaw na sa beach si Hansen para sa lunch natin.”
“Wow, really?”
“Yeah. Request din iyon ni Lolo na mag ihaw ng sariwa na isda para sa’yo.”
Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya at kinawit ko iyong kamay ko sa braso niya. Parehas kaming naglalakad papunta sa beach at nakita ko na naka white two piece si Maih. Grabe ang sexy din niya!
Habang mga boys naman ay walang suot na pang-itaas kaya kita ko rin mga katawan nila. Parehas silang moreno ni Hansen at Valdus. Si Johann naman mestizo pero nakahiga na siya sa sun lounge.
“Hello, Sianna!” Maih squealed. Tumakbo siya papunta sa akin. “Nag ihaw si Valdus ng bangus at squid para sa lunch natin. Do you want to take a dip?”
I shook my head. “Later. Kain muna ako.”
“Okay! May nahuli nga pala kami ni Johann na starfish pero binalik ko sa dagat. Manghuli tayo ng starfish mamaya!”
“The starfish are big here on the beach. Maraming pakalat kalat diyan!” si Johann na tinanggal niya iyong aviator niya para tiningnan ako. “And… ang sexy niyo dalawa.”
“Shut up, dickhead,” Nik interjected. “This is my woman you are talking about!”
Johann raised his hand in the air. “Easy… wala naman ako balak agawin si Sianna sa’yo!”
Nag dirty finger lang si Nik kay Johann. Umirap si Johann at humiga ulit siya sa sun lounge. Nagpunta kami sa tent at nandoon iyong isang lamesa at upuan. Nagpapaypay si Hansen habang si Valdus iyong nag m-marinate sa iniihaw.
“Smells good,” I said. Nakangiti ako sa kanila. “They look fresh.”
“They are really fresh. Gumagalaw pa sila nung inorder ni Manang,” ani Hansen. “Sorry, hindi pa tapos maluto. I’m sure you are hungry.”
Ngumiti ako. “It’s fine. Pwede ko naman panoorin muna iyong dagat at grabe init ngayon!”
“Yeah, it’s summer. The heat is intensified and I think I’m the one who got grilled.”
“You just miss the summer in America,” si Nik habang nakatingin siya sa dalawa niyang pinsan. “Seryoso ba si Johann na magi-imbita siya ng babae rito?”
Napailing si Valdus. “He’s a dumbass. Just let him. I don’t want to entertain women.”
“Ayos lang naman sa akin kasi chicks naman lalapit sa akin,” Hansen snickered.
“You better use protection,” Nik joked.
Humalakhak ang dalawang lalaki. They’re being boys. Kaya medyo lumayo ako sa kanila dahil babae naman ang topic nila. Napalingon sa akin si Nik. Lumapit siya sa akin habang nakanguso.
“Sorry. Are you uncomfortable?” malambing na sinabi nito. Pinulupot niya ang kamay sa bewang ko. “I’m sorry, baby…”
I rolled my eyes. “It’s fine. They are your cousins and you are all boys.”
“I don’t want my baby to think that I’m cheating on you. Johann is an ass because he invited his whores.”
Napapikit ako nang maramdaman ko iyong baba niya sa balikat ko. Mas lalo humigpit ang yakap niya sa akin sa likod. Pinapakinggan ko lang ang puso ko sa pagtibog nito kay Nik.
I huffed. “It’s fine, Nik. Wala lang iyon sa akin.”
Sinilip niya pa mukha ko. “Are you sure? I don't want you upset or mad. Just tell me your feelings. I don’t want us to fight.”
“I’m good. You don’t have to worry about my feelings.”
Parang kabaligtaran ang nararamdaman ko sa sinasabi ko. Damn it. I have to pull myself together. Naiitindihan ko kasi na magagandang lalaki sila kaya lapitin ng mga babae.
“Sianna at Damon! Tara na! Let’s eat!” Maih urged.
Huminga ako ng malalim at hinarap ko si Nik para hindi na siya mag-isip pa. Kinuha ko iyong kamay niya at nagtungo na kami parehas sa lamesa. Natakam ako sa inihaw na bangus kasi ang tagal ko rin hindi nakakain ng inihaw na isda. Si Valdus iyong naghahanda ng sawsawan habang si Maih iyong naghahanda ng paper plate.
“Ang tamad ni Johann. Tss,” Hansen hissed. “Huwag natin siyang bigyan ng pagkain. Bwisit.”
Tinapik siya ni Maih sa braso. “Calm down. Ganiyan na talaga si Johann. Sanay siya na may nagsisilbi sa kaniya.”
“Well he is not a prince here! Alam kong pinalaki tayong mayaman pero hindi tayo pinalaki na hindi gumagawa ng gawaing bahay!”
“He’s a spoiled brat,” Valdus commented. Tiningnan niya si Johann na nakahiga pa rin sa sun lounge. “Hey fucker! Come here! Kakain na tayo!”
Bahagya pa umunat si Johann at tumayo na rin. Ang laki ng ngiti niya habang naglalakad papunta sa amin. Hanggang ngayon nakabusangot ang mukha ni Hansen habang tinitingnan niya ang kapatid niya.
“Thank God! I’m starving…” Hinimas pa ni Johann iyong tiyan niya. Umupo siya sa tabi ni Maih. “Where is Manang? I want lemon water.”
“Call Manang if you are thirsty, fucker,” ani Hansen.’
Johann raised his eyebrows. “What the hell happened to you? Bad mood ka na naman!”
“Hey! Kumakain na tayo kaya huwag na kayo mag-away. Nakakahiya nandito si Sianna!” Maih chastised.
Maih smiled apologetically. Nag thumbs up lang ako sa kaniya para ipakita sa kaniya na ayos lang. Tahimik na ngayon ang dalawang magkapatid pero ang sama ng titig ni Hansen kay Johann na kumakain na ngayon.
Si Nik ay nagsasandok para sa akin. Nagluto kanina si Manang ng garlic buttered shrimp. Kaya talaga puro seafood ngayon ang kinakain namin. Nilagyan niya ako ng bangus at garlic buttered shrimp. Napangiti ako kasi pinagsisilbihan niya ako.
“Is it enough? Or you want more?” he asked.
“Okay na. Kain ka na rin,” I replied. Lumapit pa ako sa kaniya ng bahagya para halikan sa pisnge. “Thank you, Nik.”
He grinned. “You’re welcome. Let’s eat.”
Para lang kami may sariling mundo. Nakangiti si Maih habang ngumunguya. Hudyat kinikilig siya sa amin dalawa. Kung alam niya lahat na pagpapanggap lang ang lahat.
Ngayon lang ulit ako nakakain ng ganito na klaseng pagkain. Madalas kasi nagt-take out ako kapag busy sa drugstore. Kaya mabuti na rin pala na nagbakasyon ako. Ang bakasyon ko lang kasi ay pasko at bagong taon.
I’m really a workaholic. Ayaw na ayaw ko nga na hindi nagt-trabaho. Pero ayos lang din pala magbakasyon para makapagpahinga. The salty air from the sea is filling my nostrils. Nag-uusap lang ngayon ay si Nik at Valdus.
“Ang sarap! Paborito ko talaga tiyan ng bangus e!” si Johann habang nakangisi. Binigyan siya ni Maih ng coke.
“You should know how to cook,” si Hansen na seryoso ang kaniyang tono. “You are not a kid anymore.”
“Of course I’m not a kid. A kid don’t f**k a woman, Hansen!”
Humalakhak si Nik sa tabi ko. Si Maih naman hinampas siya sa braso. Inirapan lang naman siya ni Hansen habang umiinom ng coke. Ganito talaga ang usapan ng mga magpipinsan. Kasi nakikita ko rin ang sarili ko sa kanila dahil close rin kami ni Baby.
“Oh, Gwen is also coming over. She wants to see Maih!” Johann said, in an excited tone. “I hope we are complete later though.”
“It’s impossible. Some of our cousins are busy and out of the country,” ani Valdus. Sobrang husky ng boses niya. “We can still have fun without them. Just prepare your booze, Johann.”
Johann smirked. “I’ve got your favorite drinks. There is some smirnoff and henessy for warming up. I’ve bought two Jack Daniels.”
“I miss drinking tequila, Johann. Good thing we have lemonade,” si Maih nakakatapos pa lang kumain. “I miss the party in BGC. I can’t wait to get drunk.”
Humalakhak si Hansen. “You will see how angry Ajax is when he knows you are so drunk!”
“I don’t care! He is so strict and overprotective!” Maih hissed. Napasimangot siya bigla habang nakanguso. “Sinuntok niya nga iyong manliligaw ko. Kaya naiinis ako sa kaniya!”
Hindi rin nagtagal ay pagkatapos namin kumain ay naligo na kami sa dagat. Medyo mahapdi ang pagtama ng araw sa balat namin kaya panigurado na uuwi akong maitim. Pumunta ako sa malalim at nasa likuran ko lang si Nik.
Kanina pa siya nag-aalala kung marunong ba ako lumangoy. Sa totoo lang ay marunong naman ako kasi may swimming class kami sa PE. Mabuti na lang ay marunong ako kasi naappreciate ko iyong beauty ng nature.
“There is a starfish!” Tinuro ko iyong starfish na nasa paanan namin. Sumisid ako para kunin iyon. Nang pag-ahon ko ay nanonood lang siya sa akin. “I thought Patrick was pink.”
He bit his lower lip. “Yeah, there are pink starfish. Kadalasan na makikita mo rito ay kulay brown na starfish.”
“Do you always swim here?”
“Whenever I visit here. I always go here to relax.”
“It’s too hot, Nik. Grabe ang init ngayon!”
He eyed me. “Hmm. Yes, you are so hot.”
Binuhos namin ang oras sa paglalangoy. May mga times na hinahabol ako ni Nik para makipaglaro sa akin. Nawala ang isip ko tungkol sa pagt-trabaho. My mind now is so clear and already relaxed.
Nagbabad lang kami sa dagat at sa tuwing na sisid ako ay ang sakit sa mata ng tubig alat. Pero mas malamig sa katawan kapag nasa dagat lang ako. Pero si Nik ay naka goggles para sumisid. Gusto niya pa ipakita sa akin ang ibang starfish.
When it’s already four o’clock, Johann told us that the guests were already here. Kaya umahon kami at si Maih naman ay lakad takbo papunta sa sala para raw makita niya si Gwen.
Sa loob-loob ko ay malungkot ako. Alam kong may something kila Gwen at Nik. Pero hindi niya nagawa pumunta sa sala kung nasaan ang mga bisita. Nasa tabi ko lang siya palagi.
“Why don’t you see Gwen?” I said, irritatedly.
“I don’t want you to get jealous,” he responded. Binabantayan niya iyong reaksyon ko. “I know you will get jealous of her.”
“Why would I get jealous? She is a guest also!”
“So?” Umangat ang kilay niya parang nonsense iyong sinasabi ko. Umupo siya sa sun lounge at nagulat ako nang hapitin niya ako para paupuin niya ako sa lap niya. “Ayaw ko bigyan ka ng rason para magselos kahit kaibigan ko pa si Gwen. You are my priority so I’m here.”
I’m stifling a smile. “Paano kung hinahanap ka niya? Ikaw siguro pinunta niya rito.”
“Damn, baby. You are really jealous…”
Natauhan ako sa sinabi niya. Nakakainis! Dapat hindi ako nagseselos kasi nagpapanggap lang naman kami at may laro kaming dalawa. Ayaw ko bigyan siya ng idea na may gusto ako sa kaniya. Tumayo ako at tinanggal ko iyong pagkakahawak niya sa akin.
Napalunok ako. “Let’s go there together. Okay lang naman sa akin.”
“Are you sure?”
Tinitingnan niya pa ako sa mata kung okay lang ba talaga sa akin. Iniwas ko iyong tingin ko at dahan-dahan tumango. Wala ako magagawa dahil mas nauna sa akin si Gwen.
“I just wanna be clear with you that Gwen and I are not lovers. We are friends platonically,” he explained.
Tumango ako. “I understand. Tara na. Baka nandoon na mga bisita niyo.”
“It’s Johann’s guest,” he corrected.
Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami papasok sa mansyon para magtungo sa sala. Naririnig ko na ang tawanan galing sa sala. Medyo kinakabahan kasi ako. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
I felt his hand kneading my arms. Seryoso lang ang mukha niya hanggang sa dumating kami sa sala. Halos babae ang nandoon kaya nadissapoint ako. Nakatayo sina Gwen at Maih hudyat na nagk-kwentuhan na sila.
But my eyes caught someone staring beside me. Parang may pumiga sa puso ko nang makita ko si Vivian na nakatingin sa gawi namin.