Nakasukbit ang handbag sa braso ko habang bumababa ng hagdan. Napansin ko na may kausap si Dad sa sala. Namilog mata ko na napagtanto ko na si Mr. Montepalma pala iyon. He’s wearing a black polo and beige trousers. Bumaba naman ang mata ko sa white sneakers niya.
Grabe. Ang pogi niya tingnan sa outfit na iyan.
Sanay ako makita siya na naka corporate attire. Pero ngayon ay iba parang may pupuntahan siyang party. Ngumiti sa akin si Mr. Montepalma habang nasa likod ang dalawang kamay niya.
“Good morning, mademoiselle,” Mr. Montepalma greeted.
I blinked. Parang nakatunganga lang ako sa kaniya habang nasa hagdan pa rin. Tumikhim ng malakas si Dad para makuha iyong atensyon ko. Napakamot ako sa ulo dahil sa kahihiyan. Mas lalo lumaki ang ngiti sa labi ni Mr. Montepalma.
“M-Morning…” I stuttered.
Bumaba na ako ng tuluyan sa hagdan at lumapit ako sa kanila sa sala. Si Dad ay may hawak na puting mug hudyat kong kape niya iyon. Ang disente talaga itsura ngayon ni Mr. Montepalma.
“Let’s go to your drugstore,” Mr. Montepalma urged. Kinuha niya sa kamay ko iyong handbag kaya umuwang ang labi ko. “I’m gonna bring this and you will ride with me.”
Nanliit ang mata ko. “Why are you even he—”
“He’s a visitor, Sianna. Our business partner to be exact,” Dad interjected. Tumikwas ang kilay sa akin ni Dad. “Mr. Montepalma politely offered his ride for you. Well, it is very convenient.”
Wala akong nagawa kundi tumango na lang. Tinapik na lang ni Dad iyong braso ni Mr. Montepalma. He curtly bowed to him as a sign of respect. Nauna na ako lumabas at nasa harapan ko iyong itim na Mclaren 720S. Napanganga ako sa sobrang ganda ng sasakyan niya.
My hand grazed on his car’s hood to the windows. I bet this costs a million dollars! Mura lang ito sa mga Montepalma. Pinanganak pa naman na mayaman si Mr. Montepalma.
“That is my brand new car,” he exclaimed.
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Hinarap ko siya na nakatayo sa harapan ko at pinaglalaruan niya iyong susi ng kotse niya. Ngumisi lang siya at lumapit sa akin. Ako naman ay napaurong ng bahagya. Naramdaman ko iyong pintuan ng sasakyan niya. Umuwang ng labi ko na magtugma ang mga mata namin.
“Baby… I’m just gonna open the door for you,” he whispered.
Natauhan ako sa sinabi niya. I felt my cheeks burning. Mataman ko siya ningitian at binigyan siya ng way para pagbuksan ang pintuan. Napatingin ako sa pintuan na nakataas ang kilay sa akin ni Dad.
What the heck! Nakita ni Dad iyong reaksyon ko!
I wanted the ground to eat me whole. Nakakahiya ako sobra! Ano ba kasi klaseng reaksyon iyan, Sianna? Hindi ka naman halata na ineexpect mo lagi na hahalikan ka ni Mr. Montepalma!
Iminuwestra ni Mr. Montepalma ang loob ng sasakyan niya. Hindi ko na nilingon si Dad kasi alam ko na kinakahiya niya na ako sa reaksyon ko kay Mr. Montepalma. Mabilis ako sumakay sa loob at sinuot ko na iyong seatbelt.
Pinaglalaruan ko lang iyong mga daliri ko habang nakanguso. Mabuti na lang tinted ang salamin ng sasakyan ni Mr. Montepalma. Kumaway pa siya kay Dad habang naglalakad papunta sa driver side. Nang makasakay na si Mr. Montepalma sa loob ay napailing na lang si Dad habang sinarado na iyong pintuan.
Sorry Dad!
“Are you surprised that I am here?” he asked.
“Yeah,” I replied. “I am still wondering why you are here though.”
“To be honest, I am running out of excuses to visit you. Naisip ko na lang na hatid sundo na lang kita.”
Nanuyot ang lalamunan ko at tumango na lang ako sa kaniya. Binuhay niya na iyong makina ng sasakyan. Tumingin ako sa labas ng bintana. Umabot ng anim na minuto bago kami makalabas ng subdivision. Hindi naman ganoon kalayo ang main drugstore ng Ol & Sianna Drugstore.
Gumalaw ang kamay niya para buksan ang stereo. Sobrang tahimik kasi ng atmosphere. Medyo nahihiya pa rin ako sa kaniya at hindi ko pa rin alam kung ano ba meron sa amin dalawa.
He chuckled. “Ah, that is my favorite music.”
Pinatugtog sa stereo ang ‘Dancing in the moonlight’. Gumagalaw ang balikat niya habang tinatapik ang manibela dahil vina-vibe iyong kanta. Napayuko ako at hindi ko napigilan hindi mapangiti. Ngayon ko lang nakita na ganito si Mr. Montepalma.
Who would’ve thought I could able to see the other side of Mr. Montepalma? In the business world, he was known as the most dangerous and ruthless. Pero hindi ko iyon makita sa kaniya. Parang ibang tao sa harapan ko si Mr. Montepalma.
Nakarating na kami sa harapan ng drugstore. Nakita ko na kakarating lang ni Kenjie dahil kakababa niya lang sa bisekleta niya. Bumaba na kami parehas ni Mr. Montepalma. Mukhang nagulat pa si Kenjie sa kaniyang nasaksihan.
“Hello, Ma'am, Sir!” Kenjie greeted.
Tumango sa kaniya si Mr. Montepalma. “Hello, morning.”
“Kasama niyo po pala si Ma’am Sianna.”
Napansin ko ang nakakaasar na ngiti at panunuya sa mata ni Kenjie. Pero hindi niya ako magawang asarin sa harapan niya. Kakarating lang din ni Ashley. Ang guard na nagbukas ng drugstore at nagsipasukan na kami. Pinabukas ko kay Kenjie iyong aircon kasi mabilis ako mainitan.
Si Mr. Montepalma naman lumapit sa ibang aircon na hindi pa bukas. Napakurap ako habang pinapanood siyang tinutulungan si Kenjie. Napakamot si Kenjie sa ulo hudyat nahihiya kay Mr. Montepalma na tinulungan pa siya.
Pumasok na ako sa loob ng counter at nilapag na iyong mga gamit ko sa desk. Si Ashley naman na ang nag-aasikaso sa counter. Nakanguso si Ashley habang tinitingnan ako. Alam kong gusto niya magtanong.
Hays!
“Thank you, Sir!” maligayang sinabi ni Kenjie.
Mr. Montepalma gave him a nod. “Welcome.”
As usual, may nagpuntahan na mga customer. Iba sa kanila umikot para mamili ng mga necessities. Tapos pinapasok ko na si Mr. Montepalma sa loob ng counter para wala ng paparazzi na gumulo sa labas.
He was just patiently sitting on my swivel chair as his slender fingers drummed against the white desk. May mga oras na sumusulyap ako sa kaniya habang inaasikaso ko ang reseta ng customer.
Dalawang oras na lumilipas, nanatili si Mr. Montepalma sa kaniyang pwesto. Napanguso ako at tumabi ako kay Ashley na sinusuklian iyong customer.
“Can you give him a coffee?” I whispered.
Nilingon ako ni Ashley habang naninigkit ang mga mata. “Sure, Ma’am…”
“Thanks.”
Inasikaso ko na iyong lane niya. Pinapanood ko kung paano gawin ni Ashley iyong kape niya. Ang masasabi ko na sobrang bilis ng oras. I crack my neck because it is already numb. Tinapik ako ni Kenjie at nagpresinta na siya naman sa counter ko.
Napansin ko may paperbag na naman sa desk ko. This time si Mr. Montepalma naman ang nag-aasikaso ng kakainin ko. Ngumiti siya sa akin.
“Umorder ka?” I asked.
“No,” he replied. “Our chef cooked this and put in the tupperware. Come on, let’s eat together.”
Napanguso ako habang umupo na sa tabi niya. There's chicken adobo, pork teriyaki and muffins. We were silently munching our lunch. Napapansin ko na pasulyap-sulyap siya sa akin. Iniiwas ko lang talaga tingin sa kaniya. Medyo nahihiya pa rin ako sa kaniya.
“Sianna,” he called. Nakakunot ang noo ko habang pinapanood siya na tinuturo iyong gilid ng labi niya. “There's dirt on the corner of your lips.”
Umuwang ang labi ko. Akmang kukunin ko iyong napkins nung bigla siya lumapit sa akin para punasan iyong teriyaki sauce sa gilid ng labi ko. Natigilan ako sa kinauupuan ko habang mataman siyang pinapanood. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa.
My lips quivered. “T-Thanks, Nik.”
“That’s the first time you called my name.”
Mukhang natuwa pa siya nang itawag ko iyong pangalan niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya. Gumapang ang kamay ko sa pisnge dahil nag-iinit na naman ito. Ngumisi lang siya sa reaksyon ko.
Nang sumapit na ang gabi, kami na ulit iyong natira sa drugstore. Nakita ko si Kenjie na sumakay na sa kaniyang mountain bike at umalis na. Kinuha ko iyong handbag ko at sinukbit iyon sa balikat ko. Nasa tabi ko lang iyong susi habang naglalakad kami palabas.
“Ako na magsasarado,” he offered.
I shook my head. “No need. Kaya ko na ito.”
“No, I insist. Give me the keys, Sianna.”
“Fine…” Binigay ko sa kaniya iyong susi at tinanggap niya naman iyon. Hinayaan ko siya isarado na iyong drugstore. Nakita ko kung paano magflex ang bicep niya sa harapan ko. “Thank you.”
He smirked. “You are welcome, mon amour.”
Mabilis siya naglakad patungo sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa shotgun side. Ningitian ko siya at sumakay na sa loob. Sinuot ko na iyong seatbelt at hinintay siya na sumakay na sa kaniyang sa sasakyan.
When he slipped inside his car, he started revving the engine of his car. Tumingin lang ako sa labas ng bintana. Napanguso ako habang napapaisip na sobrang bilis ng araw kapag kasama ko siya.
Inabot kami ng thirty minutes bago kami makarating sa bahay. Panigurado na nagluluto ngayon si Dad since rest day naman niya. Nahihiya akong lumingon sa kaniya.
“Kain tayo dinner kasama ni Dad…”
Dinikit niya ang mukha sa manibela habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa manibela. Nakatingin siya sa akin ng diretsyo. Namula naman ako sa kahihiyan. Dahil sa kaniya naging mahinhin ako ng wala sa oras.
He smiled. “Why not. Let’s go.”
“Okay.”
Sabay na kami bumaba ng sasakyan. Ako ang nauna para buksan iyong pintuan. Iminuwestra ko na pumasok siya sa loob ng bahay. Naririnig ko ang boses ni Dad galing sa kusina.
Nilapag ko iyong bag sa sala at pinaupo ko muna si Nik sa sofa. Umupo naman siya doon at bahagya na sumandal para bang kumportable siya. Naglakad ako papunta sa kusina at nakita ko si Dad na nagluluto.
“Good evening, Dad. Nakauwi na po ako,” I announced.
Nilingon ako ni Dad. “Hello, hija. Kasama mo ba si Mr. Montepalma?”
“Opo, Dad. Nakakahiya po kasi sinamahan niya po ako sa trabaho kaya papakainin ko po siya rito.”
“Mabuti naman. Nagluto ako ng mechado para sa atin tatlo. Yayain mo na siya sa dining room.”
Tumango ako at bumalik sa sala. Napansin ko na hawak niya iyong picture frame ko nung elementary pa. Mabilis ako lumapit sa kaniya para hablutin iyon. Nakakahiya naman. Ang pangit ko pa naman noon!
He raised his eyebrows. “Why?”
“Wala. Nakakahiya!”
“Sa akin ka pa nahiya?”
“Syempre,” I muttered. Hinawakan ko iyong kamay niya at hinatak na lang papunta sa dining room. “Sabi ni Dad doon na raw tayo sa dining area para kumain na ng hapunan.”
Ako na ang naghanda ng mga pinggan at kubyertos. Bigla siya tumayo para tumulong sa akin. Napalunok ako na magsabay kami sa pagdampot ng tinidor. Napatingin kami sa isa’t-isa.
“Sit down, Nik,” I urged.
He chewed his lower lip. “I want to help you.”
“Ito na ang mechado para sa inyo!” si Dad na biglang sumulpot sa dining area. Humiwalay ka agad ako Nik dahil nahihiya ako kay Dad. “Umupo na kayo. Ihahain ko na iyong ulam at kanin.”
Namumula iyong pisnge ko habang naghila ako ng upuan malapit kay Dad. Si Nik naman umupo sa harapan ko. Ako na nagsandok ng kanin sa plato ko at nahihiya ako sa paraan ng titig sa akin ni Nik. His smoldering eyes are blazing on fire.
“I hope you are eating a Filipino dish, hijo,” Dad added. “It is called mechado and that is my daughter’s favorite.”
His lips twitched. “I think I would love it, Mr. Rodriguez.”
Nagsimula na kami kumain ng hapunan ay nagk-kwentuhan lang naman sila ni Dad patungkol sa business. Medyo napapahanga ako kay Nik kasi kahit sila ang pinakamayaman sa Pilipinas pero humble naman. Nakangiti lang si Nik habang kinakain iyong luto ni Dad.
Nagtataka ako kay Dad kung bakit hindi man lang siya mahigpit sa akin sa lalaki ngayon. Dahil ba matanda na ako? Napailing na lang ako sa iniisip.
Ngayon ay nasa labas na ako ng bahay. Pinapaikot lang ni Nik iyong susi sa kaniyang daliri habang nakasandal sa pintuan ng sasakyan niya na Mclaren.
“Ang sarap ng luto ni Dad,” si Nik habang nakangisi sa akin. He licked his lips to hide his smile on his face.
I squinted my eyes. “Dad? Kanina Mr. Rodriguez tawag mo tapos Dad na ngayon?”
“He will be my father soon, Sianna. Trust me.”
He winked at me. Umuwang ang labi ko at binuksan niya na iyong sasakyan. Parang may nagbara sa lalamunan ko kaya ang hirap lumunok. Nakakainis si Nik! Bakit ba ganito pinaparamdam niya sa akin?!
“Come here…” he urged.
Para akong na hypnotized sa kaniyang boses kaya lumapit ako. Bahagya akong yumuko para malapit ako sa kaniya. Umangat ang kamay niya at dumapo iyon sa pisnge ko.
“I’m gonna miss you again, baby…”
Napalunok ako. “S-Susunduin mo naman ako bukas diba?”
“Always.”
“Sige. Mag-ingat ka na sa pag-uwi.”
“Hold on. I forgot something.” He pulled my nape and his lips brushed against mine. My eyes widened when I felt the butterflies in my stomach grumbled in euphoric. “Damn. Your lips taste sweet.”