Chapter 5 Patience

1301 Words
Ava's Pov Isang linggo palang akong PA ni Levi pero ang haggard ko na. Isang buong linggo niya na akong pinapahirapan ng mga nonsense niyang utos at mga paper works na hindi ko maintindihan kung para saan. Kagabi pinag overtime niya ako kahit na wala naman akong gagawin. Para akong tanga nakaupo sa gilid niya, habang siya ay busy sa kanyang laptop. 11pm na kami umuwi kaya nawalan na ako ng ganang sumunod sa bar kung nasaan ang aking mga kaibigan. It's Friday night at may usapan kaming mag kikita nila Sheila at Mj sa favorite naming tambayan na restobar. Tinamad na akong sumunod sa kanila kaya nagpasya na lang akong umuwi sa bahay namin. Dito ako umuwi dahil gusto kong makausap sina mom at dad. Pagsilip ko sa orasan its 10 am, kaya pala kumakalam na ang tyan ko. Nagugutom na ang aking mga babies kaya bumangon na ako at nagpunta sa banyo para mag ayos ng aking sarili. I did my morning routine at naligo ng mabilis. Plano ko mag mall after kung kausapin sila mom and dad. Mamimili ako ng mga kailangan ko sa condo, kailangan ko mag grocery dahil walang laman ang ref ko. Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko ang isa sa mga kasambahay namin. “Señorita pinapatawag po kayo ng daddy niyo. Nasa garden po sila ngayon.” “Okay po nay Nora. Ah, pwede po ba pahatid ako ng breakfast, doon na lang ako kakain.” Agad naman itong tumalima at inihanda ang aking agahan. lumabas ako ng bahay at nag punta sa garden area ni mommy. Masarap doon tumambay dahil presko at nakaka relaks tingnan ang kanyang mga magagandang halaman. “Good morning to my beautiful Mommy and very handsome Daddy. ” Pagbati ko sa aking mga magulang sabay halik sa kanilang pisngi. “Good morning darling, mukhang napasarap ang tulog mo.” Saad ni mom sa akin. “Bumabawi lang ng tulog Mom, this weeks feels like a year to me, masyadong nakakapagod. Kaya Dad…. Pwede mo ba akong ilipat, sa ibang department mo nalang ako ilagay please. Kahit sa front desk it's so fine with me, wag lang ang maging assistant ng lalaking iyon. ” Diretso ko na sinabi sa kanila baka kasi maunahan na naman ako ni dad ng mga paawa niya. Magaling pa naman siya sa mambaliktad. Nag puppy eye pa ako sa kanya, nag babakasalakali na ma convince ko siya. But to my dismay tinawanan niya lang ako. “What's funny Dad? ” Sabay taas ng kilay ko. “ Well anak, ang cute mo kasi kaya naaliw ako sa'yo. Second is hindi pwede. Sinabi ko na sa'yo ang dahilan. You need to learn how to manage our company. You need Levi and he's the most capable one na magturo sa'yo. Darling, this is not just the company or the legacy of your grandpa. It's also for the future of our employees and their families. Kaya you must grow and start learning how to run the company that feeds you and gives you a comfortable life. ” Sabi na magaling mang guilt trip ang tatay ko. Kaya quiet na lang ako at hindi na kumontra pa. May point naman lahat ng sinabi niya kasi, kaya I need to set aside my personal issues at mag focus ako sa kung paano pa ito palaguin. Haist! Ang hirap naman nito, healing na ako ehh. I'm regaining myself from our break-up tapos ngayon pinaglalapit ulit kami ng tadhana. “Ava anak, alam namin na malaki ang adjustment na gagawin mo. Wala naman ibang magmamana ng company kundi ikaw lang. We let you enjoy your life. But life is not just having fun and parties. It's time for you to learn the family business. Syempre dahil hindi madali ang responsibilities, we want you to start from the bottom para makita din ng mga tao na we are not bias on just putting you on top. Iba parin ang nag uumpisa sa mababa. Kaya Ava, have patience and do what Levi instructs you to do. Okay ba yun anak? ” Tanging tango lang ang nagawa kong sagot. Feeling ko isa akong bata na Oo lang ang isasagot. Now I feel selfish and ungrateful. Lahat mga sinabi nila may punto. Ano pa ang silbi ng pagrereklamo ko kung ganito ang sagot nila sa akin. Mabuti na lang dumating ang pagkain ko at na divert ang attention nila kay nay Nora. Binilisan ko ang aking pagkain, saktong tapos na silang mag kwentohan ay naubos ko na din ang kape ko. Nag paalam na ako sa kanila dahil mamimili pa ako ng supply para sa condo. Hindi na ako nag sama ng katulong, kaya ko naman at nasanay na din ako. I'm just wearing a maong tattered shorts and a sleeveless crop top. With my comfy slide slippers and sunglasses. I walk freely sa mall, not minding the eyes of the people looking at me. Nag tingin tingin ako ng mga bagong gamit na pwede kong ilagay sa bago kong condo. After ko mamili sa department store ay sa grocery naman ako nag punta. Kumuha ako ng cart at naglakad na ako. Malapit sa side ko ang meat section kaya ito na ang inuna kong bilhin. Nag ikot ikot pa ako at namili ng kung anong pagkain na pwede kong mailagay sa pantry. “Dapat nag hubad ka nalang. You look like a stripper. Your clothes aren't appropriate in this kind of place. Childrens are everywhere, you might influence them to wear nothing. ” Mabilis akong lumingon sa taong nag salita. Noong una hindi ko pa na bosesan pero nang makita ko ang pagmumukha niya agad gusto ko siyang sapakin. “Excuse me mister!! Are you talking to me?!” “Who else could it be? Tayo lang namang dalawa nandito sa section na ‘to.” Tinaasan ko siya ng kilay. Promise naiinis talaga ako sa kanya ngayon. Ang sarap niyang papakin ng sapak at sampal. “How dare you judge me on what I wear. Does this face look like a hooker to you? Are you blind? Does this outfit look naked to you? ” Nanggigigil kong sabi sa kanya. Medyo mahina lang ang boses ko dahil ayaw ko maka kuha kami ng atensyon . Tinignan ko siya head to foot pati ang cart nyang dala dala. Mukhang namimili din siya, kapag minamalas ka nga naman kahit dito sinusundan pa rin ako ng presensya niya. Nakakainis na siya. May naisip akong kalokohan, hindi pwedeng ako lang ang mainis lagi. Nag lakad ako papalapit sa kanya at nilapit ko ang aking sarili. Sinadya kong idikit ang malaki kong dede sa kanya bago bumulong. “Huh! I bet you’re getting hard down there by simply looking at me. Hmmm…. I bet you are, am I right sweetie? ” mapang akit kong bulong sa kanya. Nakatayo lang siya at hindi nag react malamang nagulat sa ginawa ko. Bago pa siya maka recover ay mabilis ko siyang tinalikuran at nagmamadaling akong nag tungo sa counter. Inapura ko na ang bagger para bilisan niya ang pag pack. Baka ma abotan pa ako ng lalaking iyon. Tinulungan ako ng isang staff ng mall na dalhin ang mga pinamili ko. Medyo naparami kasi ako ng binili kasama na ang mga binili ko kanina sa department store. Pagdating sa parking lot nilagay na namin sa loob ng sasakyan ang mga pinamili ko at mabuti nalang nag kasya itong lahat. Binigyan ko ng tip si kuya at nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan ko ay umalis na agad ako sa lugar na iyon. Too much Levi for this week. Bukas hindi ako aalis ng unit ko, baka makasalubong ko na naman siya. Ma overdose na ako sa presensya niya at baka masakal ko na siya ng tuluyan. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD