Ang akala ko ay madadatnan ko ang unit ni Rowan na bago at wala pang mga gamit pero nagkamali ako. Bumungad agad sa akin ang living room na halos kasing luwang lang ng sa akin but it looked spacious because of the minimal designs of the interior of the whole unit. Hinila n’ya ako sa kitchen at inilapag ang mga dala n’yang paper bags sa counter bago binitawan ako at hinayaang mag-ikot sa buong kusina. Kumpara sa unit ko ay hamak na mas maliit pa ang kitchen dahil siguro hindi naman s’ya marunong magluto. What caught my attention was the machine which was consuming most of the space in his kitchen. Kunot ang noong nilapitan ko ‘yon at umawang ang bibig nang makitang dishwasher pala ‘yon! Napatingin ako sa kanya nang lumapit s’ya sa akin at tiningnan din ang tinitingnan ko. “Let’s eat her

