Rowan woke up with a hangover the next morning. Nakaligo na ako at nakapaghanda na ng breakfast ay saka pa lang s’ya nagising at masakit pa yata ang ulo! Tsk! Nag-angat s’ya ng tingin sa akin nang pumasok ako sa kwarto. Tumaas ang kilay ko nang hawiin n’ya pataas ang buhok at saka iniharang ang mga braso sa mukha na parang hiyang-hiya. Siguro ay na-realized n’ya ang ginawa n’yang pagtulog kagabi dahil sa sobrang kalasingan. Lumakad ako palapit sa kama pero nanatili lang na itinago n’ya ang mukha sa mga braso. “Having a headache?” nakataas ang kilay na tanong ko. Nakita kong tumango s’ya pero hindi inalis ang mga braso sa mukha at hindi rin nagsalita. Hindi ko tuloy mapigilang tumawa ng mahina dahil sa nakikitang awkwardness sa mga kilos n’ya. Narinig ko ang mahinang mura n’ya kaya lalo

