NESTLE Binulabog kaming lahat mula sa pagkakatulog nang malaman namin na wala si Bettina sa kwarto nito. Nag-iwan ito ng sulat na sasama daw ito kay Chad upang magtanan. Dahil doon ay bigla na lang nahimatay si Miss Ganda sa kaalaman na iyon. Habang si Sir Dimitri ay kalmado lang pero kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala para sa nag-iisang prinsesa ng mga Ford. Nagkakagalit na rin ang magkakapatid. Galit ang mga kapatid ni Duke sa kaniya dahil ito raw ang dahilan kung bakit umalis si Bettina. "I have to go," ani ni Duke at tumayo mula sa pagkakaupo nito sa sofa. "Wala ka ba talagang pakialam kay Bettina, Kuya? Mas gugustuhin mo pang magtrabaho kesa tulungan kaming hanapin siya," galit na sabi ni Deo. Napahinto si Duke nang marinig ang sinabing iyon ni Deo. "Bakit ko hahanapin ang ta

