NESTLE
Hindi naman sa hinahanap ko si Duke. Pero pagkatapos ng encounter namin sa corridor ng school ay hindi pa ito nagpapakita o sumusulpot. Ayos na rin iyon at walang gumugulo sa akin. Tahimik ang mundo ko.
Gumagayak ako ng simpleng pants at shirt dahil sasama kami sa pamilyang Ricafort para dalawin ang puntod ni Don Miguel. Pag dinadalaw namin ang puntod ni Don Miguel ay maaga kaming lumalakad para hindi namin maabutan ang dagsa ng mga tao.
"Rin! Halika na!" sigaw ni Nanay, kaya tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Tapos ko na rin namang ipusod ang buhok ko sa dalawang hati. Sabi ng iba mukha daw akong japanese. Parang hindi naman. Porket medyo singkit, hapon na agad? Natawa na lang ako sa naisip ko.
Kinuha ko na ang shoulder bag ko at bumaba. Naabutan ko sila Tatay at Magnolia na nakaupo sa sofa habang naghihintay.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Nanay na may bitbit na kandila at bulaklak, kaya lumapit ako at tinulungan siya magdala.
"Mag-abang na lang tayo ng tricycle diyan, Ben," sabi ni Nanay kay Tatay na niLolock na ang pintuan namin.
"Mabuti pa nga. Pag naglakad tayo ay baka maabutan pa tayo ng tanghali," tugon ni Tatay at lumapit sa amin.
Sabay-sabay kaming lumabas ng bakod ng bahay namin at nag-abang ng tricycle. Pero ganun na lang pagkabigla ko nang makita ang pulang kotse ni Duke na pumarada sa harap namin. Bumaba ito at nakangiting humarap sa amin.
"Nay, Tay, hatid ko na po kayo. Di ba sa puntod po kayo ni Lolo patungo?" nakangiti nitong alok at sumulyap saglit sa akin. Napataas ako ng kilay sa pag-alok nito. Akala ko ay sa wakas tila hindi na ito magpapakita pa. Pero tila mali ako do'n.
"Naku, Sir Duke. Wag na, Baka madumihan lang namin ang sasakyan mo," sabi ko at pilit ang ngiti.
Ngumiti naman ito tila wala lang dito ang sinabi ko. "Okay lang madumihan basta ikaw ang sakay," dahil sa sinabi nito ay napaubo sila Nanay. Habang ako tila nailang sa pinagsasabi nito. "Este, okay lang po na sumakay kayo dahil hindi naman po ako maarte," baling nito sa magulang ko.
"Ah, ganun ba. Maraming salamat hijo kung gano'n," sabi ni Nanay at ngumiti kay Duke.
Binuksan ni Duke ang backseat at pinapasok na sila Nanay, Tatay, Magnolia at susunod na dapat ako nang isara iyon ni Duke. Iritang tumingin ako sa kaniya na nakangiti pa rin.
"Sa unahan ka na, hindi ka kasiya sa likod," sabi nito at hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop sa daliri nito na kinabigla ko.
"Ano ba! Bitawan mo nga ang kamay ko," inis kong sabi at pilit inaalis ang kamay ko sa kaniya. Hindi ako pinansin nito at hinatak ako sa kabilang side at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat.
"Get in, mine," sabi nito na akala mo ay maginoo. Inirapan ko ito nang tanggalin na nito ang kamay nito. Sumakay na ako at umayos ng upo. Sinara na nito ang pinto at mabilis na umikot para makasakay sa driver's seat.
"Tila may pagtingin sa'yo ang binata ng mga Ford, anak," komento ni Tatay.
"Hindi po totoo yan, Tay. Alam kong wala lang magawa sa buhay niya'n kaya ako ang ginugulo," sabi ko habang nakatingin kay Duke na palapit na.
"Hindi naman masama maging kaibigan mo si Duke, anak. Kilalanin mo muna ang pagkatao niya bago mo siya husgahan," paalala sa akin ni Inay. Hindi na ako umimik dahil pasakay na si Duke.
Tumingin na lang ako sa bintana at inisip ang sinabi ni Nanay. Nagsimula lang namang pumangit ang tingin ko kay Duke nung may ginawa ito sa akin na hindi ko mapapatawad. He stole my first kiss at the age of ten! Kaarawan niya noon sa edad na eleven years old.
~Flashback~
Tumutulong ako kay Nanay na magserve sa mga bisita. Kahit naman maliit pa ako ay kaya ko nang magsalin ng tubig sa baso.
Napatingin ako sa grupo ng kababaihan at kalalakihan. Alam kong mga classmate ito ni Duke. Puro galing sa mararangyang pamilya ang dumalo. Kabilang na ang barkada at kaklase ni Duke sa school nito.
Lumapit ako sa grupong iyon nang tawagin ako ng mga ito.
"Refill my water please," sabi nung isang babae na kikay na kikay ang suot. Maarte itong magsalita tila diring-diri pa sa akin. Suot ko kasi ang lumang bestida ko. Habang nakapusod na hati sa dalawa ang buhok ko.
Sinalinan ko ang tubig nito kaya tumingkayad ako para maabot iyon. Ngunit nabigla na lang ako nang may umagaw ng pitsel sa akin.
Naramdaman ko ang katawan ng kung sino mang nasa likod ko, na umagaw ng pitsel. Tumingin ako kung sino ba iyon. At nakita ko si Duke na binababa ang suot kong dress na tumaas pala dahil sa pagkakatingkayad ko.
"Ano ba!" galit kong sabi at tinapik ang kamay nito.
"Hahaha! Wala naman pa lang gusto sa'yo iyan, Duke. Akala ko ba may crush sa'yo iyan?" humahalakhak na sabi ng isang lalake na nasa lamesa din, at inaasar si Duke.
Inis na kinuha ko ang pitsel kay Duke at babalingan ko sana ulit ang babae nang hawakan ako ni Duke sa magkabilang pisngi na kinagulat ko.
Nanlaki ang mata ko ng lumapat ang labi nito sa labi ko. Sandali lang iyon at bumitiw din agad si Duke. Ngumisi ito at nakipag-apiran pa ito sa mga kaibigang lalake, tila mga tuwang-tuwa sa nagawa ni Duke. Habang ako ay tumulo na ang luha dahil sa ginawa nito. Hindi man lang nila naisip na nasaktan ako dahil pinagkatuwaan nila ako.
Dahil sa galit ko na pinagkatuwaan nila ako at sa pagnakaw ni Duke sa first kiss ko, binuhusan ko siya ng tubig sa mukha.
"Oohhhh!" reaksyon ng mga kaklase ni Duke.
Dali-dali ako tumakbo paalis sa pinagdausan ng party, habang pinapahid ang luha tumutulo sa aking mukha.
~End Of Flashback~
Pag-naaalala ko iyon ay talaga namang kumukulo ang dugo ko. Kaya nga simula no'n ay umiiwas na ako kay Duke, dahil pag nakikita ko siya ay naaalala ko lang ang pagkawala ng first kiss ko na sa lalaking gusto ko lang dapat ibibigay. Kaya hindi niyo ako masisi kung bakit ako galit na galit sa kaniya.
Nagbalik ako sa sarili nang huminto na ang sasakyan ni Duke sa isang private memorial park kung saan nakalibing si Don Miguel; Lolo ni Duke.
May ilang mamahAling sasakyan na rin ang nakaparada sa harapan ng memorial. Siguro mga kaanak at kaibigan ng pamilyang Ford iyon.
Bumaba na kami at sabay-sabay na pumasok. Napatingin ako sa balikat ko nang may dumantay doon na braso. Tumingin ako kay Duke na nakangiti habang nakatingin lang sa dinaraanan namin.
Inalis ko ang kamay niya ngunit agad din nitong ibinalik na kinasura ko. Huminto ako at yumuko kaya naalis ang kamay niya sa balikat ko. Tinulak ko ito sa likod nito na kinahalakhak nito. Masama ko siyang tiningnan at inirapan na kinangiti lang nito. Nilagpasan ko siya at tumakbo pasunod kela Nanay.
Tumingin ako sa likod at nakita ko si Duke na nakangiti lang ito ng parang tanga at nakapamulsang sumunod sa amin. Kumindat ito kaya agad akong humarap sa dinaraanan ko. Palihim akong napahawak sa pisngi ko dahil parang biglang uminit iyon.
Umiling-iling ako at pinagpatuloy ang pagsunod kela Nanay. Hindi ko na pinansin pa si Duke dahil nakita na namin ang puntod ni Don Miguel. Naroon na din pala sila Miss Ganda at si Sir Dimitri, kasama ang mga kapatid ni Duke. Pati sila Ma'am Olive at ilan pang kaanak ni Don Miguel.
Nahiya tuloy ako bigla dahil kami lang ang hindi kamag-anak. Sila Hana kasi ay lumuwas ng probinsiya, dahil meron din silang tutulusan. Kaya kami lang ng pamilya ko ang magtutulos kay Don Miguel. Wala pa naman kasi kaming kamag-anak na yumao na, kaya hindi na kami umuwi sa probinsiya nila Lola. Baka sa pasko pa kami makadalaw.
"Magandang araw ho," bati nila Nanay at Tatay sa pamilya Ford at Ricafort.
"Magandang araw din po, Mang Ben at Manang Nelia. Salamat sa pagbisita sa puntod ni Lolo," nakangiting sabi ni Miss Ganda habang inuugoy ang tulog na si Benjamin. Kahit ang dami nang anak nila Miss Ganda, para pa rin itong dalaga. Ang ganda niya at ang puti-puti. Tapos ang sexy-sexy pa. At ang gwapo-gwapo pa ng asawa. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit ang ganda ng lahi nila. Well, pwera kay Duke. Tsk.
"Walang anuman po. Malapit na din po kasi ang loob namin kay Don Miguel. Lalo't marami din pong naitulong ang Don sa amin," nakangiti sabi ni Nanay.
Ngumiti si Miss Ganda at tumingin sa akin na kinalundag ko sa gulat. Pag titingnan ako ni Miss Ganda ay para ako nahihiya sa kaniya. Tumingin ito sa likod ko at alam ko na kung sino ang tinitingnan niya.
"Lumalaking magandang bata itong anak niyong si Nestle, Aling Nelia. Pwede ko po ba siyang maging modelo sa gagawin kong exhibit?" nakangiting sabi nito na kinalaki ng mata ko. Gusto akong kunin na modelo ni Miss Ganda? Bigla ay napangiti ako dahil pangarap kong maging isa sa mga modelo ni Miss Ganda. Hangang-hanga ako sa lahat ng pinipinta niya. Maganda at talagang sikat na sikat ang mga ginagawa nito na gusto ko ring tularan.
"But Mom! Hindi siya pwede. Iba na lang," biglang singit ni Duke na kinawala ng ngiti ko. Anong problema nito at pati iyon ay pinapakialaman niya?
"At bakit naman ikaw ang magdedesisyon niya'n, baby?" nakataas ang kilay na sabi ni Miss Ganda sa anak.
Nagulat naman ako nang umakbay si Duke sa akin.
"Because she's already my girlfriend, Mom," nakangiti nitong sabi. Dali-dali kong inalis ang kamay niya at agad na nagpaliwanag kay Miss Ganda.
"Naku Miss Ganda. Hindi po totoo iyon. Wag po kayong maniniwala," iling-iling kong sabi.
"Duke Sean! Anong kalokohan na naman iyang pinagsasasabi mo, ha?" sabi ni Sir Dimitri.
"Hindi naman ako nagbibiro, Dad," sabi nito. "Nay, Tay, I like your daughter. Hayaan niyo pong patunayan ko sa inyo iyon. Pwede po ba akong manligaw?" baling pa nito sa magulang ko na kinagulat ko. Ligaw? WTF!
"Kung ayos lang sa aming anak ay papayagan ka namin. Ngunit masyado pa kayong bata para magligawan, hijo. Pwede naman kayong maging magkaibigan muna," komento ni Tatay. Magsasalita sana ako ng unahan ako ni Duke.
"Basta po, manliligaw ako. Ayoko ko po ng friend lang," hindi mapipigilan nitong sabi at bumaling sa akin. "Kaya ikaw, sagutin mo agad ako. Ayokong maghintay ng matagal," demanding nitong sabi.
Nanlaki ang mata ko ng pingutin ni Miss Ganda si Duke.
"Tumigil-tigil ka, Duke. Hindi kita pinalaking ganyan. Manang-mana ka sa ama mo," saway nito at dinamay pa si Sir Dimitri.
"Misis ko, bakit naman ako nasama? Hindi kaya ako ganyan dati," singit ni Sir Dimitri.
"Tumigil ka! Isa ka pa! Naku, puputi agad ang buhok ko sa inyo," nakukunsimeng sabi ni Miss Ganda na kinangiti ng lahat. Ang sarap panoorin ng pamilya nila. Halatang under de saya si Sir Dimitri kay Miss Ganda.
Binitawan na ni Miss Ganda ang tenga ni Duke na namula na. Natawa ako kaya napatingin siya sa akin. Namamangha siyang tumingin sa akin na kinataka ko.
"Napatawa kita?" nakangiting sabi nito.
"Huh?" napakunot-noo ako.
"Ito ang unang beses na ngumiti at tumawa ka na ako ang dahilan," nakangiti niyang sabi.
Nang maunawaan ko iyon ay agad akong nag-iwas ng tingin at feeling ko namula ako dahil sa sinabi nito.
Humawak siya sa kamay ko na kinatingin ko rito dahil sa gulat. Seryoso ang mukha nito na madalang nitong gawin. Nagpumiglas ako ngunit mahigpit niya iyong hinawakan.
"Sorry sa nagawa ko kaya ka umiwas. Please, give me a chance. Pangako, hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo. Hayaan mong magsimula tayo kahit friend muna," parang ayaw pa nitong banggitin ang friend. "Pero liligawan pa rin kita. Sige na, Nestle," pagmamakaawa nito.
Tiningnan ko siya kung si Duke ba talaga siya? Seryoso ba siya? Nakita ko naman sa mga mata niya na sincere siya at walang halong pagbibiro ang mukha niya. Napahinga ako ng malalim at tumingin sa magulang ko na nakatingin pala sa amin. Ngumiti ang mga ito at tumango, tila pinapahiwatig na bigyan ko ng chance si Duke. Kaya bumaling muli ako kay Duke at seryosong tumingin dito.
"Sige--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Wait! Hindi pa ako--"
"Promise, good boy lang ako. Thank you! Thank you!" tuwang-tuwang sabi nito at pinutol ang sinasabi ko.
Bumitaw ako sa yakap niya at inis na tumingin dito.
"Ako ba ay patatapusin mo o babawiin ko na lang ang sasabihin ko?" irita kong sabi. Ano ba yan! Tila sana'y na ako naiirita sa kaniya. Paano, siya din naman ang gumagawa ng ikaiirita ko.
"Huh? Syempre ayoko. Ano ba yung sasabihin mo?" parang maamong tupa na sabi nito.
"Paano ko sasabihin kung hindi mo ako pinapatapos. Hay! Pag ganyan ka ng ganyan, babawiin ko na," sabi ko na kinalaki ng mata nito at agad na umiling.
"Wag gano'n! Sige na. Sabihin mo na. Hindi na ako magsasalita, mine," sabi nito at tumataas pa ang isang kilay tila tuwang-tuwa sa pagbanggit ng mine.
Humugot muna ako ng malalim at humalukipkip. Tiningnan ko siya na tila maawtoridad na istriktang babae.
"Pumapayag ako na maging FRIENDS tayo," panimula ko at pinagdiinan ko talaga ang 'friends'. Tipong kokontra na naman ito kaya pinandilatan ko siya ng mata. "Basta wag ka masiyado demanding, arrogante, bastos, at gusto ko sa pangalan mo ako tatawagin at hindi sa ibang dog name na sinasabi mo," pagpapatuloy ko.
Napansin ko na parang luging-lugi ito at tila hindi gusto ang kondisyon ko. Sumeryoso ito at tumingin sa akin ng malalim na kinabigla ko.
"Okay. Gagawin ko ang gusto mo, kung yun lang ang paraan para malapitan kita na hindi ka umiiwas sa akin," seryosong sabi nito.
"Good," nasabi ko na lang at lumapit na kela Nanay na nagtutulos na ng kandila.
Umupo ako sa isang chair na de tiklop at lumingon kay Duke na nakatungo tila malalim ang iniisip.
Hindi na masama na bigyan ko siya ng chance. Baka nga mali lang ako sa unang expression ko sa kaniya. Sawa na rin kasi ako na lagi siyang tinatakasan at sawa na akong magalit na wala naman ata sa lugar.
"Ate, bati na kayo ni Kuya Duke?" bigla pukaw sa akin ni Magnolia na nasa tabi ko. Bumaling ako sa kaniya at ngumiti.
"Oo, bakit mo natanong?" sabi ko sa kaniya at inayos ang bangs niya.
May kinuha ito sa bulsa ng bestida nito at inabot sa akin. Nagtataka naman na kinuha ko ito. Inipon na maliliit na papel.
"Ano ito, bunso?" nagtataka ko sabi.
"Nakita ko po iyan na lagi iniiwan ni Kuya Duke sa harap ng pinto natin. Lagi ko po siya nakikita pero ako hindi niya nakikita kasi naglalaro po kami lagi ng kalaro ko ng taguan," sabi nito.
Tiningnan ko naman ang mga papel. Isang sticky note na binilot kaya lumiit.
Binuksan ko ang pink na sticky note at tumambad sa akin ang isang message.
'Nestle, sorry na,' basa ko sa sulat.
Binuksan ko ulit ang ibang sticky note at puro gano'n ang nakasulat. At ang napansin ko ang mga petsa na nakalagay din sa sulat.
Sa pagkakatanda ko, ito yung mga petsa pag may ginagawa siya na kasalanan sa akin. Ibig sabihin lahat pala ng kalokohan niya ay alam niya.
Tumingin ako kay Duke na kausap na ngayon ang mga kapatid nito. Akala ko ay wala man lang itong kusa na humingi ng sorry sa mga kasalanan nito. Yun nga lang tila nahihiya pa siya. Dinaan sa sulat at kung hindi pa nakita ni Magnolia ay hindi ko siguro malalaman.
Tumingin ito sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Kinabahan ako dahil baka iba ang isipin nito kung bakit ako nakatitig sa kaniya.
Ngumiti ako at nilagay sa bulsa ng bag ko ang sorry note niya.