CHAPTER 3 - UNEXPECTED

2861 Words
DUKE Hindi ako makapaniwala na ayos na kami. Pinapansin na niya ako pero nandoon pa rin ang konting pagkainis ng mukha niya pag may maling bagay akong ginagawa. Well it's my fault anyway. Ang sarap niya kasi asarin nung gaya ng dati bata pa kami. Pero ngayon sisikapin ko wag painitin ang ulo niya. Gusto kong paibigin siya at gagawin ko ang lahat para mangyari iyon. Lalo't pwede ko na siyang malapitan ng hindi niya ako iniiwasan. At pag nangyari na mapaibig at maging kami na, hindi ko na siya papakawalan pa. Walang oras na hindi ako nakatitig sa Nestle ko. f**k! Kahit simpleng kasuotan lang ang suot napakaganda niya. Lalo pa sa pagkapusod ng buhok niya. Ang cute. Para siyang japanese dahil sa pagkachinita niya. Tapos ang ilong niya ay maliit pero pointed. Yung pisngi niya na matambok at may dimples din siya at lalo mo iyon makikita pag ngumiti na siya, na isa sa gustong-gusto kong makita. Tapos ang lips niya ay parang labi ni Yoon Eun Hye, may hati sa gitna na nakakaakit. She's perfect for me. She belong only to me. No one can come close. Dahil itinaga ko na sa isip at puso ko na siya ang bagay sa akin. Iisipin ko pa lang na hindi kami magkakatuluyan sa bandang huli ay parang sasabog ang puso ko sa sakit. Tiyak na mababaliw ako pag nangyari iyon. Umungot ako nang may maliit na kamay ang sumasabunot sa akin. Hinawi ko iyon dahil ayoko masira ang panaginip ko. Panaginip na sinagot na ako ng Nestle ko. "Kuya! I want milk! Kuya!" napakunot-noo ako nang unti-unti kong nakikita sa panaginip ko si Bettina. At nakita ko din ang unti-unting paglayo ni Nestle ko. Hinahabol ko siya dahil ayokong iwan niya ako. "Nestle! Please.. don't leave me! Nestle!" sa aking pagtakbo ay bigla na lang ako nahulog na kinagising ng diwa ko. Dumilat ako at nakita ko si Bettina na nakangiting nakatunghay sa akin. "Gising ka na po?" inosenteng tanong nito na akala mo ay hindi ako inihulog sa kama para magising. "Bakit mo ako hinulog ha? I'm your brother," maawtoridad na sabi ko habang nakahawak sa likod, nang sumakit iyon dahil sa pagkakahulog. Naupo ako sa kama at humilata muli. "Pag hindi mo ako ginawan ng milk, hindi ako kakain. Tapos baka magkasakit ako. Tapos iiyakan niyo ako sa hospital. Tapos makokonsensiya ka. Tapos--" hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ko na ang bibig niya. "Enough! Ang dami mong sinasabi. Oo na! Gagawin ko na ang milk mo, mahal na prinsesa," nafufustrate na sabi ko rito. Haist! Napakadali talaga nitong pasunurin ang lahat. Dati ang cute-cute pa. Pero ngayon.. naku parang matanda pa kung mag-utos. Kawawa ang magiging boyfriend nito paglaki. Napailing akong tumayo at nag-unat. "Let's go," aya ko rito. Nasa pinto na ako nang mapansin kong hindi siya sumusunod. Nakita ko siyang nakatingin sa akin at tinaas ang dalawang braso. Gigil na napabuga ako ng hangin at lumapit ulit sa kaniya. Tumalikod ako paluhod at hinintay kong sumampa siya. Napaubo pa ako nang mahigpit itong kumapit sa leeg ko. "Bettina, luwagan mo. Hindi makakahinga si Kuya," sabi ko rito na mabuti at sinunod niya ako. "Ang bait talaga ng Kuya ko," malambing nitong sabi at hinalikan ang pisngi ko. "Kaya favorite kita, e," sabi pa nito. "Bakit ako pa.. Sila Kuya Drake mo. Bakit lagi ako," halata sa boses ko na ayaw ko maging favorite Kuya niya. "Si Kuya Diesel, mas love pa ang boxing. Si Kuya Drake, mas gusto pa ang libro. Si Kuya Deo, censored," natawa ako sa sinabi nito kay Deo. Hahaha! Ang manyak kasi ng isang iyon. "Tapos si Kuya Samuel at Kuya Serge lagi ako pinapaiyak. Kaya ayoko sa kanila. Ikaw kasi si Ate Nestle lang ang love mo," napangiti naman ako sa sinabi nito. "So dahil love ko si Ate Nestle mo, ako na ang lagi mo bubulabugin?" sabi ko sa kaniya at inupo siya sa bar counter. "Syempre, ayaw ni Ate Nestle ng tamad. Kaya pag lagi ka good, sasabihin ko sa kaniya na sagutin ka na," sabi nito na agad ko kinangiti. "At bakit ka naman susundin ni Ate Nestle mo?" hindi naniniwala kong sabi. Nagcross legs siya at humalukipkip pa ito habang nakaupo. Akala mo senyorita na nakaupo sa trono. "Dahil cute ako," sagot nito na kinatawa ko. Langya! Porket cute siya ay susundin siya ni Nestle. Imposible. Nakita ko naman ang pagtaas niya ng kilay tila hindi siya nagbibiro. "Ayaw mo maniwala?" tanong nito. Umiling ako at tinungo ko na ang refrigerator para kumuha ng milk nito. Kumuha ako ng gatas at takore. Ayaw kasi niya ng malamig na gatas. Ang arte talaga. Habang binabalik ko ang gatas sa ref ay parang may narinig akong boses. Boses ni Nestle. Napaharap ako kay Bettina na may hawak na phone. "Hello, Ate Nestle! Gusto ko po kayo makalaro. Punta po kayo rito sa amin, please.. Talaga po? O sige! You're the best talaga Ate Nestle," tuwang-tuwa sabi ni Bettina. "Wait! Kakausapin--" hindi ko na natapos nang ibaba na ito ni Bettina. "May sinasabi ka Kuya?" inosente pa nitong tanong. "Totoo bang pupunta si Nestle dito?" hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya. "Ewan ko. Hindi ba hindi ka naman naniniwala? Kaya hindi ko sasabihin," malditang sabi nito. Napakamot naman ako sa ulo dahil sa inis. Ang sarap itiwarik nito. Agad ko naman pinatay ang stove at kinuha ang takure para isalin ang gatas niya sa baso. At pagkatapos ay agad akong lumapit sa kaniya at nakangiting inabot iyon. "Heto na ang gatas mo, mahal na prinsesa," nakangiti kong sabi. "Thanks, Kuya. Ang bait mo talaga," nakangiti din nitong sabi at kinuha ang baso. Hinintay ko munang maubos niya ang gatas bago ko siya tanungin kung totoong pupunta ngayon si Nestle. Nang maubos niya ay agad niyang inabot kaya kinuha ko at nilapag sa lababo. "Princess, pupunta ba si Nestle dito sa atin?" nakangiti kong tanong. "Ibaba mo muna ako Kuya, please!" request nito kaya agad ko siyang binaba. Pero ganun na lang ang pagkabigla ko nang mabilis itong tumakbo. "Hey Bettina!" tawag ko rito. Humarap ito at huminto sandali. "Hintayin mo si Ate Nestle. Bye!" bungisngis nitong sabi at umakyat na sa taas. Luging-lugi na naupo ako sa upuan dahil tila naloko ako ni Bettina. Spoiled kasi ni Mommy kaya ayan. "Oh? Ang aga mo namang pinagbagsakan ng langit at lupa? Anong nangyari sa'yo, Bro?" Napaangat ako ng tingin nang magsalita si Deo. Himala ang aga magising ng batugan na ito. "Wala. Ginising kasi ako ni Bettina para itimpla siya ng gatas," walang gana kong sabi. "Ginamitan ka ng paawa effect noh?" natatawang sabi nito at nagtungo sa ref. "Yeah," tugon ko at hinilot ang sentido dahil tila sasakit ang ulo ko dahil inaantok pa ako. "Oh tapos?" sabi pa ulit nito at naupo sa harap ko. "Haist! Ewan ko kung totoo ba ang sinabi niya na pupunta daw si Nestle ko rito mamaya. Hindi kasi ako naniniwala na malakas siya kay Nestle. Kaya ayun tinawagan niya si Nestle at pinapunta rito," mahaba kong pagkukwento. Tumingin ako kay Deo na nilalantakan agad ang chuckie chocolate milk. "Tingin mo pupunta nga si Nestle?" tanong ko. Inubos muna nito ang iniinom at shinoot sa basurahan ang lalagyan. Tumayo ito at tinapik ang balikat ko. "Payo ko sa'yo, Bro. Malalala na yan. Si Bettina pa, tiyak na ikaw ang pinagtripan ng brat na yun. Itulog mo na lang ulit iyan, baka magkatotoo ang sinabi ni Bettina," natatawa nitong sabi at umiling-iling na lumabas ng kusina. Napasabunot ako sa buhok dahil tila tama nga si deo, pinagtripan lang ako ni Bettina. Humanda sa akin ang batang iyan paggising ko. Tumayo na ako at naisipan na matulog na lang ulit, dahil talagang inaantok pa ako. Pagdating sa kama at pabagsak akong nahiga at pinikit na ang mata. - NESTLE Maaga akong gumayak dahil sasabay ako kay Nanay sa kanto. Nagulat nga ito kung saan daw ako tutungo. Sinabi ko sa bahay nila Miss Ganda dahil nagyaya si Bettina na maglaro raw kami. Ewan ko sa batang iyon at kay aga-aga tumawag. Buti na lang at malakas siya sa akin. Naku ang ganda-ganda ng batang iyon, tapos mabait pa. Kaya hindi ko naman siya kayang tanggihan. Sakay na kami ng tricycle nang may magtext sa akin. Binasa ko at napangiti ako nang magtext ulit si Bettina. Napakatalinong bata, alam na agad paano humawak ng cellphone at parang matanda kung makipag-usap. [Cutie Bettina: Ate Nestle, wait ko po kayo rito. ;*] text nito. Oww! Ang sweet. "Sino iyang katext mo at napapangiti ka pa d'yan, anak?" usisa ni Nanay nang mapansin na nakangiti pala ako. "Si Bettina po, Nay. Naghihintay daw po siya," tugon ko habang nirereplyan si Bettina. "Marunong na pala magtext ang batang iyon? Di ba six years old pa lang iyon?" "Opo, nay. Mukhang matalino nga po paglaki si Bettina," sabi ko at nilagay sa shoulder bag ko ang phone ko. "Namana siguro sa magulang. Parehong may talento ang mag-asawang Ford, kaya hindi makakapagtaka na may magmana kahit isa sa mga anak ng mag-asawa," sabi ni Nanay at pumara na para makababa ako. "Hinto mo muna, manong. Bababa ang anak ko," sabi pa ni Nanay. Nagmano muna ako kay Nanay bago bumaba. "Wag pagabi. Tawagan mo na lang ang Tatay mo pag magpapasundo ka," bilin ni Nanay. "Opo. Sige po, Ingat po kayo," sabi ko at kumaway. Nang hindi ko na makita ang sinakyan ni Nanay ay agad na ako nag-abang ng jeep. At swerte meron din agad. Sandali lang din ang byahe dahil malapit lang din ang bahay ng mga Ford. Ang gara nga, e. Apat na magkaibang way ang pagpipilian mo pagdating mo sa gitna. Ang unang way ay yung mansyon ng mga Ricafort na konti lang ang kapitbahay. Dahil kahalati ng lupain ay pagmamay-ari nila. Tapos ang sunod na way ay yung mansyon ng magulang daw ni Miss Ganda at Sir Dimitri. Naguguluhan nga ako kung bakit naging magulang din ni Miss Ganda ang magulang ni Sir Dimitri. Yun pala ay inampon si Miss Ganda at nagkaroon pala ng feelings si Miss Ganda at Sir Dimitri. Nung ikwento nga iyon ni Nanay ay humanga at kinilig ako sa love story nila. Akalain mo yun, na ung tinuring mong kapatid, magiging asawa mo pala in the future. Anyway balik tayo sa sinasabi ko. Sa unang way ay sa Ricafort. Sa pangalawa ay sa magulang nila Sir. At ang pangatlo ay kila Duke na. Private ang bahay nila at walang ibang kapitbahay. Napakalaki ng lupain nila. Siguro, daang bahay ang pwedeng itayo. "Manong, dito na lang ho!" pagpara ko sa driver. Agad namang huminto ang jeep. Bago ako bumaba ay tiningnan pa ako ng ilang pasahero tila nagtataka bakit doon ako nagpapababa. Hindi ko na pinansin pa ang tingin nila at tumawid na ako para makapunta sa kabilang side ng kalsada--bale gate din ng mga Ford. Nagdoorbell ako at hinintay na pagbuksan ako. Nakita ko na ang isang tauhan nila. Napalunok ako dahil may mga baril pa ang mga ito. Jusko! Baka akalain pa ng mga ito na magnanakaw ako at barilin pa ako. "Sino ka, Miss?" tanong nung malaki ang katawan. "Ako po si Nestle. Pinapapunta ako rito ni Bettina," nang sinabi ko yun ay agad nilang binuksan ang pinto. "Sige, Miss. Hatid ka na namin," alok nila kaya tumango ako. Nakita ko ang isang pang army na sasakyan at doon kami sumakay. Sa mga dinadaanan namin ay may mga puno na namumulaklak. Ang ganda din ng mga dahon ng puno. Kulay orange. Mas lalo ako namangha. Dahil meron silang basketball court, Gym building at meron ding glass garden. Lumiko na ang sasakyan at doon ay nakakita ako ng napakalaking mansyon. Grabe! Ang yaman pala talaga nila. Ang ganda ng style ng bahay. May nakita rin ako parang pond. Pond na may bridge na nakakonekta sa mansyon. Huminto na ang sasakyan kaya natigil ang paninitig ko sa buong lupain nila. Inalalayan ako ng isa para makababa kaya nagpasalamat ako. "Pumasok ka na lang, Miss. Tiyak na nag-aalmusal na sila boss," sabi nung isa. "Sige po. Salamat," nakangiti kong sabi na tinanguan lang nila. Humakbang na ako habang iniikot ang paningin. Napahawak ako sa shoulder bag ko, habang ginagawa ko iyon. Nakaapak na ako sa glass floor ng pinakalabas ng mansyon nila. Tumingin ako doon at may nakita akong mga maliliit na isda. Yung kulay orange. Nahiya tuloy akong tumapak baka marumi pa ng suot kong rubber shoes. Tiningnan ko pa ang parehas kong sapatos kung may putik ba o may pupu ng hayop? Nakahinga naman ako ng maluwag nang wala siyang masiyadong dumi. Tanging alikabok ng lupa lang. Tumingin ako sa pintuan nila at bigla akong nahiya. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako o maghihintay na lang dito? "Oh, hija. Nandyan ka pala," napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Miss Ganda. Kilik-kilik nito si Benjamin tila galing pa lang sa iyak. "Magandang umaga po, Miss Ganda. Pinapapunta po kasi ako ni Bettina rito," nahihiya kong sabi. "Naku. Pasensya na at inabala ka pala ni Bettina," paumanhin nitong sabi. Pagkaraan ay agad din itong ngumiti. Kahit na magulo ang buhok niya dahil sinasabunutan ni Benjamin ay ang ganda pa rin. "Halika. Pumasok ka at doon mo na lang hintayin si Bettina sa sala," aya nito. Ngumiti ako at tumango, bago sumunod sa kaniya. Para akong ligaw na bata na nililibot ang kalooban ng bahay. White tiles ang sahig. Habang may hagdan din na may red carpet pa. Tapos nakita ko rin ang living room nila. Mamahalin ang lahat ng kagamitan nila. Mula sa leather couch, malaking flats screen t.v, may dvd player din, may malaking halaman na nakalagay sa mamahaling vase na malaki. Meron din silang altar at malaking statue ni mama mary at jesus christ. Sa harap ng couch ay may mahabang lamesa na may nakapatong na glass. Sa sahig no'n ay may carpet bilang sapin ng lamesa. "Halika sa dining area. Marami akong pinalutong almusal," aya nito. "Naku po. Wag na po. Kumain na din po ako sa bahay bago po magtungo rito. Hintayin ko na lang po si Bettina rito," nahihiya kong sabi. "Ganun ba," sabi nito at nag-isip sandali. "Sige, maupo ka muna. At papadalhan na lang kita ng meryenda," nakangiti nitong sabi. Tumango ako kaya iniwan na niya ako mag-isa. - Naupo ako sa malambot na couch at nilibot muli ang paningin. Tumayo ako nang makita ang isang pinta ng isang pamilya. Buo ang pamilya nila kasama si Baby Benjamin. Ang ganda ng pagkakapinta at kuha-kuha ang itsura nila. Lalo akong humanga kay Miss Ganda. Talagang napakaperpekto ng kaniyang pagpinta. Napatingin ako sa hagdan nang makarinig ng yabag. At mula doon ay nakita ko si Duke na halatang bagong gising at tanging boxer shorts lang ang suot. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil bigla akong pinamulahan ng pisngi. Ngayon pa lang kasi ako nakakita ng hubad na lalaki. Pero may karapatan siyang maghubad, lalo't ang ganda ng katawan niya. Maputi din ang balat niya. Umiling-iling ako dahil sa naisip ko at naupo muli. Nag-angat ulit ako ng tingin at nagtama na ang mata namin. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya at nahinto din siya sa paghakbang palapit dito. Nagkusot pa ito ng mata at tumingin muli sa akin. Nagtataka naman ako sa reaksyon niya. "Ikaw ba yan, Nestle ko?" hindi makapaniwala nitong sabi. "Oo," sabi ko at umiwas muli ng tingin. God. Wala ba siyang balak na magbihis man lang ng pang-itaas? Narinig ko ang bilis ng yabag niya kaya napatingin ako sa kaniya. Ganun na lang ang gulat ko nang bumalandra sa paningin ko ang katawan niya. Niyakap niya ako na kinalaki ng mata ko. Agad ko siyang tinulak kaya agad siyang napabitaw. "Bakit ba nangyayakap ka?" inis kong sabi at yumuko ng konti at pasimpleng nagtakip ng kamay. "Akala ko ay nag-iilusyon lang ako. Totoo palang nandito ka," tuwang-tuwa na sabi nito at naupo sa tabi ko. Agad akong umusod palayo sa kaniya. Pero ang siraulo ay umusod din. Hinarap ko siya at pinigil sa balikat. "Wag ka ngang dumikit. Tsaka magbihis ka muna," irita kong sabi at agad napabitaw sa balikat niya. "Huh? Bakit naiilang ka ba? ha? ha?" sabi nito at talagang tinutukso pa ako. Ginitgit niya ako sa pinakadulo ng couch kaya nahulog ako. Hinawakan nito ang kamay ko para sana hindi magtuloy sa pagkahulog ko, ngunit huli na. Napahiga at napadaing ako nang may mabigat na dumagan sa akin. Dumilat ako at bumungad sa akin ang nakalapit na mukha ni Duke. Dumaing din siya dahil pati siya ay nasama. Natitigan ko ng malapitan ang mukha niya. Makinis, walang maski black heads, pimples o anu pa man. Ang kilay niya na makapal ay bumagay sa mata niya na may mahahabang pilik mata, lalo't nakapikit siya. Ang ilong niyang matangos na talagang lalaking-lalaki ang dating. Napalunok ako nang makita ko ang labi niyang mapula-pula. Daig pa ata ako. Dumilat siya kaya nagtagpo ang tingin namin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at pati na rin ang kaniya. Halos maduling ako sa binibigay niyang tingin. Bumaba ang mukha niya kaya lalo akong kinabahan. Hindi ko alam bakit tila hindi ko siya kayang itulak. Malapit na sanang maglapat ang labi namin nang magsalita si Bettina. "Anong ginagawa niyo?" tanong nito. Kaya agad kong tinulak si Duke at tumayo ako. Tumalikod ako sa kanila at napahawak sa pisngi dahil sa kahihiyan. Oh my god! Anong nangyayari sa akin at hindi ko siya tinulak? Ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko sa nangyari. "Magbibihis lang ako," sabi ni Duke. Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. Nakita ko ang likod niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Tumingin ako sa gilid ko nang kalabitin ako ni Bettina. "Laro na tayo," nakangiti nitong sabi. Tumango ako kahit wala sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD