CHAPTER 4 - TORPE

3351 Words
NESTLE Inaya ako ni bettina sa Entertaining Room nila. Pagpasok namin para kang nasa sinehan. Ganun kalaki ang entertaining room nila. Magkano kaya ginastos para dito? Siguro millions na. Siguro kahit magtrabaho ako pagkatapos ko, hindi ko parin kayang mapagawa ang ganito. Well, hindi din naman ako naghahangad na magkaroon kami ng kagaya nito. Sapat na mapaayos ko ang bahay nila nanay at mapasyal ko sila sa magaganda lugar na hindi pa namin napupuntahan. Ang mahalaga naman buo ang pamilya at masaya. Inakay ako ni bettina maupo sa isang leather couch na upuan. Mahaba iyon kaya tiyak na kasya ang pito. Tapos meron pa ibang upuan na katabi. "Ate nestle, nood po muna tayo ng barbie." sabi ni bettina. "Okay. Pero marunong ka ba isalang iyan?" tanong ko rito. Ngumiti ito na kay cute-cute. "Opo." sagot nito at lumapit doon sa malaki screen. Sinalang nito iyon at nakangiti na lumapit muli sa akin. Naupo sya sa tabi ko at tumutok na ang mata sa pinanonood. The 12 princess pala ang sinalang nito. Dahil puro girl thing naman ang kwento naenjoy ko din. Habang tutok na tutok kami sa pinanonood ay may naramdaman ako naupo sa tabi ko. Tumingin ako kung sino iyon? At nabigla pa ako si duke pala. Ngumiti sya habang nakatutok ang paningin sa pinanonood namin. Tumingin ako kay bettina na hindi ata napansin si duke. Titig na titig ito sa pinanonood kaya hindi nakita ang pagdating ng kuya nito. Parang hindi ako komportable na katabi si duke. Bigla ako nailang at hindi na makalingon sa kanya. Pero hindi ko na pinahalata at nagconcentrate nalang sa pinanonood. Pero maya-maya pa naramdaman ko gumapang ang kamay nya sa likod ko hanggang sa umakbay na ito. Inalis ko agad at umusog ako palapit kay bettina, kaya napatingin ito sa akin. Tapos dumako din ang mata nito sa kuya nya. Sumalubong ang kilay nito. "Bakit ka nandito, kuya? Kami lang dapat ni ate nestle dito." sabi nito at bumaba sa upuan. Natuwa naman ako ng maupo ito sa gitna namin. Kaya umusog ako. "Haist. Ang brat mo talaga! Hindi lang sayo ito, brat. Kaya pwede ako." at talaga pinatulan pa ng isang ito. "Huhuhu! Ate nestle, lagi nalang ako inaaway ni kuya. Kung ako sayo, wag mo na sya sasagutin." teary eyed na sabi nito. "Hoy! Wag mo nga pangunahan ang ate nestle mo. Hindi naman kita inaaway. Sinasabi ko lang ang totoo." giit nito. "Tama na! Cutie, wag mo nalang pansinin ang kuya mo. Nood nalang tayo." pag-aalo ko dito.. Yumakap ito sa akin kaya hinaplos ko ang buhok nya. Tumingin ako kay duke at pinandilatan sya. Napabuga naman ito ng hangin at busangot na naupo nalang. Exactly 4pm ng magpasya na ako umuwi. Hapon na ng matapos ko samahan maglaro si bettina. Pagkatapos kasi namin manood ay nagbike kami sa bakuran nila, tapos nagswimming din ito sa rooftop nila, kaya inabot na kami ng hapon. Naglalakad na ako sa lupain nila ng makarinig ako ng tunog ng isang sasakyan. Hindi ko na nilingon at baka isa lang iyon sa tauhan nila. Pero ganun nalang ang bigla ko ng may huminto sa harap ko. Pula sport car. Sino pa ba! Humalukipkip ako habang hinihintay sya bumaba. "Hatid na kita.." nakangiti nito sabi at binuksan ang kabilang side ng pinto na nasa harap ko. "Hindi na. May pupuntahan pa ako." tanggi ko at hahakbang na nasa ng harangan ako nito. "Saan? Samahan na kita." pagpilit nito. "Hindi pwede." sabi ko rito. "At bakit? Wala naman masama kung samahan kita. Tsaka manliligaw mo ako kaya obligasyon ko na ihatid ka." Napahinga ako ng malalim at walang magawa sa kakulitan nya. Umirap ako sa kanya at sumakay sa kotse nya. Ngiti tagumpay naman nito na sinara ang pinto at dali-dali pumunta sa kabila side. Pagsakay nya ay napatingin pa sya sa akin. Kaya nakataas ang kilay na tinignan ko sya. "Bakit?" nagtataka ko tanong sa kanya. Naglean sya kaya napaatras ako sa bintana. "T-teka! Ano bang ginagawa mo!" pigil ko sa kanya at gusto ko batukan ang sarili ng mautal ako. Inilapit pa nya ang mukha kaya napaiwas ako at napapikit. 'Click!' Napadilat ako ng makarinig ako ng click. At pinagseat belt pala nya ako. "Para safe. Alam mo naman ayoko napapahamak ka." bulong nito sa tenga ko at para ako tinayuan ng balahibo ng maramdaman ko ang hininga nya. Lumayo na ito kaya palihim ako napahinga ng malalim. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at hindi mapigilan na magrereact ito pag lumalapit sya. Tahimik lang kami ng paandarin na nya ang sasakyan. Kaya tumingin na lang ako sa bintana. Maya-maya lang ay bigla nagring ang cellphone ni duke kaya napatingin ako sa kanya. Kinapa nya ang bulsa at nilabas doon ang phone nya. Nagtaka naman ako ng iabot nya iyon sa akin. "Huh?" nasabi ko. "Pakisagot. Bawal ko sagutin dahil nagdadrive ako. Pakisagot nalang." pakiusap nito. Kaya naman umayos ako ng upo at inabot iyon. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Chad. "Si Chad." sabi ko. "Sige, sagutin mo. Baka importante ang sasabihin nya." sabi niya habang nililiko na nito ang sasakyan nya. Gaya ng sabi niya ay sinagot ko at niloud speak. Nakarinig ako sa background ng tila may nababasag na bagay. "f**k Dude! Si xenon natrouble!" sabi ni chad. "Damn! Sige, patungo na ako." seryoso tugon ni duke at binilisan ang pagpapatakbo. Napahawak ako sa upuan dahil kinabahan ako sa bilis. "Duke, ibaba mo nalang ako dyan! Ayoko pa mamatay." galit ko sabi rito. "Sorry, mine. Pero sumama ka muna. Hindi pwede hahayaan kita umuwi mag-isa." sabi nya. "Ayoko sumama! Ibaba muna ako. Baka gabihin pa ako." naiirita ko sabi. "At pwede ba! Bagalan mo nga! Baka mamaya mabangga pa tayo." pagpapatuloy ko. Pero ang lintek na lalaki ito! Hindi na ako pinakinggan pa. Paos na ako kakapilit pero hindi na sya kumibo. Napapikit ako ng bigla pumereno ito. Pero agad din dumilat ng marinig ko ang pagkalas ng belt nya. "Stay here. Sandali lang ako." bilin nya at dali-dali na bumaba. Kaya gaya ng sabi nya ay inis na naghintay ako. Tinignan ko kung nasaan ba kami? What? Isang bar? Ang bata pa nila para makapasok doon. Sabagay iba na rin ang may pera. Naisipan ko bumaba muna, dahil napakatagal naman ni duke. 's**t Pre! May nag-aaway sa loob.' sabi ng isang lalaki lumabas at sinabi sa isang lalaki naninigarilyo nasa labas. Agad na binitawan nung lalaki ang hawak nya sigarilyo at pumasok sa loob. Kinabahan ako sa sinabi ng lalaki. Baka si duke pala iyon. Umalis ako sa pagkakasandal sa kotse nya at naisipan na pumasok sa loob. Napahawak ako ng mahigpit sa shoulder bag ko ng makarating na ako sa harap ng entrance ng bar. Dinig ko na ang boses ng mga nagsisigawan. Kaya para ako ang kinabahan para kay duke. Nilakasan ko ang loob ko at tumakbo ako papasok. Napatakip ako ng ilong at bibig sa dahil amoy usok ng sigarilyo. Nakakasilaw ang ilaw at nakakahilo. May nakita ako kumpulan sa gitna at nagsisigawan pa ang mga tao tila nagpupustahan at tuwang-tuwa na meron away na nagaganap. Nilibot ko ang tingin at hinahanap sila duke. Pero tangi ilang lalaki lang ang nasa table nila at ang iba ay nandito sa kumpulan. "Wala ka palang binatbat! Sa susunod na pagtulungan nyo ang kaibigan ko.. Baka katapusan na ng hininga nyo!" galit na sabi ng isang boses. Si duke! Kaya dali-dali ako nakisingit at nagtungo sa unahan. Nakita ko na bagsak ang tatlong lalaki. Habang tinatayo ni duke at isang kaibigan nito ung kaibigan nilang isa na may pasa sa mukha tila lasing. Nilapitan ko si duke. "Duke!" tawag ko. Lumingon tila at nanlaki ang mata. "s**t!" mura nito at dali-dali binitawan ang kaibigan at lumapit sa akin. Hinatak nya ako at nilagay sa likod nya. Napapikit ako at napahawak sa likod nya. Dumilat ako at tumingin kay duke. Seryoso ang mukha nya habang kaharap ang isang lalaki bugbog ang mukha. "Tignan natin kung sino ang mauubusan ng hininga." nakangisi sabi ng lalaki at tinaas ang hawak nito balisong na may dugo. Namumutla na napatingin ako kay duke at tinignan ang katawan nya. "D-duke!" nanginginig ko tawag sa kanya. "Hayop! Asshole!" galit na sabi ni duke at nagawa pa suntukin ng malakas ang lalaki, kaya napabitaw ako sa kanya. "Duke! Stop!" pigil ko sabi sa kanya pero natatakot ako lumapit baka ako ang masuntok. "Nestle! Tawagan mo si tito dimitri. Dali!" tawag sa akin ng kaibigan ni duke na tingin ko si chad. "Huh? Wala ako number ni sir." "Here. Use my cellphone. Hanapin mo lang ang pangalan nya." abot nito kaya agad ko kinuha ang cellphone nya. Nanginginig na hinanap ko ang number ni sir at sa wakas nakita ko rin. Dinial ko agad habang wala paring tigil si duke kahit na may sugat. "Yes?" sagot ni sir. "Ah Sir, si nestle po ito. May kaaway po si duke dito sa bar malapit sa bayan. May sugat po sya. Kailangan po nya ng tulong. Magpunta po kayo dito ngayon na." natataranta ko sabi. "Okay. I'll be there." seryoso sabi nito at binaba na ang tawag. Kaya inabot ko na kay chad ang phone nya. Napaatras ang lahat ng meron pa sumugod. At ang kinakaba ko ay may baril sila at tinutok kay duke. "Matapang ka bata. Pero ewan lang namin kung matapang ka pa pag bumaon na ang bala ng baril ko sayo." sabi ng isang lalaki puro hikaw ang labi. Napangiwi ako sa itsura nya. "Tsk! Mga kinakalawang na ata ang baril nyo gaya ng mukha nyo. Baka naman hindi na tumalab yan. Pwede kayo gumamit ng water gun." sagot ni duke habang nakahawak sa bewang nya kung saan ang sugat. Gusto ko sya batukan dahil talaga hinahamon pa nya ang mga ito. Napahawak ako sa isang braso na sumakal sa leeg ko at may tinutok na baril sa ulo ko. Kinabahan ako dahil baka pumutok iyon sa ulo ko. "Matapang ka talaga bata! Kung patayin ko kaya ito?" sabi ng may hawak sa akin kaya napalingon si duke. Nakita ko ang pagdilim ng anyo nya at tumingin sya sa akin mata. "Close your eyes, mine." utos nito. "Pero--" "Basta! Wag ng matigas ang ulo." mariin nito utos kaya ginawa ko. Pumikit ako ng mariin hanggang sa makarinig ako ng putukan at paghatak sa akin. Yakap ako ng isang mainit na bisig tila pinaparamdam nya ligtas ako sa bisig nya. "Ligtas ka na, mine." bulong nito habang yakap-yakap parin ako. Bibitaw sana ako para makita ang kalagayan nya ng pigilan nya ako. "Dont! Stay. I want to hug you like this," sabi nito. "Pero may sugat ka." nag-aalala ko sabi. "Don't worry.. Mayakap lang kita, para na ako nagchacharge." pilyo pang sabi niya pero may paos na sa kanya boses. "Dalhin nyo sa bartolina ang mga gugong na yan! Ako ang magbibigay ng parusa sa kanila." dinig ko utos ni sir dimitri. Pilit ko humiwalay kay duke pero ayaw nya bumitaw. "Son, bitawan muna sya. Kailangan magamot iyan kung ayaw mo makita ng mommy mo yang sugat mo." sabi ni sir. Nahiya tuloy ako bigla kay sir. "Ayoko! Hindi ko sya bibitawan." nagmamatigas na sabi ni duke. "Bitawan mo ako dahil hindi na ako makahinga." sabi ko dahil ang higpit ng yakap nya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng bumitaw sya, pero nakaakbay naman. "Manang-mana ka talaga sa akin. Let's go. Kailangan ipagamot mo iyan kay dylan." sabi ni sir at tumingin sa akin. "Hija, pakialalayan nalang. Hindi yan bibitaw sayo kaya tiisin mo nalang." sabi nito sa akin. Kaya tumango ako. May kinausap pa si sir na mga tauhan bago kami pinasunod sa kanya. Naghawian ang mga tao tila kilalang-kilala si sir. Halata sa mga mukha nila na takot sila dito. Hindi ko naman sila masisisi. Dahil maging ako natatakot sa kanya. Maawtoridad ang boses nya at pag tumingin parang nakikita ang pagkatao mo. Napahinga ako ng malalim at napatingin kay duke na nakapikit na. Pero grabe parin makakapit. Hinawakan ko ang kamay nya nakaakbay sa akin at humawak din ako sa bewang nya para hindi sya bumagsak. Nahihirapan ako dahil matangkad sya sa akin at mabigat. Pero kakayanin. Dahil ako ang may kalasanan kaya sya nasaksak. Kung hindi siguro ako lumapit, baka hindi nya sinalo ang sasaksak sa akin. Paglabas namin ay kinuha na sa akin ng dalawa tauhan ni sir si duke na wala ng malay. "Hija, sumabay ka na. Walang pipigil dyan pag napansin wala ka." sabi n sir. Tumingin ako wrist watch ko at napansin na alas sais na pala. "Ah sir, gabi na po--" "Ako bahala sa magulang mo. Ipagpapaalam kita." putol nito sa akin. Wala na ako nagawa dahil tila gusto talaga ako nito samahan ang anak nya. "Sige po." pagpayag ko at sumakay na. Naupo ako sa tabi ni duke at sinara ang pinto. Tumingin ako sa kanya at napansin na maputla sya. Tumingin ako sa sugat nya na dumudugo parin. Kinuha ko ang panyo ko at tinakip sa sugat nya. "N-Nestle.." bulong nito. Binabanggit nya ang pangalan ko kahit wala sya malay. Ganyan ba talaga nya ako kagusto? Hindi ko alam kung bakit ako pa? Mahirap lang ako. Simple. Lagi masungit sa kanya. Kahit lagi ko sya iniiwasan ay patuloy parin sya nagpapakita ng pagkagusto nya. Pati sa panganib mas tinaya pa nya ang buhay nya maligtas lang ako. Parang hindi naman ako deserving sa tulad nya. Bata palang nakita ko na malayo pala talaga kami sa isa't-isa. Siguro hindi ko kaya abutin ang katulad nya. ~ Flashback 10 years ago. ~ "Duke, Claire, halika kayo. Picture kayo." sabi ng isang kaibigan ni miss ganda na may salamin. Birthday ni duke at eight years old na sya. Marami bata ang dumalo. Tinayo nung kaibigan ni miss ganda yung anak nya babae at si duke na ayaw tumayo. Lumilinga ang ulo ni duke tila may hinihintay. Pinagtabi sila nung batang babae na bata palang kikay na manamit. "Oww. They really cute to each other. Baka maging magkabalae tayo. Anong sa tingin mo?" nakangiti sabi nung kaibigan ni miss ganda. "Pwede. Magkababata naman sila." komento ni miss ganda. "Wala naman imposible. Bagay talaga sila." sabi ng kaibigan ni miss ganda. Nakita ko ang pagngiti nung bata babae kay duke. Habang si duke ay tila inis sa nangyayari. Umalis ako mula sa pagtatago sa puno nila. Tumingin ako sa gift ko sana pero mukha hindi naman bagay doon. "Oh, anak, Bakit nandyan ka lang? Di ba sabi mo gusto mo bigyan ng gift si duke?" sabi ni nanay na isang nagseserve sa mga bisita. "Hindi na po. Baka hindi din po mapansin. Akin nalang po ito." nakangiti ko sabi. "Bakit naman. Kahit maliit na regalo o kahit hindi mamahalin. Kung pinaghirapan mo. Tiyak na magugustuhan ng tatanggap. Nasa tatanggap nalang iyon kung magustuhan nya o hindi." sabi ni nanay. "Sige po. Susubukan ko po." nakangiti ko sabi. Tama si nanay. Baka nga magustuhan ni duke. "O sya! Sa likod na tayo dumaan para makakain ka. Alam ko nahihiya ka sa bisita nila." aya ni nanay at sinabay na ako pumasok sa likod. Lumingon lang ako saglit kay duke na busangot na nakaupo sa upuan nya. Pinakain ako ni nanay sa kusina ng ford at tuwang-tuwa ako dahil ang sasarap ng pagkain.. Kasama lang namin ang kapwa kasambahay na nagluluto. Pagkatapos ko kumain ay naisipan ko lumabas na para ibigay kay duke ang regalo nya. Nagtago parin ako at nagtungo kung saan binubuksan ang mga gift. Nilapag ko sa lamesa ang gift ko at tumakbo para magtago muli sa puno. Nakahinga ako ng maluwag dahil nailagay ko na rin sa wakas. Lumapit na si duke at binuksan ang mga regalo nya. Nakangiti nya binuksan ang malaki regalo at ang laman ay isang collectible sport car. "Gift ko sayo yan, duke." sabi nung batang babae na claire daw ang pangalan sabi ng ina nito. "Wow. It's cool!" tuwang-tuwang sabi ni duke. "Pinabili ko yan kay dad for you." sabi nung claire. "Thanks." tugon ni duke at binuksan din ang iba. Napangiti ako ng buksan na ni duke ang akin. "God. Ang cheap naman ng pambalot. Hindi naman pasko." natatawa sabi ni claire. Umirap ako dahil nilait pa nito ang pambalot ko. Binuksan na ni duke ang regalo ko at kinuha nya ang laman. "Hahaha! Brief na may drawing na kotse. Hahaha! Sino kaya nagbigay nya'n? Patawa sya ha." natatawa sabi ni claire at nagtawanan na din ang ilang bata. Nakita ko ang galit ni duke at binitawan ang bigay ko. Bagsak ang balikat ko dahil hindi pala nya nagustuhan. Nakakainis sya! Ang mahal kaya nya'n sa palengke. Bahala sya! Hindi ko sya reregaluhan. Umuwi na ako no'n kasabay ni nanay. Tinanong nya ako kung nabigay ko daw. "Opo. Kaso tinapon nya sa lupa. Kaya hindi ko na sya bati. At hindi ko na sya bibigyan ng regalo." inis ko pa sabi. "Huh? Bakit naman nya tinapon? Di ba ung drawing mo kotse ang gift mo sa kanya? Hindi ba nya nagustuhan?" naguguluhan sabi ni nanay. "Hindi po iyon. Sabi kasi ni hana dapat yung nagagamit nalang daw po ang iregalo ko." sabi nya. "Oh.. ano ba ang iniregalo mo?" curious na tanong ni nanay. "Basta po. Ayoko na sa kanya. Hindi na ako ulit pupunta doon." sabi nya. "Okay. Bahala ka. Wala ka ng kalaro." pananakot na sabi ni nanay. Pero hindi ako takot. ~ End Of Flashback ~ Nakasunod lang ako kay sir habang pinapasok si duke sa hospital. Nakasakay na sya sa stretcher at dadalhin sa E.R para lapatan ang sugat ni duke. Naupo ako habang si sir ay kausap ang isang doctor na tingin ko kasing edad nya. Ito ata yung kaibigan nya. Napatingin ako kay chad na tumatakbo at patungo dito. "Kamusta na si duke?" tanong nito sa akin. "Wala pa balita. Kakapasok lang nya." sabi ko. Naupo ito sa kahilera ko upuan. "Hay. Mabuti si xenon ay ayos na. Kailangan lang pagalingin ang pasa." sabi nya. "Ano ba ang nangyari at napaaway kayo?" tanong ko sa kanya. Gusto ko kasi malaman kung bakit sila nakikipag-away. Huminga ng malalim si chad at sinandal ang likod sa pader na inuupuan namin. "Naglasing si xenon dahil nag-away sila ng dad nya. Ayaw sumama ni xenon sa state dahil mas gusto nya na dito sya sa pilipinas kung nasaan daw kami. Pag nasa ibang bansa sya tiyak na maiiwan lang daw sya mag-isa. Workaholic ang parents nya. Tangi kasambahay ang lagi nagbabantay sa kanya simula bata. Kaya ng magkakilala kami tatlo. Lagi na sya wala sa bahay nila." pagkukwento nya. Bigla ay humanga ako sa pagkakaibigan nila. Talaga pala malalim ang pagsasamahan nila. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala lahat ng mayaman, may masaya buhay. Akala ko noon, ang swerte nila at hindi sila nagkakaroon ng financial problem. Yun pala family problem ang meron sila. "Sa sobrang kalasingan nya ay may nabunggo sya grupo ng mga gang. Pinagtulungan sya. Mabuti at nakarating agad ako. Pero hindi namin kaya dahil napuruhan na si xenon. Kaya tumawag ako kay duke. Tapos pati pala sya mahohospital." pagpapatuloy nito. "Sorry. Ako ang may kasalanan kaya nasaksak si duke. Kung hindi ako lumapit baka hindi pa ako naging pabigat." "Wala yun. Wag mo alalanin si duke. Malakas ang isang iyon. Makita ka lang tiyak wala lang sa kanya ang saksak." natatawa nito sabi. "Ano sya super hero? Para hindi makaramdam ng sakit? Tsaka hindi ako naniniwala makita lang ako wala lang sa kanya yung sakit." umiling-iling ako at hindi naniniwala sa sinabi nya. "Believed me. Pag ikaw ang nakita no'n pagbukas ng mata nya. Tiyak na abot tenga ang ngiti ng siraulo iyon. Dati nga ng makipagsuntukan sya sa mga lalaki estudyante na tumambay sa harap ng bahay nyo. Narinig nya kasi liligawan ka daw. Ayun nakipag bugbugan." nakangisi pa nitong sabi. Naaalala ko nga iyon. First year high school ako. Paglabas ko ng bahay namin para pumasok ng school, nakita ko si duke na may pasa sa labi habang nakaabang sa akin. Kaya akala ko nakipag-away sya dahil sa kayabangan. "Hindi ba ng may pasa sya at nakita ka nya. Nakangiti sayo parang wala lang." pagpapatuloy nya. "At paano mo naman nalaman? Sya lang mag-isa no'n ah?" naniningkit ang mata ko tanong sa kanya. Binulong nya sa akin at sinabi. Habang sinasabi nya ay napangiti ako sa nalaman. Napailing ako at hindi makapaniwala sa kapal ng mukha nya humarap sa akin noon. Akala ko talaga ganun nya ipanlandakan ang pagkagusto nya. Yun pala! Natotorpe pa pala ang isang yun at kailangan pa ng back up para tulungan sya paano ko sya mapapansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD