CHAPTER 7 - LEAVING

3285 Words
NESTLE Nung isang araw ay nagdesisyon na talaga ako na hindi na sasama sa field trip ng school. Dahil wala naman kaming perang pambayad talaga. Pero nagulat ako isang araw nang bigyan ako ni Nanay ng pambayad. Sabi niya ay sumahod na daw sila. At kaya daw malaki ang naging sahod nila, dahil na rin sa christmas bonus nila sa pamilyang Ricafort. Ewan ko kung talagang sinuwerte dahil isang araw na lang bago ang field trip namin tsaka nagkaroon ng pera sila Nanay. Kaya nang sinabi ni Nanay na sumama daw ako ay wala na ako nagawa. Nang ibalita ko kay Hana iyon ay nagtatatalon sa tuwa ang lukaret. Masaya din naman at nakakaexcite dahil iba't-ibang lugar din ang pupuntahan namin. Ikinuwento ko rin kay Duke iyon. Masaya daw siya at sumama ako. Lihim lang sa mga kaibigan namin ang status naming dalawa. Natatakot kasi ako dahil first time kong magkaboyfriend. Simula nga nang kami na ni Duke. Lagi na akong nakaharap sa phone ko lalo na pag natutulog na. Nagtetext pa kami kahit gabi na. Lagi siyang nagtetext ng mga sweet messages. Kaya pag kinikilig ako ay nagtatakip ako ng unan at tumitili. Baka magising si Magnolia at pagalitan pa ako. Tapos pag uwian ay nagpupunta din kami sa secret place naming dalawa. Sabi sa akin ni Duke na wala daw ibang tao ang dumadaan doon. Kami lang daw ang nakaalam ng magandang lugar na iyon. Natatawa ako pag tinatawag ni Duke na NeSean Tree ang puno. Ang corny niya talaga. "Rin, doon tayo sa gitna ha?" sabi ni Hana na tinutukoy ang bus na sasakyan namin. Madaling araw na at hinihintay namin ang pagdating ng mga bus na nirent ng school. "O sige. Pero sa bintana ako," sagot ko. "Sige," naeexcite nitong sabi. Tiningnan ko ang phone ko kung nagtext na ba si Duke? Sabi niya itetext daw niya ako pag nakaalis na ang bus. It's 5 in the morning na. Baka tulog pa iyon kaya binulsa ko na lang ulit. Napa-angat ako ng tingin nang dumating na ang mga bus. Humawak si Hana sa akin at naeexcite nang makita ang bus. Napailing na lang ako dahil akala mo ito ang una naming fieldtrip. Sayang nga at hindi kasama ang batch nila Duke. Sabi ni Duke hindi daw ngayon ang fieldtrip nila. First time nga na naiba sila. Dahil pag ganitong field trip ng school ay magkasabay ang lahat. "Look, Rin. Di ba classmate ni Duke iyon," turo ni Hana sa grupong parating. Oo nga noh. Akala ko ba hindi ngayon ang fieldtrip nila? Hinanap ko ung Claire dahil baka kasama. Magkaklase kasi sila ni Duke. Nagseselos nga ako nang malaman ko iyon. Pero hindi na ngayon, dahil sabi ni Duke kababata lang daw turing niya rito. Kaya kampante na ako. Hindi ko nakita si Claire at wala din si Duke. "Baka mga nagsisama lang yan. Wala sila Duke, e," sabi ko kay Hana. "Baka nga. Alangan namang magsinungaling si Duke," sabi ni Hana. Sumakay na kami ng bus at gaya ng pinag-usapan namin ni Hana ay sa bintana ako. Nang makaupo kami at agad na sumelfie ang lukaret. Para daw may remembrance. Pagkatapos namin magpicture ay nilabas ko ang phone ko, habang si Hana ay sa ibang kaklase namin kumukuha ng litrato. Wala pa ring text si Duke kaya tinext ko siya. [Me: Good Morning, boyfie ko. Nakasakay na kami. 2log kpb?] message sent. Sumandal ako sa upuan habang hinihintay umilaw ang cellphone ko. Pero wala pa. "Okay, class! Kompleto na ba ang lahat? Dahil pag nalate ay hindi na makakasama. Paalis na ang bus natin," wika ni ma'am. Nagsabi ang lahat ng kompleto na, dahil lahat din ng upuan ay okupado na. Nang malaman ni ma'am iyon ay pinaandar na ang bus. Naglead pa ng prayers si ma'am sa lahat habang umaandar ang bus. Nakalayo na kami sa school kaya kaniya-kaniya kwentuhan na lang. Tiningnan ko ang phone ko at tiningnan kung may text si Duke. Akala ko ay hindi na siya magrereply. Pero nagliwanag ang pakiramdam ko nang magtext siya. Binasa ko ang text niya at napangiti ako. [Duke: Mag-iingat ka, mine ko. I love you!] text niya. Nangingiti namang nireplayan ko siya. [Me: Opo. Mag-iingat ako. I love you, too!] message sent. "Uy, sinong katext mo at parang kinikilig ka mag-isa dyan?" usisa ni Hana. Agad kong binulsa ang phone ko dahil baka may malaman si Hana. Ayoko sanang maglihim sa kaniya. Kaso baka madulas siya at masabi kela Nanay ang sekreto namin ni Duke. "Wala. May binabasa lang akong story para hindi mabore sa byahe," palusot ko. "Ok. Akala ko may boyfriend ka na at magkatext kayo," sabi ni Hana na lihim na kinasamid ko kahit wala naman akong kinakain. Ngumiti na lang ako para hindi na maghinala si Hana. Sorry Hana, pero maglilihim muna ako sa'yo. - DUKE "Bakit kasi kailangan pa ng anak mo magsanay na kagaya mo? Nilalagay mo lang si Duke sa alanganin," dinig kong sabi ni Mommy na nakikipagtalo kay Daddy. "Ayaw ko man, pero ginusto niya. At nangangamba din ako dahil kumikilos na ang kaalitan ko na mga mataas na illegal na tao.. Hindi ko naman akalain na maririnig iyon ni Duke na balak naming magplano para proteksiyonan kayo, misis ko. Gusto raw niyang matuto para daw proteksiyonan ang mahal niya," sabi ni Daddy. Totoo na gusto kong matuto sa ginagawa ni Daddy. Dahil may nagpadala na sa akin ng threat. Ako lamang ang nakakaalam at sila Xenon at Chad. At alam kong meron din kila Mommy. Kaya naman hindi lang ako uupo at hahayaang mag-isa si Daddy na ptoteksiyonan ang pamilya namin. At kahit na malayo ako ng sandali kay Nestle ay titiisin ko. "Bakit kasi yan pa ang napili mong trabaho? Baka mamaya pareho pa kayong mapahamak ni Duke," umiiyak na sabi ni Mommy. Umalis na ako sa pinto nila. Ngayon ang alis namin ni Daddy, kasama sila Mommy na doon muna maglalagi sa isla BF. Mas malalayo sila Mommy sa panganib pag doon muna sila, gaya ng sabi ni Daddy. Napahinto ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko nang may magtext. Binasa ko at nalaman kong si Nestle iyon. Sinabi niya na nakasakay na siya ng bus kaya dali-dali akong bumaba at tinungo ang sasakyan ko. Gusto ko siyang makita kahit saglit, dahil alam kong matatagalan ako sa pag-alis ko. Mahabang training ang kailangan ko para maging magaling katulad ni Daddy. Binilisan ko talaga ang pagpapatakbo pero ang pag-alis ng bus na lang ang naabutan ko. Napasandal ako sa pinto ng sasakyan ko at nilabas ko ang cellphone ko para itext siya na mag-ingat siya at sinabi ko na mahal na mahal ko siya. Nagreply siya agad na kinangiti ko. Binulsa ko na ang cellphone at pumasok muli sa sasakyan ko. Pero bago ako umalis ay mag-iiwan muna ako ng liham sa secret place namin ni Nestle. Alam kong mababasa niya iyon dahil tiyak doon siya pupunta pag nalaman niyang umalis na ako. Umalis na rin ako ng school dahil hindi ko na mapapasukan ang ibang sem. Syempre hindi naman magagalit ang principal ng school, dahil may share si Daddy sa school. Pagdating sa puno ay hinaplos ko ang pangalan namin na nakaukit. Hindi ko alam kung tatagal ang ukit na ito pag lumipas na ang panahon. Pinatong ko ang liham ko para sa kaniya sa maraming bato para hindi liparin. Nagpagpag ako ng kamay at tiningnan iyon. Hindi na siguro liliparin ito dahil halos mabibigat ang nilagay ko. 'Ring..Ring! Ring..Ring!' Kinapa ko ang cellphone ko at kinuha mula sa bulsa ng pantalon ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si Daddy. "Duke, where are you? Let's go," sabi nito. "Okay, Dad. Pauwi na ako," sagot ko at binaba na ang tawag. Tumingin muna ako sa buong paligid bago tumalikod. - NESTLE Masayang-masaya ako dahil ang saya at ang ganda ng pinasyalan namin. Una sa mga museo, tapos sa ocean park, at ang huli ay sa enchanted kingdom. Kaya naman ng makababa na kami sa school ay doon lang kami nakaramdam ng pagod at antok. Sinundo kami ni Tatay na naghihintay sa school. Masiyado na din kasing gabi nang makauwi kami. Hindi ko tuloy alam kung nagtext at tumawag ba si Duke sa akin. Lowbatt na kasi ang cellphone ko kakakuha ng mga litrato. "Oh, nag-enjoy ba kayo sa pinuntahan niyo, anak?" tanong ni Tatay, habang binabagtas na namin ang daan pauwi. "Opo, Tay. Ang ganda po kasi ng pinuntahan namin at ang sarap sumakay sa mga rides. Nakakatawa nga po si Hana na sumuka pa, dahil hindi na makayanan ang taas ng sinakyan namin," nangingiti kong tugon sa tanong ni Tatay. "Uy, grabe ka friend. Nakakahiya tuloy kay tito. Kasi naman po ang pinili ni Rin na rides yung mga pamatay. Halos bumaligtad ang paningin ko pag bumabaliktad yung sinasakyan namin, tito," nagsusumbong na sabi ni Hana. "Dapat sa susunod ay wag kayong masyadong sasakay sa gano'n, anak. Baka mamaya magkaroon ng trahedya at mapahamak pa kayo," payo ni Tatay. "Opo. Sumubok lang naman po kami," tugon ko. Huminto na ang sasakyan sa bahay nila Hana. Nakita ko ang Nanay niya na nag-aabang sa labas ng pinto. Nagpaalam ako kay Hana habang ganun din si Tatay sa Nanay ni Hana. Pagkatapos ay lumiko lang kami dahil medyo malapit din kami sa bahay nila Hana. Nakita ko si Nanay at himala na gising pa si Magnolia na kasama ni Nanay na lumabas ng pinto nang marinig siguro ang ugong ng sasakyang owner ni Tatay. Nagmano ako pagkalapit ko kay Nanay. "Ate, may pasalubong ka ba sa akin?" naeexcite na salubong ni Magnolia. "Wala e. Naubos kasi ang pera ko," panloloko ko. Pero ang totoo, meron akong uwi sa kaniya at kila Nanay. Lumungkot ang mukha niya dahil nagbilin ito na ibili ko raw siya ng stuff toy. "Joke lang! Binibiro ka lang ni ate," bawi ko dahil parang paiyak na ito. Bigla ay nagliwanag ang mukha niya nang sabihin ko iyon. Inabot ko ang paper bag na pinaglalagyan ng stuff toy. Pagkatapos ay kay Nanay naman ako bumaling. "Nay, may uwi din po ako sa inyong pizza. Masarap po siya at tiyak na magugustuhan niyo," sabi ko kay Nanay habang pumapasok kami sa loob. "Ano ka ba, anak. Dapat ay hindi ka na nag-abala. Baka hindi maubos yan dahil nakakain na din kami," sabi ni Nanay. Naupo ako sa upuan sa sala namin dahil bigla ay nakaramdam ako ng p*******t ng paa. "Pwede pa naman pong bukas iyon, nay. Baunin niyo po at iinit sa oven ng mga Ricafort," sabi ko. "Wala nga pala kaming pasok bukas. Dahil umalis ang pamilyang Ricafort at Ford para daw magbakasyon. Sasabihan na lang daw kami pag pauwi na sila," napaayos ako ng upo sa sinabi ni Nanay. "Po? Umalis sila? Pati sila Duke? Saan daw po nagpunta?" sunod-sunod kong tanong. "Hindi ko alam, anak. Baka daw matagalan. Kaya nga habang wala sila ay naisip namin ng Tatay mong magtinda muna ng kakanin para may karagdagan tayong kikitain," sabi ni Nanay. Agad akong tumayo at binitbit ang bag ko. Kailangan kong tawagan si Duke at tanungin kung bakit hindi siya nagsabing aalis sila. Kung gano'n ay matagal silang mawawala? Pagdating sa kwarto ay agad kong kinuha ang charger sa box na nasa table at chinarge ang cellphone ko. Naupo ako sa higaan ko at napaisip. Di kaya na ngayon din ang field trip nila? At sinabi lang iyon ni Duke para hindi ko malaman na aalis sila ngayon? Nasaktan ako kung gano'n nga ang ginawa niya. Maiintindihan ko naman kung sakaling aalis sila saglit. Pero bakit pa siya naglihim sa akin? Napagdesisyonan ko munang bumaba para maglinis ng katawan. Habang hinihintay na magcharge ang cellphone ko. Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng banyo. Nakita ko sila Nanay at Tatay na nagkakape. Gawain nila iyon bago matulog. "Oh, anak. Nandyan ka pa pala. Akala ko ay natutulog ka na," sabi ni Nanay tila nabigla pa nang makita akong lumabas ng banyo. "Naglinis lang po ako ng katawan. Matutulog na din po ako," sabi ko. Tumango naman sila kaya tinungo ko na ang kwarto ko sa taas. Napahinga ako ng malalim pagpasok ko sa kwarto. Agad kong nilapitan ang cellphone ko at inalis sa pagkakacharge, at binuhay ko ito. Habang hinihintay ay sumampa ako sa kama namin ni Magnolia na tulog na. Nag-indian seat ako at niyakap ang unan ko. Nabuhay na ang cellphone ko, pero ni isang message ni Duke ay walang bumungad sa akin. Dinial ko ang numero niya at hinintay na sagutin niya. Nagriring iyon, hudyat na buhay ang cellphone nito. Pero napamaang ako nang patayin niya. Nagtry ulit ako pero cannot be reached na. Pinatay na niya ang cellphone para hindi ko siya matawagan. Natulala ako dahil bakit niya ako pinatayan? Ayaw ba niya akong makausap? Wala ba talaga siyang balak na ipaalam sa akin? 'Pop!' Nagbalik ang tingin ko sa cellphone ko ng magpop ang message tone ko. At ang bumungad ang isang text at galing iyon kay Duke. [Duke: Don't call me again. ] Maikli lamang pero bakit ang sakit? Talaga? Ako pa ang sinabihan niya na wag tumawag? Bakit wala na ba akong karapatan? Huh! Dahil sa text niya ay nireplyan ko siya. [Me: Ok, madali naman akong kausap.] text ko sa kaniya. Napasabunot ako dahil ang gusto ko sana ay bulyawan siya sa text pero sino ba ang magmumukhang tanga pag ginawa ko iyon. Nilapag ko ang cellphone ko sa side table ay nahiga ako at nagkumot ng buong katawan. Kasama pati mukha. Bumuhos ang luha ko dahil sa text niya. Ang hirap naman niya spellingin. Kanina may pa I love you pa siya nung umaga. Tapos ngayon, ayaw na niya akong tumawag. Agad kong pinahid ang luha ko nang lumikot si Magnolia at yumakap sa akin. Inalis ko ang pagtaklob ng kumot sa mukha ko at tumingin kay Magnolia. Tulog ito at naalimpungatan. Napahinga ako ng malalim at pinilit na matulog kahit ayaw naman ng isip at mata ko na matulog. Kaya kinabukasan ay dilat na dilat pa rin ang mata ko. Kaya nang bumangon si Magnolia at mapatingin siya sa akin ay nagulat pa siya. "Nakakagulat ka naman, ate! Akala ko zombie na ang katabi ko," sabi nito. "Argh! Hindi ako nakatulog!" inis kong sabi at bumangon. Napahawak pa ako sa ulo ko nang makaramdam ng sakit. "Bakit hindi ka nakatulog, ate? Ang laki ng itim sa ibaba ng mata mo," sabi ni Magnolia. Agad naman akong napahawak sa mata ko. "Talaga?" "Opo. tingnan niyo po," tugon niya at hinarap sa akin ang salamin na nakasabit sa dingding. Tama nga siya. Para akong panda sa pagkaitim ng mata ko. Nanlulumo ako. Dahil sa kakaisip ko kay Duke, ganito tuloy ang nangyari sa mga mata ko. Tiyak na magtataka sila Nanay kung anong nangyari sa mata ko. Mabuti at walang pasok ngayon. Maaari ko pang masulosyonan ito. Bumangon ako at hinanap ang concealer na bigay ni Hana nung isang beses na ayain niya ako sa SM. Bumili kasi siya ng pampaganda daw niya at dahil kakasahod lang daw ng Nanay niya, kaya may pambili daw siya. Lagi kong sinasabihan si Hana na wag siyang masiyadong magastos, dahil baka mahirapan sila pag-ubos na ang pera nila. Naghilamos muna ako at sipilyo. Nagpunas ako ng mukha at tsaka naglagay ng concealer sa mata. Konti lang dahil mahal din ang bili ni Hana rito. Nang mapansin na tumatalab iyon sa mata ko ay nakahinga ako ng maluwag. Lumabas na ako ng banyo at dumeretso sa kusina. Nakahain na si Nanay ng breakfast namin. At nakaupo na rin doon si Magnolia at Tatay. Tumingin sa akin si Magnolia at pansin ang pagtataka sa mukha niya kung bakit siguro wala na ang eyebags ko. Binigyan ko siya ng tingin na tila pinapatahimik. Tumango siya at sa plato na lang siya tumingin. Naupo naman kami ni Nanay at sinimulan ang pagkain. Tahimik lang ako at walang gana. Pero hindi ko pinapahalata sa kanila. "Ben, tumawag ba si Pareng Edgar sa'yo?" tanong ni Nanay. Ang tinutukoy niya ay ang Tatay ni Hana. "Oo. Isasama daw niya ako sa pagbyahe niya sa truck. Kaya naman pumayag na ako kesa wala tayong pera. Lalo't malapit na din magpasko," tugon ni Tatay. Habang sumusubo ng kanin ay napapatingin ako sa kanila. Ano bang pinag-uusapan nila? "Mabuti naman kung gano'n. Naisipan kong mamasukan muna sa iba. Sasama ako kay Edit mamaya dahil may kilala daw siyang nangangailangan ng kasambahay," sabi naman ni Nanay. Huminto ako sa pagsubo at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumingin ako sa magulang namin. "Ano po ang pinag-uusapan niyo? Bakit po kayo naghahanap ng bagong trabaho?" naguguluhan kong pagtatanong sa kanila. Nagkatinginan sila bago bumaling si Nanay sa akin. "Hindi ba nasabi ko na sa inyo. Tila matatagalan daw ang pag-alis ng pamilyang Ford at Ricafort. Kaya habang wala sila ay maghahanap kami ng ibang pagkakakitaan," sabi ni Nanay. Oo nga pala. Kaya nga pala ako hindi natulog. "Oo nga po pala. Pero bakit po ba sila umalis?" tanong ko. Hindi ko pinahalata na bigla akong nanlumo sa binalita nila. "Hindi nila sinabi. Basta biglaan na lang at agad naman kaming binigyan ng mahigit sa kikitain sana namin ngayong buwan. Pati nga bonus at 13th month ay inabot na nila," sabi ni Nanay. Tumayo ako kaya nagtaka sila. Dahil hindi ko pa natatapos ang pagkain ko. "Nay, Tay, aalis lang po ako saglit," paalam ko at nagmano. Nagmadali akong lumabas ng bahay at hindi ko na inabala pang tingnan ang ayos ko. Sumakay ako ng jeep para makapunta sa bahay nila Duke. Mabuti at may pera ako sa bulsa. Habang wala pa ako kila Duke ay dinial ko ang numero niya kahit ayaw niya akong tumawag sa kaniya. Pero hindi ko na siya macontact pa. Pumara ako at dali-daling bumaba. Sana kahit isang tauhan nila ay maabutan ko para makakuha ng impormasyon. Lumapit ako sa gate at hindi tulad ng una kong punta ay wala akong nakitang mga tauhan na nakabantay sa bahay. Nagdoorbell ako at nagbaka sakaling may lumabas. Pero nakakailang doorbell na ako wala pa ring lumalabas. Kaya naman ay walang lakas na naglakad ako palayo sa gate. Pumara akong muli ng jeep para umuwi na. Nasa gitna ng daan na kami ng mapatingin ako sa isang daan kung saan espesyal sa amin ni Duke. Pumara ako kahit saglit pa lang akong nakakasakay. Nilakad ko lang ang kahabaan ng daan. Dahil ang dulo no'n ay ang puno at bangin. Malakas ang hanging tumatama sa mukha ko. Kaya malakas din ang hampas ng buhok ko na sumasabay sa hangin at paglalakad ko. Nang makarating ako sa dulo ng bangin at sa puno ay hinaplos ko agad ang ukit ng pangalan ko at ni Duke. Mapait akong napangiti at agad na binitawan ang ukit naming pangalan. Tumalikod ako at padausdos na naupo at sumandal sa puno. Tumingin ako sa kalangitan at dagat na payapa kong napagmamasdan. Kumuha ako ng bato at binato sa bangin. "Napakasama mo talaga!! Ayoko na sa'yo!" sigaw ko at tila sa pagbato ng bato ko binubuhos ang inis ko kay Duke. "Akala mo hindi ako nasasaktan ngayon, HA?! Nasasaktan ako! Dahil ako na girlfriend mo hindi mo man lang pinaalaman na aalis kayo!" sigaw ko at binato ng malakas ang bato. Hindi ko mapigilan na maiyak sa mga sinasabi ko. Magbabato pa sana ako ng may makapa ako na parang papel. Kaya tumingin ako sa lupa at sa nahawakan ko. Papel nga! Kinuha ko iyon at tiningnan. Sa papel pa lang na ginamit ay alam ko na kung kanino ito galing. Duke's sticky note. Agad kong pinagpag ang papel at binuklat ang kulay puting sticky note niya. 'Nestle, sorry for not telling you about our little vacation. But I promise you that I'll be back soon.' basa ko sa unang sulat niya. Pagkatapos kong basahin iyon ay sinunod ko ang pulang stickynote. 'Remember.. You are mine. ' Napapahid ako ng luha habang napapangiti. Siraulo talaga! Nakakainis na siya. Tumingin akong muli sa mga sulat at napailing. "Aasahan ko ang pagbabalik mo," sabi ko at tila kinakausap siya sa pamamagitan ng papel. Tumingin ako sa kalangitan na mataas na ang araw. Tumayo na ako para umuwi habang baon-baon ko ang lahat ng sinabi niyang babalik siya agad. Sana tuparin niya... Dahil umaasa ako at handang maghintay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD