CHAPTER 6 - KISS

2633 Words
NESTLE Nakasandal ako sa puno habang siya ay nakahiga at nakapatong ang ulo sa hita ko. Nasaksihan na namin ang paglubog ng araw.. Kumuha ako ng ubas na nasa tabi ko at sinubo ko iyon. Nakapikit si Duke at tila nakaidlip na. Siguro ay talagang pinagpuyatan niya pa ang pag prepare ng pagkain. Naikwento niya kasi na nagpatulong daw siya sa Mommy niya sa pagluto ng pagkain na dadalhin niya. Hindi ko alam may kasweetan pala talagang taglay ang isang Duke Sean. Parang kabaligtaran naman ang mga naririnig ko patungkol sa kaniya nung doon pa siya nag-aaral sa ibang school. Hindi naman siya nakikipagflirt sa ibang girls sa school, tulad ng sabi ng iba na playboy siya. Hay! Wala talagang magandang naidudulot ang pagkakalat ng masamang balita patungkol sa isang taong wala namang ginagawang masama. Kinuha ko ang phone ko at pinicturan siya. Kumuha muli ako ng litrato at kasama na ako. Tiningnan ko yung kuha namin. Mabuti at medyo maliwanag pa kaya kita pa ang kuha. Pero palubog na ang araw kaya ilang sandali na lang ay madilim na. Umihip ang hangin kaya pumikit ako at ninamnam iyon. Ang sarap tumambay rito. Hindi lang maganda ang view; malamig pa. Dahil sa sarap ng hangin ay hindi ko mapigilan na makaidlip. Hinaplos ko ang braso ko nang makaramdam ako ng lamig. - DUKE Dumilat ako at bumungad sa akin ang kadiliman ng langit at paligid. Tumingin ako kay Nestle at nakapikit ito tila nakatulog na. Agad akong bumangon dahil baka nangawit ito at nabigatan sa ulo ko. Tumitig ako sa mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang tulog. Maganda siya kahit anong gawin niya. Kumukunot ang kilay niya at napahaplos sa braso tila nilalamig. Agad kong tinanggal ang polo ko kaya nakasando na lang ako. Ikinumot ko sa braso niya iyon para hindi na siya malamigan. Hinaplos ko ang mukha niya na gusto kong titigan ng magdamag. Gusto kong makabisado ang hugis ng mukha niya. Tiyak kong lagi kong mamimiss. Napahinga ako ng malalim at tumayo. Tinungo ko ang backseat ng kotse at kinuha doon ang gitara. Walang ibang nakakaalam na marunong akong kumanta at maggitara, maliban sa pamilya ko. Gusto kong kantahan si Nestle. Naupo ako muli sa harap niya at inumpisahan nang i-strum ang gitara. Beautiful Soul By Jesse Mccartney I don't want another pretty face I don't want just aniyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul I know that you are something special To you I'd be always faithful I want to be what you always needed Then I hope you'll see the heart in me Nakita ko ang unti-unti pagbukas ng mata niya. Napapikit-pikit pa siya tila tinitingnan kung ako nga ba ang nakikita niya. I don't want another pretty face I don't want just aniyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul You're the one I wanna chase You're the one I wanna hold I won't let another minute go to waste I want you and your beautiful soul Your beautiful soul, yeah Nakatitig ako sa mga mata niya habang binibigkas ang bawat salita sa kanta. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkislap nito. Ayoko mang mag-aasume na may feelings na siya for me. Pero mag-aasume na rin ako kahit ngayong gabi lang. Parang ayokong matapos ang mga araw para sa amin. Gusto kong ganito lang kami palagi. You might need time to think it over But I'm just fine moving forward I'll ease your mind If you give me the chance I will never make you cry c'mon let's try Ngumiti siya habang pinapanood akong kumanta. Ibig sabihin lang na nagustohan niya ang kinakanta ko. I don't want another pretty face I don't want just aniyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul You're the one I wanna chase You're the one I wanna hold I won't let another minute go to waste I want you and your beautiful soul Am I crazy for wanting you? Maybe do you think you could want me too? I don't wanna waste your time Do you see things the way I do? I just wanna know that you feel it too There is nothing left to hide I don't want another pretty face I don't want just aniyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul You're the one I wanna chase You're the one I wanna hold I won't let another minute go to waste I want you and your soul I don't want another pretty face I don't want just aniyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul Ooooooo Beautiful soul, yeah Oooooo, yeah Your beautiful soul Yeah Ngumiti ako nang matapos ang kanta ko para sa kaniya. Nilapag ko ang gitara at naupo paharap sa kaniya. "Magaling ka palang kumanta at maggitara. Akala ko puro kayabangan lang ang alam mo," sabi niya. Ngumisi ako dahil sa sinabi niya. "Bakit hanga ka na ba? Inlove ka na ba sa akin?" panukso kong sabi. Pero ang totoo gusto kong malaman kung meron na ba akong space sa puso niya bago man lang ako-- never mind. Bumuka ang bibig niya tila sasagutin na sana ang tanong ko.. Pero may bigla lang tumawag sa kaniya. Sasagutin sana niya nang pigilan ko siya. "Mamaya mo na sagutin. Sagutin mo muna ang tanong ko," sabi ko sa kaniya. "Mamaya na. Baka importante ito," sabi niya at sinagot na ang tawag. Kaya hindi ko na siya napigilan pa. "Mommy mo," sabi niya ulit kaya hinayaan ko na. "Yes, Miss Ganda?" tumingin sa akin si Nestle nang malaman na si Mommy pala iyon. "Opo, kasama ko po siya. Sige po sasabihin ko po sa kaniya. Walang anuman po, Miss Ganda. Bye po," nakangiti niyang sabi. Binaba na niya ang tawag at tumingin sa akin. "Tinatawagan ka daw ng Mommy mo, pero hindi ka daw sumasagot," sabi niya. Kinuha ko naman ng cellphone ko at tiningnan. Oo nga meron 15 missed calls at puro galing kay Mommy. Binulsa ko ulit at tumingin sa kaniya. "Mamaya ko na lang tatawagan si Mommy, pag-uwi natin. Pero ngayon.. Sagutin mo muna ang tanong ko," sabi ko sa kaniya. "Huh? May tanong ka ba? Wala naman akong maalala," maang-maangan nito. "Talaga? Wala kang maalala?" nakangiti kong sabi. Umiling siya kaya mas lalo akong lumapit. Napasandal siya sa puno kaya mas lalo akong lumapit. "Lumayo ka nga!" sabi nito at pinaling ang mukha niya sa kabilang side para makalayo sa tingin ko. Hinawakan ko ang panga niya at hinarap sa akin. "Gusto kong sagutin mo ang tanong ko? Inlove ka na ba sa akin? May pag-asa ba ako?" seryoso kong sabi habang titig na titig sa mga mata niya. Napalunok siya habang hindi makasagot sa mga tanong ko. "Answer me.. Are you already inlove with me?" ulit ko. Tumango siya pero ayoko ng ganun. Kahit na gusto ko magtatalon sa tuwa. "Wag ka tumango lang. Sagutin mo ako. Gusto ko manggaling mismo sa bibig mo," naaatat kong sabi sa kaniya. "Oo," mahina niyang sabi at napakagat siya ng labi. God. I want to taste that lips again.. "Anong sabi mo? Hindi ko marinig," nakangiti kong sabi. "Sabi ko. Oo, m-mahal na kita," mahina at nauutal niyang sabi tila hindi siya si Nestle na may pagkasuplada magsalita dati. Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Para bang nagtayuan ang mga balahibo ko sa salitang matagal ko nang inaasam-asam. "Alam mo ba kung gaano ko inaasam-asam na marinig ang salitang iyon sa mga bibig mo," nakangiti kong sabi sa kaniya at napatingin sa mga labi niya. "Gusto ko sagutin mo ulit ako. Boyfriend mo na ba ako?" tanong ko muli at tumingin muli sa mga mata niya. "T-teka.. Hindi pa kasi--" "Okay. Basta girlfriend na kita. At akin ka na. At gusto ko na tumatak sa isip mo na ako lang ang nag-mamay-ari sa'yo," seryoso kong sabi at pagputol sa sasabihin niya. "A-anong gagawin mo?" nauutal niya tanong. Ngumisi ako at mas lalo inilapit ang mukha ko sa kaniya. Tinagilid ko ng konti ang mukha ko at nilapat ko ang labi ko sa labi niya. Tumitig ako sa mga mata niya na tila naiilang pa siya. Pumikit ako at mas nilaliman ang paghalik sa kaniya upang ipadama ko kung gaano ko siya kamahal. Habang tumatagal ay sinusuklian na rin niya ang halik ko. Kinilabutan ako sa kaniyang paghalik. f**k! I want her, pero mas gusto ko munang namnamin ang labi niya na sa unang pagkakataon ay hindi na ito pumapalag tulad ng dati. At gaya din ng dati ay mas lalo akong naaadik sa labi niya. Bumitaw ako at tumingin sa kaniya. Bakas ang paghalik ko sa labi niya kaya napangiti ako. "Girlfriend ko," sabi ko sa kaniya at tumabi ng upo sa kaniya. Inakbayan ko siya kaya isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Ang saya ko at sinagot mo na ako," nakangiti kong sabi na kinapalo niya sa tiyan ko. "Sinagot ka dyan! Hindi pa nga ako umo-oo," humalakhak ako sa sinabi niya. "Bakit doon din naman patungo iyon. Tsaka gusto ko na bakuran ka. Bakit ayaw mo ba ako maging boyfriend mo?" Napahinga siya ng malalim at pinagsiklop ang mga kamay namin. "Hindi naman sa gano'n. Pero kasi baka magalit sila Nanay pag nalaman nila na may boyfriend na ako," sabi niya. "Wala namangp masama kung magkasintahan na tayo. Tsaka hindi ko naman sisirain ang pangarap mo na makatapos. Kung gusto mo ay pareho tayong humarap sa parents mo at sabihin sa kanila." Umalis siya sa pagkakasandal sa balikat ko at tumingin sa akin na umiling-iling. Tila tutol siyang ipaalam sa lahat kung ano kami ngayon. "Wag muna please," nakikiusap niyangp sabi. Damn! I can't resist her. I feel like she's an angel while I'm a demon. Between that two I'm lost. Napahinga ako ng malalim at ngumiti sa kaniya. "Okay. Pero sa school ayokong malalaman na may ibang pumoporma sa'yo. Yari ka sa akin," banta ko sa kaniya. Napangiti naman siya at hinalikan ang pisngi ko. Sarap. "Thank you," sabi niya. "Wala ba sa lips?" habol ko. "Wala," sabi niya at nahiga. Tumingin siya sa akin tila pinapahiwatig na mahiga rin ako. Nahiga ako at ginamit ko ang braso ko para gawin niyang unan. Tumingin kami sa kalangitan at nakita ko ang pagkislap ng mga bituin sa langit. "Balang araw, bibigyan kita ng star na sisiguraduhin kong maaabot mo, mahahawakan, at matitingnan kahit may araw pa," makahulugan kong sabi. "Ano naman iyon?" tanong niya kaya napangiti ako. "Syempre secret muna. Tsaka ko ibibigay pag nasa tamang panahon na," pangbibitin ko. "May pasecret-secret ka pa. Baka naman hindi ko magustuhan iyan?" sabi niya. "Magugustuhan mo. At sisiguraduhin ko hindi mo ako tatanggihan," sabi ko sa kaniya. Sandali kaming natahimik nang magsalita ako. "Mine, sasama ka ba sa field trip sa isang linggo?" tanong ko. "Hindi na siguro. Wala namang pera sila Nanay na pambayad doon," sabi niya. "Eh di ako na ang magbabayad basta sumama ka lang," "Ayoko ng gano'n. Mas gusto ko na hindi makasama kesa magbaon kami sa utang," iling niyang sabi. "Pwede naman na wag mo muna akong bayaran. Tsaka sayang dahil last trip niyo iyon ng mga kaklase mo. Gagraduate ka na," paalalana ko sa kaniya. "Ayoko nga. Tsaka kahit naman hindi ako kasama tiyak na hindi rin ako mag-eenjoy pag naalala kong may utang ako." "Okay. Pero gusto ko sana na sumama ka," mahina ko sabi. Lumingon siya sa akin. "Bakit kayo? Wala ba kayo fieldtrip?" tanong niya. "Meron pero iba nang araw ng sa inyo," sabi ko na kinatango niya. Naupo siya at hinampas ng mahina ang hita ko. "Halika na," sabi nito kaya pilyo naupo ako at hinawakan ang mukha niya at hinarap sa akin. Gulat ang mukha niya pero hindi ko pinansin. Hinalikan ko siya dahil naaadik talaga ako halikan siya sa labi. Bumitaw ako at hinampas niya ako sa balikat. "Inaaaya lang kita tumayo hindi ko sinabi halikan mo ako. Masiyado ka," sabi niya kaya napangiti ako. "Sorry. Lilinawin mo kasi. Baka mamaya iba pagkakaintindi ko at--" sabi ko na pinutol niya. "Che! Wag mong ituloy, yari ka sa akin," namumula nitong sabi at umirap na kinahalakhak ko. "Bakit ang sasabihin ko lang naman na baka iba ang pagkakaintindi ko at nag-assume ako na sasagutin mo agad pag nagpropose ako sa'yo ngayon," nakangiti na sabi ko sa kaniya. "Bakit ano ba ang iniisip mo?" mapanukso kong tanong na lalo niyang kinapula. "Wala. At maniwala akong magpopropose ka ngayon," pag-iiwas nito at iniba ang usapan. "Paano kung may singsing ako ngayon. Magpapakasal ka ba?" seryoso kong sabi. "Naku Duke. Wag ka magbiro, hindi nakakatuwa," sabi niya na tila hindi naniniwala. Kinuha ko ang maliit na kahon sa bulsa ng slacks ko at nilabas yon at pinakita sa kaniya. Nabigla siya at hindi makapaniwala na totoo ako sa sinasabi ko. "Ngayon. Pumapayag ka ba na maikasal sa akin?" seryoso kong sabi. "D-Duke," mahina niyang sabi tila hindi alam ang sasabihin. Hindi ako nagsalita at hinintay lang siya sa sasabihin niya. "Masiyado pa tayong bata para sa kasal. Tsaka ngayon pa nga lang tayo magkasintahan. Hindi ako handa para sa ganyan," sabi niya. Kaya tumango ako at ngumiti pa rin. Alam ko na iyon ang sasabihin niya. Sinubukan ko lang at baka tanggapin. Pero may ibang pagkakataon pa naman. "Alam ko. Sinusubukan ko lang kung handa ka na ba. Hindi kita pipilitin. Dahil gusto ko rin naman na pag handa ka na tsaka ka pumayag sa inaalok ko," sabi ko sa kaniya at kinuha ang singsing. Kinuha ko ang tali ng suot kong necklace at nilagay doon ang singsing. Tumingin ako sa kaniya. "Talikod ka," sabi ko sa kaniya at tumalikod siya kahit nagtataka. Sinuot ko iyon sa kaniya at inayos ang buhok niya para hindi maipit. Humarap siya kaya nakita ko bagay sa kaniya ang ring necklace. "Gusto ko na lagi mong isusuot iyan at hindi iwawala. Dahil pag handa ka na, isusuot ko yan sa'yo," bilin ko sa kaniya. "Paano kung hindi naman tayo magkakatuluyan sa huli? Sa akin mo pa kaya ito isusuot?" sabi niya. "Hindi ko hahayaan na hindi tayo magkatuluyan. Dahil pag ikaw ang umayaw, wala akong magagawa kundi pwersahin ka. At sisiguraduhin ko na ako lang ang lalaki para sa'yo," seryoso kong sabi. "Ayoko ng ganun. Paano kung wala na talaga at magmahal ako ng iba." "Kahit pa. Basta sa akin ka lang babagsak. Hindi ako papayag na hindi ka sa akin mapupunta. Tandaan mo iyan." "Hay. Wag na nga nating pag-usapan. Umuwi na tayo at gabi na," sabi niya at tila naiilang sa pagiging maangkin ko. Sige. Umiwas ka. Dahil kahit nasa malayo ako, hindi ko hahayaan na maagaw ka sa akin. Una pa lang tinatak ko na sa isip ko na ikaw lang. - Pagdating sa bahay nila ay pumasok kami para magpaalam na ako sa magulang niya. At gaya ng sabi ng Nanay niya ay pinabaunan ako ng kakanin na tawag sa masarap na panghimagas. "Mag-iingat ka, hijo," bilin ng magulang niya kaya ngumiti ako. "Opo. Salamat po," sabi ko. Hinatid ako ni Nestle sa labas. Nilagay ko ang kakanin sa front seat ng upuan bago siya hinarap. "Mag-iingat ka sa daan. Madilim na at delikado," bilin niya. "Opo, girlfriend ko," nakangiti kong sabi. Umirap siya. "Sige na. Lumakad ka na," sabi niya at tatalikod na sana para lumayo ng konti nang hatakin ko ang braso niya at hinatak palapit sa akin. Napahawak siya sa dibdib ko habang nakahawak ako sa bewang niya. "Good bye kiss ko," sabi ko at hinawakan ko siya sa buhok na hindi naman madiin. Para lang maiangat ang ulo niya. Hinalikan ko muli ang labi niya ng malalim. s**t. Parang ayaw ko mamiss ito. Kung pwede lang, gusto kong magdamag na halikan ang labi niya. Bumitaw ako at hinawakan ang mukha niya para halikan naman ang noo niya. "Sige. Pumasok ka na. Hindi ako aalis hanggang hindi ka pumapasok," sabi ko sa kaniya. Tumango siya kaya binitawan ko na ang bewang niya. Dahan-dahan siyang humakbang. Pero kalahati pa lang ang nahahakbangan niya nang humarap din siya sa akin pagkaraan. Kumaway siya habang patalikod na humahakbang. Ngumiti ako at kumaway din. Sorry, Nestle. Pero sana wag kang magagalit kung aalis ako saglit. Pero babalik din ako. Sana hindi mo ako ipagpapalit. Pero kung mangyari man iyon... Gagawa ako ng paraan para makuha ka. Dahil in the first place.. ako pa rin nag mamay-ari sa'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD