NESTLE "Ate, bakit ka ba nilagnat? Nung gabi ay masigla ka naman," tanong sa akin ni Magnolia habang nilalagyan ako ng basang bimpo sa noo. "Wala. Pagod at nalipasan lang ako ng gutom," sabi ko sa kaniya at pumikit. "Masiyado mo kasing iniistress ang sarili mo, ate. Alam ko na sobra mong mahal si Kuya Duke, pero sana naman ay maisip mo rin na narito pa ako na nag-aalala pag masyado mong pinapagod ang sarili mo para makamove-on," sabi niya. Nakonsensya at natamaan ako sa sinabi niya. Tama ang lahat ng sinabi niya. Dahil kay Duke ay napabayaan ko na ang sarili ko at pati si Magnolia. Tingin ko ay baka galit ngayon sila Nanay dahil pinapabayaan ko si Magnolia. "Sorry, Magnolia," sabi ko at dumilat. . Napahinga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko na nasa gilid niya. "Okay na, Ate. S

