NESTLE Napahinga ako ng malalim at napahilot sa sentido ko. Napatingin ako sa wall clock dito sa office ko. Halos pitong buwan na ang nakalipas at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming alam kung nasaan si Duke. Ako na ang dapat i-a-assign muna nila Miss Ganda upang pangasiwaan ang hotel ni Duke. Pero umayaw ako, dahil wala naman akong karapatan. Kahit anong pilit nila ay ayaw ko pa rin. Pero ng sabihin nila na si Drake na ang papalit muna at ako naman ay ginawang manager ng restaurant ay pumayag na ako. Kesa naman na pamahalaan ang hotel na feeling ko ay hindi ko kaya. Baka malugi lang sila sa akin. "Alas otso na pala," ani ko nang mapansin na gabi na pala at hindi pa ako kumakain. Halos puro trabaho ang ginawa ko upang maibsan kahit papaano ang pangungulila ko kay Duke. Dahil tuwing wa

