"GATDULA!" mabilis na naitulak ni Maisha ang binata nang sa wakas ay bumalik na siya sa kaniyang sarili at mapagtanto kung ano ang mga nangyayari sa pagitan nila sa mga sandaling iyon. "I-I..." nauutal na saad ni Gatdula at mabilis ding nag iwas ng paningin sa dalaga pagkuwa'y tumayo mula pagkakaupo sa tapat nito. Lihim na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Maisha habang nakatungo pa rin ito at tila ay nahihiyang tapunan ng tingin ang lalakeng nasa harapan niya ngayon. What is wrong with you Maisha? Pagalit na tanong nito sa sarili. Umayos ka nga! Hindi ka dapat nagkakaganyan. Wala kang pakialam sa kaniya. "A, I think we should go. Baka maabutan pa tayo ng dilim dito, dilikado kung gagabihin tayo." mayamaya ay saad ng binata at muling lumapit sa puwesto ng dalaga. Akma na san

