Masarap sa katawan." sigaw ni Nathania sa binata habang nasa ilog na ito, kasama si Brix na nag lulunoy doon. "Later. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko." nakangiting tugon naman ng binata sa dalaga. Mayamaya ay muli nitong inilibot ang paningin sa buong paligid para hagilapin si Maisha. Kanina niya pa itong hinahanap pero hindi niya naman makita. "Calm down men, baka nakakalimutan mo... taong gubat ang babaeng 'yon. Mas may alam siya sa bundok kaysa sa 'yo. Why need to worry about her?" kausap nito sa sarili habang abala sa pag paypay sa inihaw niyang isda. "But in second thought, this is not the place she used to live for eight years. Malamang na mawala 'yon dito sa Hacienda gayo'ng hindi niya kabisado ang buong lugar." napapabuntong-hininga na lamang ang binata pagkuwa'y mabilis na

