HINDI mapakali at paroo't parito ang lakad ni Maisha habang nasa gilid ito ng pool. Halos mag isang linya na rin ang mga kilay nito kanina pa. Nakasimangot na tila ay nasa harapan lamang nito ang kaaway. Minsan pa itong nagpapakawalan ng malalim na buntong-hininga kapag naninikip ang kaniyang dibdib. "Hoy!" untag sa kaniya ni Tanya nang hindi niya manlang ito nakita na lumapit sa kaniya. "Are you okay? Mukhang may kaaway ka ata?" anito at nagtuloy sa isang silya na naroon at doon ay prenteng umupo. "May kaaway nga ako. At iniisip ko kung paano ko siya sasaktan. Iyong hindi na niya talaga makakalimutan buong buhay niya dahil sa kalandian niya." nangigigil na saad nito kasabay ng pag irap. "Who? Baka puwede kitang tulungan." pagbibiro nito at bahagya pang natawa. "Tanya, I'm trying to be

