MAHINANG pag hampas ng alon sa dalampasigan. Ang sariwa at mabangong simoy ng hangin na nagmumula sa karagatan. Malinaw na tubig ng dagat. Malamyos na tugtog ng musika na sinasabayan ni Maisha ng paglalakad sa pino at puting buhangin palapit sa lalakeng naghihintay sa kaniya sa pinaka-altar. Nakangiti ito sa kaniya ng malapad. Bagaman malayo pa sa isa't isa ay mababakas na sa hitsura ni Gatdula ang labis na saya at kaligayahan habang pinagmamasdan ang asawa na papalapit sa kaniya. Suot nito ang isang puting bestida na hanggang talampakan ang haba. May hawak na bulaklak sa kamay; kagaya niya ay hindi rin mapalis ang matamis at malapad na ngiti nito sa mga labi. "Relax bro." bulong sa kaniya ni Brix nang marinig nito ang muli niyang pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. "I'm just e
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


