"LOVE, where have you been? Kanina pa kita hinahanap." anang Gatdula nang pagkababa nito sa mataas na hagdan ay siya naman ang pagpasok sa sala nang babaeng kanina niya pa hinahanap. Nagmamadali pa itong lumapit sa dalaga pagkuwa'y humalik sa pisngi. "Grabe, isang oras lang tayo hindi nagkita love." natatawa pang panunudyo ni Maisha sa nobyo. "Tss!" nakalabing asik nito. "Alam mo naman na kung maaari lang hindi ka mawala sa paningin ko kahit isang segundo lang ay gagawin ko." "Sus! Oo na. Mahal mo talaga ako." "Of course. Wait, saan ka nga galing at kanina pa ako hindi mapakali kakahanap sa 'yo?" "Nagpunta lang kami ni Vev sa Rancho. Nakipagkita ako sa isang kaibigan." tugon nito. Agad naman na kumunot ang noo ng binata dahil sa sinabi ni Maisha. Halos mag isang linya na ang mga kil

