"LOVE!" anang Gatdula nang pumasok ito sa library at makita roon ang dalaga na kanina niya pang hinahanap. Nakatuon ang buong atensyon nito sa hawak na makapal na libro. Pero mayamaya ay agad naman na nag angat ng kaniyang mukha si Maisha. "Love, bakit?" anito at inilapag sa tabi nito ang libro. "Kanina pa kita hinahanap." "Bakit? Akala ko kasi tulog ka pa rin." nakangiting saad nito. Agad na tumabi sa kaniya ang binata at walang paalam na ginawaran ng halik ang tuktok ng kaniyang ulo. "Aalis tayo." anang Gatdula. "Saan? Mag de-date ulit tayo?" nakangiting tanong nito nang balingan ang binata. "Hindi ka ba nakontento sa date natin kagabi at gusto mo pa mag round two?" panunudyo nito na siyang ikinatawa ng pagak ni Gatdula. "Well, sort of. I mean, yeah!" pag sang-ayon nito. "Gusto ko

