NANLALABO man ang mga mata ay pinilit ni Maisha ang sarili na tahakin ang daan papasok sa Rancho. Kailangan niyang makaalis ngayon din sa mansion, dahil alam niya anumang sandali ay makikita niyang muli si Gatdula at iyon ang ayaw niyang mangyari lalo pa at ramdam niya ang sobrang sakit at pagkirot ng kaniyang puso dahil sa mga nalaman. Kagabi ay buo na ang kaniyang pasiya na kausapin ito para ituloy ang kanilang kasal kahit pa galit ang kaniyang papa sa kaniyang asawa. Ngunit ang mga nangyari kanina sa sala ng kanilang bahay ay sapat ng dahilan upang huwag ituloy ang kanilang kasal. Ang video na nakita niya kanina mula sa cellphone ni Farrah ay sapat ng dahilan upang paniwalaan niya na nag asabi nga ito ng totoo. Pakiramdam ni Maisha, habang paulit-ulit na lumilitaw sa kaniyang isip ang h

