"ARE you okay?" bungad na tanong ni Brix kay Gatdula nang madatnan niya itong nakaupo sa gilid ng sliding door sa terrace ng condo nito. Nakatanaw na naman ito sa malayo habang may hawak na bote ng alak ang kanang kamay. Isang linggo na niyang hindi nakikita ang asawa. Isang linggo na siyang lugmok at nangungulila rito. Gustuhin man niyang bumalik at muling humingi ng patawad dito, pero pinanghihinaan siya ng loob tuwing maaalala ang mga binitawang salita sa kaniya ni Maisha. Muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Gatdula bago tumungga sa boteng hawak niya. "Should I be okay?" balik na tanong nito sa kaibigan habang hindi pa rin inaalis ang atensyon sa madilim na kalangitan. "How can I be okay if I missed my wife so bad?" aniya. Napapabuntong-hininga na lamang na naglakad si

