"B-BRIX..." nagmamadaling lumapit si Maisha sa binata nang makarating siya sa ospital. Paroo't parito ang lakad ni Brix sa labas ng ER. Hindi mapakali at halata sa hitsura nito ang pag-aalala para sa kaibigan. May dugo rin ang damit na suot nito. "Brix, nasaan si Gatdula?" balot pa rin ng takot at pangamba na tanong ni Maisha rito. Sa buong biyahe nila papunta sa Manila ay hindi manlang humupa ang pag-iyak nito. Hanggang ngayon ay hilam pa rin ng luha ang mga mata at pisngi nito. "Maisha, n-nasa loob pa ng ER si Gatdula. Hindi pa lumalabas ang doktor." anito. "Diyos ko! Ano'ng nangyari? Brix, ano'ng nangyari sa kaniya? Bakit naaksedente si Gatdula?" nag-aalala ring tanong ni Don Julio habang nakaalalay ito sa braso ng anak. "Nakita ko po si Farrah kanina na kausap si Gatdula sa parking

