ONE MONTH LATER NAG-MAMADALING pumasok sa kuwarto ni Gatdula si Maisha nang makarating ito sa hospital. Nakatangap kasi siya ng tawag kanina mula kay Brix habang naroon siya sa condo ng asawa para kumuha ng mga gamit nito. Nang malaman mula sa binata na gising na ang kaniyang asawa ay agad na umalis si Maisha at nagpahatid sa driver papunta sa hospital. "Gatdula!" tawag nito sa pangalan ng asawa. Naroon na rin pala ang kaniyang papa, si Vivian at si Tanya. Agad naman napalingon sa kaniya ang mga ito. Maging si Brix na kaagad umalis sa pagkakaupo nito sa gilid ng kama. "G-gatdula!" aniya at dahan-dahan na naglakad palapit sa kama nito. Tila pakiramdam ni Maisha tumatalon sa tuwa ang kaniyang puso sa mga sandaling iyon nang muli niyang masilayan ang mga mata ng asawa. Nakatitig ito sa kaniy

