SUNOD-SUNOD at mahihinang paghikbi ang pinakawalan ni Maisha habang nakaupo ito sa damuhan. Nakayakp sa sariling mga tuhod habang nakasubsob ang mukha sa kaniyang mga hita. Ilang oras na rin mula nang umalis siya kanina sa mansion, wala pa ata siyang balak na umuwi roon upang iwasan ang kaniyang kaibigan. "Ang sabi mo... mahal mo ako! Pero bakit umalis ka? Bakit iniwan mo ako rito ng mag-isa? Hindi mo manlang tinanong sa 'kin kung mahal din kita? Kung pareho tayo ng nararamdaman para sa isa't isa? Ang daya mo! Ang daya-daya mo Gatdula." umiiyak na bulong nito sa sarili. "I know what you feel right now." ang boses ng isang lalake ang biglang nagpaangat sa mukha ng dalaga ng basta na lamang itong sumulpot sa kung saan at nagsalita. Nanlalabo man ang kaniyang mga mata dahil sa mga luhang r

