"TANYA, please I need your help. I received a call from Spain. Aalis ako dahil may mga kailangan akong asikasuhin sa naiwan kong trabaho roon. But I can't leave like this. Hindi ako aalis hanggat hindi ako sigurado na may babalikan pa ako pagkatapos nito. Please!" pagsusumamo nito habang hawak-hawak ang isang kamay ni Tanya. Maaaninag ang labis na lungkot sa mga mata nito habang nakatunghay sa kaibigan. "Please... I love Maisha very much. Pero hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan para tanungin kung mahal niya rin ako I—" "Maisha loves you too, Gatdula." walang pag-aalinlangan na saad ni Tanya sa binata na siyang naging dahilan upang matameme ito. Gulat at hindi makapaniwala ang biglang lumarawan sa hitsura ni Gatdula. "It's not 'Babe' it's Vev. At hindi niya mahal si Martin. Mali ka

