PABALIK-BALIK ang lakad ni Maisha sa loob ng banyo. Hindi mapakali at hindi makapagdesisyon kung lalabas ba siya sa banyong iyon o mas pipiliin na lamang na mag kulong doon hanggang sa umalis si Gatdula. Ngunit paano naman mangyayari iyon? Gayong silid iyon ng lalake, at malamang na kanina pa ito naghihintay sa kaniya sa labas ng pinto. "Love, Maisha!" There he is. Calling her name. "Are you not done?" tanong ni Gatdula na kumatok pa sa likod nang pinto. "Love, kanina ka pa diyan. Are you okay?" tanong nito at hinawakan ang seradura para buksan sana ang pinto. Ngunit naka-lock naman iyon mula sa loob. "Maisha!" "Huh? A, oo patapos na ako love. Wait lang." pagdadahilan nito. "Hurry up love. Kanina pa ako naghihintay dito." saad nito at napapahawak na lamang sa kaniyang batok habang nak

