"LOVE..." tawag ni Gatdula kay Maisha nang pumasok ito sa kanilang kuwarto. "Where are you?" tanong nito pagkuwa'y umupo sa gilid ng kama nila. "Nasa banyo pa ako." sigaw na tugon naman nang huli. Mayamaya ay lumabas din ito habang ipinupusod ang buhok gamit ang isang tuwalya niya. "Bakit, love?" tanong nito. Wala sa sariling biglang napatayo sa kinauupuan niya si Gatdula nang makita ang asawa. Napapasipol pa itong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Maisha. "Tsk! Huwag mo nga ako tingnan ng ganiyan." anang Maisha sa asawa na kunwari ay naaasiwa sa klase ng ngiti at mga titig nito. Sa halip na sumagot si Gatdula, mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti nito sa labi at inilang hakbang ang pagitan nila. Walang paalam na hinila ang asawa gamit ang baywang nito. "Are you trying to seduce

