"GATDULA..." anang babae na sinabayan na rin ng paghakbang palapit sa kinaroroonan ng dalawang lalake. Halos mag isang linya na ang kilay ni Gatdula habang pinapakatitigan ang babae na papalapit sa direksyon niya. "Farrah?" wala sa sariling sambit ni Gatdula sa pangalan nang babae. "Hi babe!" mabilis pa sa alas kuwatrong sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito pagkatapos banggitin ang mga katagang iyon. "Surprise!" "Farrah?" ulit na sambit ni Gatdula. Tila hindi ito makapaniwala sa babaeng nasa harapan niya ngayon. "Yes! It's me babe. Farrah! Grabe, apat na buwan lang tayo hindi nagkita pero mukhang nakalimutan mo na agad ang pangalan ko." natatawa pang turan sa kaniya ng babae. "Don't you missed me?" "What are you doing here?" sa halip ay tanong sa kaniya ni Gatdula. Muling n

