NANG mapatulog nila si Allen ay magkatabi silang natulog sa master's bedroom nang magkayakap. "Akala ko hindi na 'to ulit mangyayari," putol ni Jyo sa katahimikang bumabalot sa loob ng silid nila habang hinihimas ang braso ni Aileen. Nakaakbay kasi siya rito dahil ginawang unan nito ang matipuno at matigas niyang dibdib. "Akala ko, mag-isa ko na lang palalakihin si Allen," malungkot nitong wika. "Pero narito na 'ko. Hindi ka na magiging single dad." Pareho silang natawa sa biro ni Aileen. "Basta ba ipangako mo sa akin na hindi ka na magsasawa sa akin at hindi ka na ulit aalis sa tabi ko." Inangat niya ang kaniyang ulo para salubungin ang mukha ni Jyo. "Hindi na. Hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo lalo na ngayon na may Allen na tayo." "Dapat na ba ako magselos niyan kay Allen
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


