CHAPTER NINETEEN

1474 Words

TULAD ng ipinangako niya sa sarili ay bumalik nga siya ng Maynila kinabukasan kahit na medyo nagkaroon pa sila ng kaunting pagtatalo ng kapatid na hindi rin naman siya natiis. Ayaw na kasi niyang magsayang pa ng oras kaya ngayong nasa harap na siya ng bahay nila ay nagtuloy-tuloy na siya sa pagpasok. Alam niyang nasa loob ang asawa dahil nakita niya ang sasakyan nito sa garahe. Pagpasok niya sa sala ay nabungaran niya roon ang isang kulay asul na krib at isang palahaw na iyak ng isang sanggol. Hindi tuloy niya maiwasang pangunutan ng noo. May bisita kaya ito? O baka naman...napalunok siya, ayaw niyang mag-isip ng negatibo pero hindi niya maiwasan dahil alam niyang sa nakalipas na limang buwan na pagkakahiwalay nito sa kaniya ay posibleng may nakilala na itong bago. Nakaramdam siya ng ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD