NAGPASYA si Aileen na puntahan ang kaibigan niyang si Mia upang may mapaglabasan siya ng sama ng loob, isa pa matagal-tagal na rin noong huli silang nagkita. Hindi muna niya pinuntahan si Czarmaine hindi dahil sa iyon ang gusto ng kaniyang asawa kundi nahihiya na siya rito dahil puro problema na lang ang hatid niya rito. Kailangan niya ang opinyon ngayon ni Mia dahil ngayon pa lang ay parang gusto na niyang sumuko. Ginawa naman niya ang lahat nang kaya niyang gawin at ibigay rito pero parang nakukulangan pa rin ito. Kasi kung magpapatuloy silang ganoon ay wala nang kahihinatnan pa ang kanilang relasyon kung tungkol na lang palagi sa pagkakaroon ng anak ang pagtatalunan nila. Nang makarating siya sa bahay ng kaibigan ay walang sabi-sabing sinalubong siya nito ng isang mahigpit na yakap

