"WHAT the hell, Kuya?!" sigaw ni Jyo sa kapatid nang salubungin siya nito ng salubong ang kilay at walang pasintabing sinuntok siya sa mukha. Ramdam niya na pumutok ang labi niya dahil sa lasa ng kalawang na pumuno sa kaniyang bibig. Bumagsak siya sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakasuntok nito. "You, go to hell, Jyo!" balik na sigaw naman ni Jomar na halos lumabas na ang mga litid sa leeg sa sobrang galit. Pinuntahan agad niya ang kapatid nang malaman niya mula sa asawang si Mia ang nangyari sa kaibigan nitong si Aileen. Hindi niya hahayaan na gawin nitong muli ang ginawa nitong pagkakamali noon. Kailangan niya itong gisingin at turuan ng leksyon. Tumayo si Jyo at bahagyang pinunasan ang dugo sa gilid ng kaniyang labi gamit ang likod ng kamay niya. "Ano'ng problema mo?!" Lumapit na

