Chapter 28 “Maraming salamat sa tulong ninyo. Ipapa-bless ko din sa Pari ang buong bahay para maalis kung may bad spirits man at ang kaluluwa ng anak ko upang tuluyan na matahimik. Dalangin ko na mapatawad niya ako sa aking nagawa masyado akong nagpadala sa pagmamahal sa lalaking iyon kesa sa sarili kong laman at dugo. Kung maibabalik ang panahon ay hindi ko hahahayan na mahawakan ng lalakeng iyon si Hilda. Nasira ang buhay niya ng dahil sa akin. Ang kawawa kong anak,” umiiyak na sabi ni Mrs. Ong. “Mrs. Ong, mas dapat ninyo po na pagtuunan ngayon ng pansin ay ang dalawa ninyo pang anak kailangan nilang mapatingin sa doctor baka natrauma sila dahil sa kasamaan palad ay tulad ng nangyari kay Hilda ay nagalaw din sila ng asawa mo,” ani Haley na napayuko. Hindi ito pinakita sa pangitain pero

