Chapter 29 Kumapa si Damian sa bulsa at pinakita ang limang ulo ng maliit na daga saka biglang sinubo ang mga ito at nginuya. Pilit naman itong kinuha ni Ben kaya halos makagat ng ama ang mga daliri niya. Tumulong naman sila Farah kaya naidura ng matanda ang mga ito. Galit na galit si Lolo Damian at halos magwala kaya tinali ito sa wheel chair na kinauupuan. Lumapit naman si Haley at humawak sa balikat ng matanda saka pumikit pagkatapos ay patingin siya kay Ben at napailing. “Ben, tumawag ka ng espirito sa sprit of the glass?” ani Haley. Hindi naman nakasagot si Ben pero napayuko tanda ng pagsang ayon. “Bakit anong nakita mo Haley?” usisa ni Chadrick. “Totoong may sakit si Lolo Damian na Alzheimer pero lumala dahil sa pagtawag ni Ben ng espiritu. May isang ligaw na kaluluwa ang natawag

