Chapter 17
“Ano’ng ginawa ninyo sa amin? Bakit ninyo kami kinulong? Pakawalan ninyo nga kami! Mga hayop kayo!” inis na sabi ni Solen. Napatawa naman si Mr. Black at lumapit sa bakal na rehas na kulungan ng lima.
“Alam ninyo ba ang kasabihan? Kapatid ng magnanakaw ay sinungaling. Kung ang magnanakaw ay kinukuong dapat ay ganun din kapag sinungaling na tulad ninyong lima!” sagot ni Mr. Black.
Napakunot noo naman ang lima dahil hindi naiintindihan ang sinasabi ng mga ito.
“Bakit po wala naman kaming ninakaw sa inyo. Ako po sigurong wala dahil ang gusto ko lang ay kumita ng pera para makapag-aral muli sa college,” ani Pau.
“Ako rin wala!” ani Connie saka sumabay ang tatlo pa bilang pagtanggi. Napatawa naman lalo si Mr. Black sa mga ito at napailing.
“Wala nga pero nagsinungaling kayo. Hindi totoo na wala pa kayong nagiging nakakarelasyon. Hindi na kayo mga puro,” wika nito.
“Ha? Ano naman? Nag-aaply kami ng trabaho saka wala naman na kami ng ex-boyfriend ko nakalimutan ko na nga siya eh! Saka anong problema doon? Diba pag momodel ang trabaho? Alam naman namin na hindi pwedeng may karelasyon dahil hindi pwedeng mabuntis bigla lalo kapag may kontrata. Nagtrabaho na rin ako sa ibang agency pero hindi naman sila ganito!” ani Solen.
Napangisi si Mr. Black pero lalong nainis.
“Para mas malinaw sa inyo, ang trabahong alok namin ay para
lamang sa mga kababaihan na mga birhen. Sa mga sariwang dalaga na wala pang
karanasan. Hindi sa mga tulad ninyo na nagamit na at may mga sinungaling pa!”
inis na sabi ni Mr. Black.
“Hoy! Ano’ng pinagsasabi mo? Ano naman kung hindi na kami
virgin? Makakasagabal ba ‘yun sa trabaho? Eh mga siraulo pala kayo eh! Teka,
baka naman sindikato kayo at ibebenta kami para sa laman at kaya gusto ninyo
wala pang karanasan para mas mahal ninyo kami na maibenta! Hayop kayo! Kayo pala
dapat ang makulong kami kami dahil sinungaling din kayo! Pakawalan niyno kami! Tignan
ninyo pa mga itsura ninyo bakit ayaw ninyo ipakita ang mga mukha ninyo. Natatakot
kayo na makilala namin,” ani Solen.
“Oo nga, pakawalan ninyo na kami!” sigaw ni Sonia. Sumenyas
naman si Mr. Black sa mga tauhan na kunin ang lima. Nilagyan ng kadena ang mga
kamay at paa ng mga ito at inilabas doon. Mas natakot ang lima dahil sa
nakitang rebultong demonyo na naroon.
“A-Ano ‘yan? D-Demonyo ‘yan ah!” ani Pau.
“Mga satanista kayo! Mga Demonyo! Aalis na kami rito pakawalan
ninyo kami! Matakot kayo sa diyos na tunay!” sigaw ni Marta. Nagtawanan naman
ang lahat ng naroon. Halos masuka ang limang babae dahil sa lansa ng dugo na
naaamoy sa buong paligid.
Napaisip si Mr. Balck sa gagawin sa mga ito. Hindi masisiyahan ang panginoon dahil hindi na puro ang mga mga ito. Naisip niyang gamitin nalang na tauhan ang lima at ipasailim na lang sa din sa hipnotismo dahil medyo nanghihinayang siya sa mga ito. Kung tutuusin kasi ay magaganda ang mga ito kaso ay hindi na ito kakalugdan ng panginoon nila at baka magalit pa imbes matuwa dahil ilang babae ang naibigay sa gabing ito.
“Kayong lima, Solen, Pau, Sonia, Marta at Connie, ay makakaligtas
sa kamatay at magiging kasapi ng aming samahan. Kayo ay tutulong upang maghanap
ng mga babaeng maaaring ialay sa ating panginoon!” ani Mr. Black. Namula ang
mga mata ng lima at napaluhod. Tagumpay siya na mapasailalim ang mga ito s
autos niya. Sinuutan ng robang maroon ang mga ito at sumabay na sumamba sa
rebultong demonyo.
--------------------------------------------
“Hello? Haley? Kamusta ka na?” ani Fiona. Ang bestfriend ni
Haley. Natuwa naman ang dalaga ng makausap muli ito. Si Fiona lang kasi ang
tangging isa sa hindi humusga sa kaniya kahit pa alam niyang hindi ito gaano
naniniwala sa kakayahan niya.
Dedma lang ito noon tuwing nagsasabi siya ng may nakikitang kung anu-ano at nagpapayo na sarilihin na lang niya upang makaiwas sa panghuhusga ng iba.
“Fiona? Kamusta ka rin? Ayos naman ako? Ikaw?” ani Haley.
“Pasensya na kung minsan lang ako makareply ha? Alam mo naman
may anak ako pero matutuwa ka kasi nagbalik na ako rito sa malapit sa inyo. Kay
Ate Connie na ulit kami titira ni mama. Nalipat kasi ako ng branch na naman. Alam
mo naman sa trabaho ko walang permanent adress,” sagot nito.
Sa isang kilalang drugstore kasi ito nagta-trabaho at kung saan saan branch napupunta bilang pagsasanay na maging supervisor. Sinasamahan naman ito ng ina para may mag-alaga sa anak. Namatay kasi ang asawa nito kahit wala pa silang isang taon na nag-sasama dahil naaksidente sa motor.
“Natutuwa naman ako niyang sige minsan kita tayo ha? Para naman
makapag kwentuhan ng matagal,” ani Haley.
“Oo ba, alam mo kahit naman napapalayo ako wala akong nagiging
friend na tulad mo. Kahit nga sa trabaho mahirap makisama lalo paiba iba ng
branch kaso wala kailangan kumita ng pera lalo na mag-aaral na ng kinder si
Boyet next year,” tugon ni Fiona.
“Ang bilis ng panahon magkakaroon ka na ng estudante,”
natatawang sabi ni Haley.
“Dagdag kamo ng gastos lalo,” sagot ng natatawaring si Fiona.
“Teka, saan ba work mo ngayon?”
“Ah, ano eh sa parang private inverstigation company.
S-Secretary ako,” aniya.
“Ganun ba, oh siya sige narito na si Ate Connie ipaghanda ko
lang ng pagkain. AY!” wika Fiona.
“Hello? Fiona? Bakit?” kinakabahan na sabi ni Haley sa bilang
pagtili ng kaibigan.
“K-Kasi parang may kakaiba kay ate. N-Namumula ang mga mata nung
tinigan ako,” sagot nito.
“Baka pagod lang? lagi rin wala si Ate Connie kahit malapit lang
sa amin ay bihira ko makita o makausap. Madalang lang.” ani Haley.
“E-Ewan, sige Haley tignan ko nga siya muna. Bukas magkita na
tayo ha? Linggo naman sabay tayo magsimba,” paalam ni Fiona.
“Oo sige,” ibinaba na rin ni Haley ang telepono. Medyo nag-alala
siya at kinutuban ng masama pero napailing nalang at inayos ang mga report na
dapat gawin. Marami rin siyang labahan na dapat gawin dahil hanggang maaari ay
ayaw na pagurin ang ina upang maiwasan ang pagsakit ng dibdib nito.