Chapter 16

1082 Words
Chapter 16 Tinabihan naman ni Haley ang matanda. Hanga siya sa kakayahan nito na taglay. Maraming tulong ang nagawa nito sa buhay nito dahil sa pagkakaroon ng abilidad na meron ito. Kung siya ay halos isumpa niya ang pagkakaroon ng ganun kakayahan ay kabaligtaran naman ang matanda dahil malugod na tinanggap at ginagamit ng tama mula pa noon. Hindi rin nito iniinda ang mga kutya ng mga hindi naniniwala sa kakayahan nito at patuloy lang na tumutulong sa mga tao. “Haley, alam kong hanggang ngayon ay hindi mo tanggap ang kakayahan na meron ka at naninibago ka pa rin pero alam mo ba na ang pagkakaroon ng kakayahan na ito ay hindi lang basta magic na biglang dumating. Maaaring mula ito sa magulang o ninuno ninyo noon pa. Ako ay namama ko sa aking albularyong ama,” ani Lola Agnes. Natawa naman si Haley. “Naku lola kung si mama lang matatakutin ‘yun kaya imposibleng sa kanya galing kahit pa sa lola ko na nuknukan ng duwag sa mga multo. Mga pinsan ko mga kamag-anak ko ay hindi rin naniniwala sa mga ganito,” saad niya pero napahinto dahil biglang naisip ang amang hindi man lang nakita o nasilayan. “H-Hindi ko po lang alam sa tatay ko dahil hindi ko naman po siya nakita kahit noon na bata ako dahil ang sabi ay naanakan lang naman si mama pero iniwan na rin agad,” dagdag pa niya. “Bakit hindi mo isipin siya para malama mo kung ano ang kanyang lagay?” saad ng matanda. Umiling si Haley saka malungkot na ngumiti. “Hindi na po siguro dahil masasaktan lang ako kung makita kong masaya siya sa bagong pamilya niya. Ayoko ng makigulo pa sa kanila saka po naitaguyod ako ni mama mag-isa ayokong isipin niya na may kulang pa. Okay na akong dalawa lang kami na namumuhay. Kung gusto man niya akong hanapin sana ay gumawa rin siya ng paraan,” tugon ng dalaga. “Akin lang ay malaman mo kung sa kanya ba galing ang kakayahan mo pero ikaw ang bahala iha. Narito ako para tulungan ka.” “Salamat po lola.” ---------------------------------------- Napangisi si Mr. Black ng mapanood sa T.V ang balita tungkol sa iba’t ibang babae na natagpuan sa kung saan saan lugar sa bansa. Gawa ito ng mga alagad niya na mga nakapaloob sa kanyang hipnotismo. Isang katok sa pinto ang kanyang narinig kaya agad pinatay ang pinapanood. Sinabihan niya itong pumasok. Nakasuot pa rin ito ng robang maroon at hindi kita ang mukha. “Mr. Black, narito po ang mga bagong target natin sa linggo na ito,” saad ng lalake. Inabot nito ang isang folder. Kinuha naman ito ni Mr. Black at binuklat. May larawan at parang biodata tungkol sa pagkakakilanlan ng babae. Puro magaganda ang mga nakikita nito pero napailing ang lalake kaya nagtaka ang katiwalang alagad. “May problema po ba Mr. Black?” “Magaganda silang lahat pero kulang ng impormasyon. Ang pinakamahalaga sa lahat ay malaman kung birhen pa sila o hindi na. Kung maaalala mo ang pag-aalay kay Vicky Cruz ito ay lubos na kinalugdan ng ating panginoon. Sa itsura ng mga ito mukhang may mga karanasan na at nagkaroon na ng nobyo,” sagot ni Mr. Black. “P-Pero ang hirap po kasi kumuha ng maganda na nananatiling birhen pa. H-Hindi naman po umuubra ang hindi kagandahan na babae,” kinakabahan na sagot ng alagad. “Tama ka pero may naisip ako na paraan upang mas makakuha tayo ng babae,” nakangising sabi ni Mr. Black habang iniisip ang plano. Ilan sa mga alagad ni Mr. Black ay mga nag gwagwapuhan na lalake. Inutusan niya ang mga ito na magpunta sa simbahan, university, bar, mall at kung saan saan upang magkunwaring talent scout para sa gagawing commercial. Wala pang ilang araw ay marami naman kumagat sa pakulo nila kaya sa resume parang at initial interview ay isa sa mga tinatanong kung nagkaroon na ang mga ito ng karelasyon. Lahat ng nagsabi na mga no boyfriend since birth ay pinagsama sama ay nagdaos ng isang malaking event para dito. Nakalikom sila ng mahigit isang daan na babae hindi man nila sigurado kung nagsasabi ang mga ito ng totoo ay isinama lahat. Sa isang tagong resort naganap ang event. Masaya ang mga babae dahil lahat ay binigyan ng paunang bayad na 10,000 pesos. “Mr. Black, handa na po ang lahat,” saad ng alagad. Lumabas naman na ito at tumayo sa gitna ng stage. Napatigil ang mga babae sa pag-uusap usap at katahimikan ang namayani. Nagsimula naman umusal ng panalangin. “narito kayong lahat para samahan kami ngayon sa aming dedikasyon. Sumainyo nawa ang Panginoon. Kung sino man ang nagsisinungaling ng walang naging karelasyon, naghihintay ang parusa, samantala ang mga purong birhen ay makakatanggap ng karagdagang gantimpala,” saad ng pinuno. Napakunot noo naman ang mga babae dahil hindi alam ang sinabi nito pero biglang namuti ang mga mata nila at parang naging mga estatwa. Nilapitan naman ang mga babae ng mga alagad at hinubaran. Isa isa itong inihiga at hinalay ng mga ito. Sa isangdaan na babae ay may limang nagsinungaling ang nahuli kaya ikinulong muna ang mga ito sa isang madilim na basement. Samantala ang naritang siyamnapu’t lima ay tinalian ng mga alagad at ipinasok sa isang pang malaking kwarto kung nasaan ang demonyong rebulto na sinasamba nila. Sinaksak ang mga ito para kunin ang mga dugo at kinuha ang mga puso. Sinunog ang mga ito at inihilamos sa rebulto maging ang abo ng mga ito. Tawa nang tawa si Mr. Black habang namumula ang mga mata dahil umulan tanda ng kasiyahan galing sa panginoon na sinasamba. Samantala, nagising ang limang babae na sila Solen, Pau, Sonia, Marta at Connie sa basement. Takot na takot ang mga ito dahil sa sobrang dilim ng paligid. Nagulat din sila dahil mga hubo’t hubad at may tanda ng panghahalay ang katawan. “Bakit tayo narito? A-Anong ginawa nila sa atin?” umiiyak na sabi ni Pau. “Mukhang nagahasa tayo,” saad ni Connie. “Ang sabihin ninyo sindikato yata ang napasukan natin!” galit na sabi ni Solen. “Ano na ang gagawin natin?” natatakot na sabi ni Sonia. “Nasaan kaya ang iba? Bakit tayo lang lima ang narito?” sabat ni Marta na pilit inaaninag ang paligid. Nagulat sila ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang anim na lalake. Isa sa mga ito ay nakaitim lahat. Walang iba kundi si Mr. Black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD