Chapter 4: Thorn

949 Words
Mia's POV A day before my birthday, December 1, nagkayayaan kami na gumala. May nakilala akong bago na kahit papaano ay papasa na silang pansamantalang kaibigan. Sina Sheila at Star. Hindi mawawala si Joey tomboy syempre. Sa aming apat, si Sheila ang pinakamatanda dahil 24 na siya pero anliit niyang babae.  Hapon pa pero dinala niya kami sa isang maliit na bar na may bilyaran din. Biglaan ang gala namin kaya tinext ko lang si Marco na napasama ako. Kami lang din halos ang tao kaya nagkwentuhan lang kami ng konti habang umiinom ng mild na alcoholic drink.  "So Mia. Nag-s*x na ba kayo?" biglaang tanong ni Sheila kaya muntik na akong mabilaukan sa iniinom ko.  "Hindi pa ah!"sagot ko agad at pansin kong uminit yung tenga ko. Alam kong di yun dahil sa alcohol kundi sa hiya.  Naghiyawan sila at inaasar-asar ako.  "Weh? Ang hina niyo naman. May experience ka na ba sa halikan?"tanong ni Star. Maayos naman ang pagkakatanong niya pero may iba talaga akong kutob sa kanya eh. Yung girl radar ko iba ang pakiramdam pero yaan na muna.  "Meron naman kahit konti pero hindi yung nagkakainan na ng mukha." "Talaga ba? Turuan kita dito sa bote?" nakangising sambit ni Star tas biglang sinubo yung opening ng bote na parang nakikipaghalikan talaga. Nanlaki ang mga mata namin ni Joey tomboy habang si Sheila ay nagchi-cheer lang.  Shet ang wild pala nila.  Biglang nag-ring yung phone ko at si Marco ang tumatawag. Nag-excuse ako para mapalayo sa kanila. "Hello-----" (Saan ka na ngayon? Ba't ka sumama sa dalawang ýan? Bad influence raw ang mga iyan at bakit hindi ka man lang nagpaalam muna?) "Eh ayaw mong kausapin kita sa school, remember? Paano ako magpapaalam? Saka andito kami sa The Pub." (Umiinom ka ng di ako kasama? Ilan ba lalaki diyan? Nako naman, Mia. Papunta na ako ngayon din.) Hindi na ako nakasagot pa dahil binabaan na niya ako. Ang paranoid eh wala namang lalaki dito. Tss.  Mga ilang saglit lang din at pumasok na nga si Marco dito. Wala siyang kinausap sa iba kong mga kasama at nakaabang lang sa entrance. Ayoko naman ng away kaya nagpaalam na ako sa kanila para mauna ng umalis.  Kinuha agad ni Marco ang bag ko at hinawakan ako sa kamay.  "Ayokong umaalis ka ng basta-basta." "Sorry. Magpapaalam na ako sa susunod." Bumuntong hininga siya at saka hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "Di mo naman kailangan mag-sorry. Ayoko lang na sumasama ka sa dalawang babaeng ýon. Kain muna tayo saglit bago kita ihatid?" Ngumiti lang ako at tumango.  *** 6pm ng matapos na ang klase. Medyo nasasanay na rin ako na hindi pansinin si Marco dito sa school. Mas okay ng masanay ng ganito kesa araw-araw akong masasaktan pag di ko tanggapin.  Ewan ko ba. Dito sa skwelahang ito ko lang maramdaman na parang nakakulong. Iyong bawat galaw ko ay may makakapansin.  I've never been this cautious. Feel ko din hindi ako totoo sa lahat ng nakakausap ko dito maliban nalang kay Joey tomboy. Nakakapagod din magsuot ng maskara pero di bale na ulit.  Life goes on. Ngayon pa ba ako susuko na kahit papaano ay unti-unti na kaming bumabangon nina Mama.  "Mia, tara?" nawala ako sa pinag-iisip ko ng marinig ko na ang boses ni Marco. Umangkas na ako sa motor niya dahil may pupuntahan raw kami.  ***  Mountain top. Tanaw namin dito ang ilaw sa syudad. Ang ganda. Nakatalulala lang ako ng may dumampi sa pisngi ko kaya napalingon ako sa gilid.  "Advance happy birthday, baby. Alam kong sa inyo ka lang bukas kaya ngayon ko na 'to ibibigay."sabay abot niya sakin ng isang box na nakabalot pa ng birthday wrapper.  "Thank you, Marco." kinuha ko ito at unti-unting pinunit ang wrapper.  Pagkabukas ko sa box, isang photo album naming dalawa at ilang cut-outs ng convos namin sa messenger kung paano kami nagkakilala. Katabi nito ang isang stem ng red rose. Hinawakan ko agad iyon pero nabitawan agad dahil may tinik pala. "Aray!" Dumugo ng konti ang dulo ng daliri ko dulot ng pagkatusok.  "Okay ka lang? Akala ko natanggal na lahat ng tinik eh. Akin na kamay mo."  Pinunasan niya ng panyo ang daliri ko. "Masakit ba?" "Hindi na." Tinali niya ang panyo sa hintuturo ko at saka pinagdampi ang mga kamay namin. "Ang patak ng dugo ay simbolo ng pag-aalay noong unang panahon, Mia. Naniniwala ka ba don?" "Hindi masyado. Bakit naman?" Ngumiti siya. "Kasi ako naniniwala. Hindi basta-bastang sugat iyan. Ito ay simbolo na itatali na kita sakin habambuhay. Wala ka ng kawala pa." Nahampas ko siya sa braso. "Gago, ang corny ng linyahan mo." "Na inlove ka naman."  "Whatever." I rolled my eyes. Mga pinagsasabi neto. Binasa ko na nga lang ýung love letter niya kuno na nasa box pa. Ang lalim naman ng tagalog pati kung may english man, hindi masyadong tugma.  I admit, ang corny ng ibang pinagsasabi niya dito pero hindi ko pa rin maiwasang mapangiti.  After ko mabasa lahat, niyakap ko si Marco. "Sobrang thankful ako na nakilala kita. I promise na aalagaan rin kita hangga't kaya ko. I love you, Marco."  Mas hinigpitan niya ang yakap sakin. "Mas mahal kita, Mia. Higit pa sa buhay ko at hindi ako nagbibiro na ayaw na kitang pakawalan talaga."  "Then don't." saka ako bumitaw at nginitian siya ng matamis.  Unti-unti niya na ngang inilapit ang mukha niya hanggang sa nagdampi ang mga labi namin.  The kiss was really slow and gentle na parang namamaalam pa kung okay lang ba. Syempre, tumugon ako aba. Boyfriend ko naman.  Inihapit ko ang dalawang braso ko sa leeg niya.  It was my first real kiss from someone I love. Right at this moment, wala na akong mahihiling pa.  I swore right at the stars above. Alam kong bata pa ako pero alam ko rin na mahal ko talaga siya. I've been longing for love and attention for the past years. Sobrang pagod at uhaw na ako sa buhay at gusto ko ng guminhawa.  Right now, I know he'd save me.  Magtitiwala ako at hindi ko pagsisisihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD