Mia's POV
Isang malutong na sampal ang inabot ko bilang birthday gift matapos ibagsak ni Mama ang box na bigay ni Marco.
Itinago ko iyon sa cabinet pero nahalungkat niya pala.
"Anong kagagahan ito Mia Kassandra? Ang paglalandi lang ba ang rason kung bakit ka pumapasok sa letcheng skwelahan na iyon?!"
"Hindi po, ma. Nag-aaral naman akong mabuti." nakayukong sambit ko.
Biglang nagbagsakan ang mga larawan namin ni Marco sa sahig.
"Ang alam ko matalino kang tao tapos mababaliw ka sa itsura na 'to? Ganito lang ang pipiliin mo? Nakipagkantutan ka na ba dito ha?! Sagot!" sabay tulak niya sakin kaya napaatras ako sa dingding.
"Hindi po, ma. Mabait si Marco at may respeto----"
Dalawang malalakas na sampal ulit sa magkabilang pisngi.
Kinwelyuhan rin ako ni Mama.
"Anong maipagmamalaki non? May bahay at lupa ba para sa’yo? May trabaho ba, Mia? Kasi kung mabubuhay ka niya, iharap mo sakin pero sa basurang mukhang iyon, panigurado palamunin lang 'yon. Get yourself together, Mia Kassandra. Walang kwenta lahat ng lalaki kagaya ng Papa mo."
"Mahal ko siya, Ma. Pakinggan mo muna ako, please."
"Hiwalayan mo ngayon din. Tinanong ko kung mabubuhay ka niya at wala ka pang alam sa pagmamahal, Mia. Pinapaikot ka lang ng gagong 'yon. Wag mo kong susuwayin o ako mismo magpapabaril doon. Mura na ‘yan dito. May tatlong libo isang ulo."
"Ma!"
"Isang linggo kang di papasok at wag na wag kong malalaman na sumasama ka pa sa lalaki mo. Mapapatay ko talaga, Mia. Tandaan mong mabuti."
Sabay labas ni Mama at ibinagsak niya ng pagkalakas-lakas ang pinto. s**t. Napaupo nalang ako sa sahig. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para i-text si Joey tomboy dahil hindi ko naman talaga memorya ang takbo ng utak ni Mama. Baka biglaang pupunta yun sa skwelahan.
Sobrang bilis ng mga pangyayari matapos iyon. Isang linggo nga akong hindi pinapasok ni Mama sa skwelahan at kahit nasa iisang bahay kami, hindi niya ako pinapansin. Pasikreto rin akong nakikipag-usap kay Marco nun sa tuwing mag-isa ako sa kwarto, tsaka lang kami nakakapag-chat.
Palagi kong sinasabi sa kanya na okay lang ako dahil alam ko na kahit sa edad na 21, Marco’s thinking is not matured enough to face my mother. Hindi niya makakayang tumanggap ng masasakit na salita at ayoko ring mangyari iyon. I’d rather take all the blame. Gusto kong protektahan ang damdamin niya kaya may gusto akong gawin kahit ayaw ko.
***
“Maghiwalay na tayo, Marco. Hindi ko kaya ang long distance relationship.” Deretsahang sambit ko sa kanya. Andito kami sa paborito naming tambayan. Sa tabing dagat kung saan kami madalas pumupunta matapos ang klase. Mas pipiliin ko pang tapusin kami at sundin nalang ang gusto ni Mama. To save us all, I thought.
“Wag, Mia. Please, hindi ko kaya talaga. Alam kong wala pa akong maipagmamalaki ngayon pero darating talaga ang araw na mahaharap ko din ang Mama mo pag nakatapos na ako at may trabaho na. Hindi ko talaga kayang bitawan ka. Please, baby? Wag mong gawin satin ‘to.” He then held me so tight in his arms. Masyadong mahigpit ang yakap niya na halos di ako makahinga kaya tinulak ko siya ng marahan.
“Marco, mahal kita pero ayokong suwayin si Mama. Kung tayo naman talaga sa huli, magtatagpo ulit ang landas natin. Tsaka hindi ba mas mabuti ‘to? Mas maaga tayong maghiwalay, mas madali para sating dalawa na mag move-on. Andami namang babae sa skwelahan na hindi mo na kailangang ikahiya pa. Wala ka ng kailangang itago at pwede mo ng yakapin ang kahit na sino kung wala ka ng girlfriend. Makakahanap ka rin ng babae na magugustuhan ng barkada mo.”
Kahit andito na kami sa sitwasyong ito, hindi maiwasan ang bitterness sa tono ko. Sinasabi ko lang ‘yun pero masakit pa rin isipin na sa ilang buwang magkasama kami, hindi ko man lang naramdaman na proud siya sakin. Matalino naman ako at may itsura pero parang kasalanan pa iyon. Nakakainis.
“Mia naman. Pwedeng pwede akong bumyahe papunta sa’yo kada buwan para bisitahin ka. Magvi-video call tayo araw-araw, mag u-update tayo isa isa’t-isa. Kaya natin ‘to, please? Wag naman ganito. Hindi ko talaga kaya. Mahal na mahal kita.”
Marco’s POV
Umiyak ako at lumuhod sa harapan niya para di matuloy ang pakikipaghiwalay niya sakin. Mababasa ko naman sa mga mata niya na mahal niya ako at kaya ko pang baguhin ang desisyon niya. Sisiguraduhin kong walang hiwalayang magaganap.
“Tumayo ka, Marco. Wag kang lumuhod diyan. Oo na, hindi na sabi. s**t naman kasi eh. Matitiis ba kita?”
Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ni Mia at niyakap ulit siya ng mahigpit. Alam ko namang hindi niya talaga kaya eh. Ako pa ba.
Kinwento niya sakin na sa buwan ng Marso ang alis nila papuntang Cebu pagkatapos agad ng second semester. Inaya ko siya mag-inuman pagkatapos. Nakakapagod ring umiyak ng ganon karaming luha. Mahal na mahal ko si Mia sa paraang alam ko at bago siya umalis, may isa pa akong alas para siguradong hinding-hindi niya ako makakalimutan.
Medyo nalasing nga siya kalaunan matapos namin maubos ang isang litro ng Emperador. Dinagdagan ko pa ng isang bote ng beer para sigurado ang tama. Mas madami pa nga siyang naiinom sakin sa puntong ito at hinahayaan ko lang.
Nung tawa na siya ng tawa, ayon na nga ang tyempo. Dinala ko siya sa bahay ng kuya ko kung saan kami lang dalawa para magpahinga.
Sa walang pag-aalinlangan, sinunggaban ko agad siya ng halik pagkapasok namin at ini-lock ang pintuan. Tinugon niya ang bawat halik ko at naglakbay ang mga kamay ko sa bewang niya, hanggang sa pumailalim sa t-shirt at sa isang iglap, naalis ko na ang pang-itaas niya.
Marahan ko siyang inihiga sa kama at tinitigan ko ang kabuuan niya.
“Ang ganda-ganda mo, Mia Kassandra. Mahal na mahal kita. Tandaan mo iyan at pananagutan ko ang anumang mangyari satin simula sa araw na ‘to.”
“Mahal din kita, Marco. Sobra.”
Ayan nga. Tama iyan, mahal ko. Pagmamay-ari na kita at ako lang ang pwedeng makakaparamdam sa’yo ng ganito.
Ako lang.
***
Mia’s POV
The day after may nangyari samin, inisip ko na iyon lang naman talaga ang gusto niyang makuha at wala na kong pakialam kung bigla-bigla siyang manlamig kahit masakit isipin. Aalis na rin lang naman ako eh.
Hindi ba ganon halos lahat ng lalaki? Gusto nilang makauna. Thrilling daw kasi iyon.
Nagulat nalang ako ng pagkadating ko sa skwelahan, sumalubong agad sakin si Marco at hinalikan ako sa pisngi para bumati ng ‘good morning’. Kumunot ang noo ko at napaatras saka napatingin sa paligid.
“Anong ginagawa mo?”
“Masama bang bumati ng good morning sa girlfriend ko? Halika may research daw tayo sa History.” Sabay hila niya sa kamay ko at kahit di ko pa rin naiintindihan, napasama ako.
Dinala niya ako sa classroom kung saan nagkukumpulan ang iba naming kaklase kasama ang barkada niya ulit na mas mahal niya pa ata sakin.
Their eyes were on me. I hated it. Wala kasi akong kasalanan para tignan nila ako ng ganyan kasama. I stayed blank. Nakakapagod ng masaktan. Tinetext ko si Joey tomboy kung asaan na siya pero male-late raw ng konti.
“Balita ko aalis ka na raw? Buti naman. Ikaw nalang kasi palaging matalino eh baguhan ka naman. No offense, girl ah?”
Ayan na nga ba. Nananahimik ako dito. Tangina ka, Mia lumaban ka. Pero di ko kaya. Ewan ko.
“Tol, ba’t nasali dito ‘yan?” dinig ko yung isa pa.
“Yep. Nagpo-process na rin ako ng transcripts para sa paglipat ko.” Casual na sagot ko at ngumiti ng konti. Sige lang, ngiti ka pa self.
Nung lumabas si Marco para may bibilhin raw, susunod rin sana ako pero pinigil ako ni Bernadith.
“Buti ka pa, Mia ano? Napili kang maging isa sa mga models dun sa Robinsons event. Ang tangkad mo kasi at maganda pa. Selos ako.”
“Para ngang stick maglakad eh. Hahahahah!”
Nagtawanan yung iba pa. Lumunok ako at sinubukang hindi makinig sa kanila. Oo na payatot ako pero hindi ako magso-sorry sa kung sino dahil wala silang alam. Subukan kamo nilang bumuhay ng pamilya sa edad na disisais.
Fuck this. Gustong-gusto ko na umalis dito. Ba’t ba nila ako pinapakielaman? Putanginang buhay naman ‘to.
I stood up and went out without saying a word. I looked up. Alam ko na kung saan ako pupunta.
Nilakad ko lang ang skwelahan patungong Cathedral. Malapit lang naman at mabuti na ‘yun para tipid ng pamasahe. Alas tres pa ng hapon kaya kaonti ang mga tao. Pumunta ako sa pinakasulok at lumuhod saka pinagdampi ang mga palad ko.
‘Lord, I’m tired but I trust you. Madami pa po ba kayong pagsubok? Wala bang taympers muna? Pwede po bang mamahinga saglit? O kung di pa pwede mamahinga, penge nalang po ng lakas ng loob please?’
I cried my heart out silently. Unti-unting tumulo ang mga luha ko ng tahimik. Ansikip-sikip ng dibdib ko. I’ve thought of several ways to end my life pero papaano ulit sina Mama at ang musmos kong kapatid? I just can’t.
Inisip ko ulit ang mga hagulgol ni Mama sa silid niya at ang mukha ng kapatid ko na gusto pa ring mag-aral kahit public school daw. His innocent eyes. This world is just too cruel.
‘Lord. If I can’t give them the world just yet, please feed them three times a day. Kahit sila lang, okay nako dun. Hindi kita kukwestyunin ah? Magtitiwala ako ng paulit-ulit. Thank you po.’
Ganoon lang ang ginagawa ko. Kinukwento ko sa kanya lahat-lahat tas naglalakad ako downtown habang nakakagat ng tinapay at may isang boteng tubig. Pagkatapos non, okay nako ulit.
***
Thankfully, may grasya ding dumating samin. Enough na ito for the mean time para maka-sustain paalis sa lugar na ‘to. May na-applyan na rin akong trabaho sa Cebu at interview nalang ang kulang.
Dumating na nga ang araw ng pag-alis namin kinabukasan. New city, new life kumbaga.
“Mami-miss kita, Marco. Dalawin moko, ah? Video call tayo everyday ah? ‘Yung tugon ko ulit sa’yo. Pakiiwasan ang pagyakap ng sino-sinong babae.”
Niyakap niya ko ng pagkahigpit.
“Sobrang mami-miss din kita, Mia. Daming gwapo dun, wag mo rin ako ipagpapalit. Mahal na mahal kita. Dadalaw ako agad kapag nakaipon at promise, wala ng pangyayakap sa ibang babae.”
Hinalikan ko siya ulit bago ako lumayo para titigan ang mukha niya. Gusto ko lang ibaon sa isip ko.
***
Ayun na nga. Tumunog ang pier at unti-unti ng umaalis ang barko na sinasakyan namin. Sabi ni Mama, iwan raw lahat ng bad vibes sa lugar na iyon kasi wala ng babalikan.
Yung puso ko naiwan, Ma. Charot. Baka itulak ako sa dagat eh.
I am young but I really do love you. I swear I do. You’re my first love after all.
Long distance relationship. Ang hirap pala isipin. Natanaw ko pa ang anino ni Marco sa malayuan habang nakaabang sa pag alis namin.
I thought love was cheesy and corny but you’ve changed that perspective of mine. You were both pain and bliss. I’ve never been painfully in love.
Tama ba ‘yun? Ba’t parang ansakit mo mahalin, Marco Garcia?