Chapter 9

1161 Words
Binuhat ni Franco sa Julia palabas ng simbahan na punong-puno ng ngiti sa labi. Sinasabuyan rin sila ng mga petals ng bulaklak ng mga tao habang naghihiyawan pa sa tuwa. "You're mine now, Julia. At ngayon, wala ka ng takas dahil nakatali ka na sa 'kin," usal ni Franco sa asawa na nakakalokong ngiti. Napangiti naman si Julia sa kilig na nararamdaman. Halos nagkukumahog ang puso niya sa tuwa dahil sa sinabi ng asawa. Pero syempre, kailangan niyang magpakipot dito. "Kasal lang tayo, Mr. Fabregas! Hindi mo ako pag-aari," pataray na sagot niya at inirapan ang asawa. Subalit ang totoo ay halos tumalon na ang puso niya sa tuwa. Tumigil si Franco sa paglalakad at inangat siya dahilan para magkalapit ang kanilang mga mukha. Kaya't nagulat si Julia at biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Napalunok din siya na laway dahil tila bigla itong nanuyo. Pagkatapos ay tinitigan siya nito sa mata na tila may pagbabanta. "Mrs. Fabregas! Sa ayaw at sa gusto mo, pag-aari na kita! At kahit anong gawin mo ay hindi mo na ako matatakasan!" tila may pagbabanta nitong tinig kaya't biglang naigit ang hininga ni Julia at biglang kinabog ng malakas ang kanyang dibdib. Pagkatapos ay bigla siyang siniil ng halik ni Franco kaya't namilog na naman ang kanyang mga mata sa pagkabigla. Nagsigawan naman ang mga kasamahan nila sa simbahan habang pinapanood ang romantiko nilang halikan. Ilang saglit pa ay muling tinitigan sa mata ni Franco si Julia na may nakakalokong ngiti. "May sasabihin ka pa, Mrs. Fabregas?" nakakalokong usal nito at kinindatan si Julia. Napakagat na lang si Julia sa pang-ibabang labi niya habang nanlalaki pa rin ang mga mata. Pakiramdam niya rin ay tila may nagtatakbuhay kabayo mula sa kanyang dibdib dahil sa bilis ng t***k nito. "Julia, kumalma ka! H'wag kang magpapahalata na gusto munang maglumpasay sa kilig!" usal nito sa sarili. "Ayusin mo ang sagot sa tanong niya, Julia! Naku, talaga!" dagdag pa nito habang nakatitig pa rin sa nakakatunaw na tingin ng asawa. Pakiramdam niya ay tumatagos sa kaluluwa niya bawat titig nito. Ilang sandali lang ay nagsalita na siya na tila wala lang. "Wala na po!" maikling usal niya at inirapan ang nakakatunaw na titig ng asawa. "That's good." Matapos sabihin iyon ni Franco ay dahan-dahan na siya nitong ibinaba. Kanina pa kasi naghihintay ang mga kababaihan sa ihahagis niyang bulaklak. ********** "Ikaw na muna ang bahala sa anak namin, Besti, ha! Babalik din kami agad pagkatapos ng honeymoon," nalulungkot na usal ni Julia kay Rachelle. Iiwan kasi nila ang kambal kaya't labis-labis na ang kalungkutan na nararamdaman niya. "H'wag kang mag-alala, Besti. Ako na ang bahala sa mga pamangkin ko. Saka marami naman kami dito sa bahay na mag-aalaga sa kambal niyo, e." Malungkot na kinarga ni Julia si Francis at hinalikan niya ito sa pisngi. "Aalis mo na sina Mommy at Daddy, Baby, ha. Dito muna kayo kay Tita Rachelle," naluluha niyang paalam sa walang muwang na supling. Pagkatapos ay ibinaba niya ito sa kuna at kinarga naman si Froilan. Hinalikan niya rin ito sa noo at nagpaalam. Ngayon lang siya mawawalay sa mga anak kaya't labis-labis ang kalungkutan na nararamdaman niya. "Mag-iingat kayo sa biyahe, Besti, ha. Enjoy kayo ni Kuya sa honeymoon niyo," wika ni Rachelle na tila kinikilig na naman. Namumula na naman ang makikinis na pisngi ni Julia. Nakagat niya pa ang pang-ibabang labi niya dahil sa nakatagong kilig. "Salamat, Bes. Kayo rin mag-iingat dito," usal niya at niyakap ang kaibigan. Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto kaya't sabay silang napatingin kung sino ang papasok. "Let's go, Hon. Naghihintay na si Mang Kanor sa labas," usal ni Franco. "A-anong sabi niya? H-Hon?" tila bigla siyang kinilabutan sa kilig dahil sa tawag sa kanya ng asawa. "I-iyon ba 'yung tawagin namin?" dagdag pa nito habang natulala sa asawa. "Are you okay, Hon? Bakit tila gulat na gulat ka?" Napansin kasi ni Franco na tila nagulat si Julia sa biglaang pagpasok niya. Ang hindi niya alam ay dahil tinawag niyang, Hon, ang asawa. Natatawa na lamang sa kilig si Rachelle habang nakatingin sa dalawa. "Hoy, Julia! Tinatanong ka ni Kuya!" Kalabit nito kay Julia. "H-ha? O-oo, okay lang ako. Tara na," nauutal-utal niyang usal sa asawa. Kaagad naman na lumapit si Franco sa dalawang anak at hinalikan niya ito isa-isa. "Alis muna si Mommy at Daddy, ha. Magpakabait kayo dito," pagkakausap niya sa natutulog na kambal. Pagkatapos ay lumapit ito kay Julia at hinawakan ng mahigpit sa kamay. "Tara na," usal nito na may nakakalokong ngiti. Habang nakasakay sila sa kotse ay panay ang hawak ni Franco sa mga hita niya. Malagkit rin ang mga tingin na ipinupukol nito sa kanya kaya hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng hiya sa asawa. "Franco, ano ba! Baka mamaya makita tayo ni Mang Kanor, nakakahiya," paninita niya na may kilig pa rin na nararamdaman. Nakasuot pa naman siya ng hapit na dress na hanggang hita lamang ang iksi. Kaya nasisilaw talaga ang asawa kapag napapatingin sa malaman niyang hita. "What? Asawa na kita kaya kahit anong gusto kong gawin sa 'yo, wala ka ng magagawa!" tila may pagbabanta na naman nitong usal na may nakakalokong tingin. Ilang saglit pa ay muli na naman nitong pinapagapang ang palad na tila may hinahanap sa pagitan ng kanyang mga hita. Kaya't tumalim na naman ang tingin niya sa asawa. "Franco!" muling sambit niya sa pangalan nito. Subalit tila walang narinig si Franco. Tuloy-tuloy lang ito sa ginagawa hanggang sa maabot nito ang tunay na pakay. Kaya't halos kilabutan siya sa kakaibang ligaya na hindi niya maipaliwanag. Nakagat niya rin ang pang-ibabang labi niya na may bahagyang ungol na na lumalabas. "Nagustuhan mo ba?" nakakalokong tanong sa kanya ni Franco. Ilang sandali pa ay nilaro-laro nito ang c******s niya kaya't lalong uminit si Julia. "Hmm!" impit na ungol niya habang nakakagat sa pang-ibabang labi. Nang marinig ulit iyon ni Franco ay agad siya nitong siniil ng mapusok na halik. Sabik na sabik ito na tila hindi na makapaghihintay sa pupuntahan nila. At sa hindi maipaliwanag ni Julia ay tila nagkakaroon ng buhay ang kanyang mga kamay dahil gumagapang na rin ito sa nakaumbok na pagkakalalaki ni Franco. Kaya't hindi na rin napigilan ni Franco ang mapa-ungol ng mahina dahil sa tindi ng init na bumabalot sa kanya. Subalit isang tinig ang bigla na lamang nakapagpatigil sa sensasyon na bumabalot sa kanila. "E-ehem! Ma'am, Sir, mamaya niyo na lang po ituloy 'yan, narito na po tayo," tila natatawang usal ni Mang Kanor. Tumigil na pala ang kanilang sasakyan ngunit hindi nila iyon napansin. Kaya't agad na natigalgal si Julia at naitulak si Franco. Mabilis niya ring ibinaba ang dress dahil sa hiya. Mukhang nakalimutan ata nila na may kasama sila sa loob ng sasakyan. Napatiim bagang pa si Franco dahil nasira ang init na bumabalot sa kanilang mag-asawa. "Salamat, Mang Kanor. Pero sa susunod, kapag may mga ganitong pangyayari, bumaba na lang po kayo," nakakalokong usal niya habang natatawa na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD