Chapter 8

1103 Words
Tila tumigil ang mundo ni Franco habang tinititigan ang babaeng nakasuot ng napakagandang wedding gown habang naglalakad sa gitna simbahan. Halos siyam na buwan niyang hinintay ang pagkakataon na ito. Siyam na buwan niyang hinintay ang babae na bukod tanging birhen na kasiping nung gabing iyon. At ngayon, matutupad na ang siyam na buwan niyang pagtitiis na makapiling ang kaisa-isang babaeng matagal niyang hinanap. Napakaganda nito sa suot na wedding gown. Pakiramdam niya ay tatalon ang puso niya sa kaba. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa lahat ng naging babae niya. Sa dinami-rami ng mga babaeng dumaan sa buhay niya, kay Julia lamang tumibok ang puso niya nung malaman niya na siya ang nakauna dito. Kaya't kasabay ng magiging sumpaan nila sa harap ng altar at panginoon ngayon, ay ipapangako niya na magiging mabuti siyang asawa at Ama sa dalawa nilang supling. Ibibigay niya ang buong pagmamahal niya sa buuin nilang pamilya ni Julia. Halos walang patid naman ang pagtulo ng luha ni Julia habang naglalakad sa gitna ng simbahan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal na siya. Labis-labis rin ang saya na nararamdaman niya dahil hindi nasayang ang pagsuko niya ng bataan niya noon sa lalaking hindi niya kilala. Buong akala niya ay tatanda na siyang single na may dalawang anak. At ni sa panaginip ay hindi niya naisip na muli niyang makikita ang lalaking nagparamdam sa kanya ng tunay na langit ng gabing iyon. At kahit kailan ay hindi siya nagsisi na ibinigay niya ang p********e niya noong gabing iyon. Dahil malaki ang pasasalamat niya dahil binigyan siya ni Franco ng dalawang malulusog na supling. At kahit hindi na sana siya mag-asawa, may mga anak na siyang tunay na magpaparamdam ng pagmamahal sa kanya. Ilang saglit lang ay tumayo ang kanyang Ama at inabot ang kamay niya sa naghihintay na mapapangasawa. Pagkatapos ay malugod naman iyong tinanggap ni Franco na may malapad na ngiti sa labi. Kitang-kita ni Julia ang pamumula at pamamasa ng mga mata ni Franco ng magtama ang mga mata nila. Batid niya na pareho lamang ang nararamdaman nila ngayon. Ilang saglit muna silang nagtitigan sa mga mata na kapwa nagniningning sa labis na kasiyahan. Pinisil-pisil pa ni Franco ang dalawang kamay niya na may malawak na ngiti habang pinapasadahan siya ng tingin sa mukha. Kaya't halos tumalon ang puso niya sa kaba. Pakiramdam niya ay silang dalawa lang ang nasa loob ng simbahan. Pakiramdam niya ay tila ba pagmamay-ari nila ang mundo ngayon. "Thank you," mahinang usal niya habang namamasa na naman ang mga luha sa mga mata habang nakatitig sa mga mata ni Franco. Pinahid ni Franco gamit ang hinlalaki niya ang kaunting luha na pumatak sa pisngi ni Julia at saka na nagsalita. "No, Julia. Ako dapat ang mag-thank you dahil pumayag kang matuloy ang kasal natin sa kabila ng nangyari kanina," mahinang usal din nito at muling ngumiti ng matamis. "No, Franco! Thank you dahil hinanap mo ako," usal muli nito sa mahinang tinig at napayuko. Tumulo na rin ang mga luha niya mula sa kanyang mga mata. "Hmm, actually, nine months lang naman akong nagtiis na mahanap ka," usal ulit nito na may nakakalokong ngiti. Pagkatapos ay hinarap nito ang pari at sinasabing simulan na ang kasal. Pagkatapos ay muling ibinalik ang paningin kay Julia at sabay na nilang hinarap ang panimula ng sakramento para sa kanilang kasal. At habang nagsasalita ang pari ay panay ang ngiti ni Julia dahil sa nalaman kay Franco. Pakiramdam niya ay malapit na talaga siyang sumabog sa tuwa. Nine months pala siyang hinanap ni Franco. Siguro kung wala sila sa loob ng simbahan ay nagtititili na si Julia sa kilig. "Gano'n ba ako kaganda para hanapin niya ng ganun katagal?" tanong niya sa kanyang isipan habang panay pa rin ang salita ng pari. Wala na nga siya halos maintindihan sa sinasabi ng pari dahil sa mga iniisip. Para siya tuloy isang teenager na pumapag-ibig pa lamang. "Hays, Julia. Ikalma mo 'yang pekpek mo! Baka nakakalimutan mo, nasa simbahan ka at ikakasal ka!" paninita niya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya rin ay tila init na init na ang mukha niya sa pamumula dahil panay ang sulyap ng tingin sa kanya ni Franco. Ilang sandali pa ay sinambit na ng pari ang pangalan niya kaya doon lamang siya natauhan. Napalunok pa siya ng laway dahil pakiramdam niya ay tila nanunuyo na ito. Nawala bigla ang kilig dahil napalitan ito ng matinding kaba habang naghihintay sa sasabihin ng pari. "Julia Manaog, do you take Franco Fabregas to be your lawfully wedded husband? For richer or for poorer, in sickness, and in health, 'til death do your part?" Matapos marinig iyon ni Julia ay agad na naman siyang napalunok ng laway. Tila bigla siyang nangarag sa tanong ng pari. "Kalma lang, Julia! Hingang malalim!" usal niya sa kanyang isipan dahil sa matinding kaba. Sinulyapan niya rin si Franco na nakangiti at halatang naghihintay din sa sagot niya. "I-i do, Father!" kinakabahan niyang usal. Ilang saglit pa ay si Franco naman ang tinanong ng pari. "Franco Fabregas, do you take Julia Manaog to be your lawfully wedded wife? For richer or for poorer, in sickness, and in health, 'til death do your part?" Tinitigan muna ni Franco sa mata ni Julia na may ngiti sa labi. Pagkatapos ay hinawakan ang dalawang kamay ni Julia at pinisil-pisil ng mahina bago ng nagsalita. "Yes I do, Father." Matapos nilang banggitin ang, I do ay nagpalitan na sila ng singsing. At ilang minuto lang ay muli na namang nagsalita ang pari. "By the power vested in me by God and the church, I now present to you the newly weds, Mr. and Mrs. Fabregas. Franco, you may now kiss your wife!" Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan mula sa sinabi ng pari. Kaya't sabay na napatingin sina Franco at Julia sa mga tao sa harapan nila pati na sa mga magulang at kamag-anak na naroon. Mangiyak-ngiyak pa ang Ina ni Julia habang nakatingin sa kanya sa labis na kasiyahan. "Kiss! Kiss!" sigaw ng mga tao sa loob ng simbahan kay Franco kaya't napuno ng ingay ang simbahan. Ilang sandali ay muling hinarap ni Franco si Julia na may ngiti sa labi. Nagniningning na rin ang mga mata ni Julia habang tinatanggal ni Franco ang puting belo na nakaharang sa mukha ni Julia. Nang mapagtagumpayan na iyon ni Franco ay sandali niya munang tinitigan sa mukha si Julia. At ilang sandali lang ay dahan-dahan na nitong inilapat ang labi sa labi ni Julia. Kaya't lalong naghiyawan sa tuwa ang mga kasamahan nila sa simbahan. "Mabuhay ang bagong kasal!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD