"Ayan, Bes, ang ganda-ganda mo na. Paniguradong maglalaway na naman sa 'yo nito si Kuya kapag nakita ka niya habang pumapasok ng simbahan. At kapag nakita ka niya, parang titigil ang mundo niya. Exciting 'di ba?" kilig na kilig na usal ni Rachelle kay Julia. Nakataas pa ang palad nito sa ere na tila iniimagine ang mangyayari
"Sira ka talaga, Bes!" sagot din nito at lumawak ang ngiti sa labi habang iniimagine din ang mangyayari. Pagkatapos ay ibinaling ang paningin sa malaking salamin na nasa kanyang harapan.
"Ikakasal na ba talaga ako? Ako na ba talaga itong nasa harap ng salamin habang nakasuot ng magarang wedding gown? Ako na ba talaga itong may nakakabit na tilang puti habang nakakabit sa nakapuyod kong buhok?" bahagyang namasa ang mga luha sa kanyang mga mata. Halos hindi niya pa rin sukat maisip na ikakasal siya ng biglaan.
Buong akala niya kasi ay tatanda na lamang siyang dalaga na may dalawang anak.
"Oo, Bes, ikaw 'yan! Maski ako, hindi makapaniwala na ikakasal ka sa kapatid ko. Paano nga ba kayo nagkakilala ni Kuya?"
Napalunok ng laway si Julia sa tanong ng kaibigan. Paano niya nga ba sasagutin ang tanong na iyon? Nakaramdam siya ng hiya sa kanyang sarili. Matalik na kaibigan niya si Rachelle, pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin na nakipagsiping siya kay Franco kahit hindi niya pa ito kilala. Napabuntonghininga mula sa iniisip niya. Pero alam niya na maiintindihan siya ni Rachelle kaya't naisip niya na sabihin na lang.
"Ang totoo—" Magsisimula na sana si Julia na magsalita, subalit may bigla na lamang kumatok sa silid nila at isang matandang lalaki ang bumukas ng pinto.
"Mga anak, mauuna na kami sa simbahan. Julia, get ready. Naghihintay na si Franco sa simbahan," agad na usal ng Daddy nina Franco at Rachelle na si Mayor Luis Fabregas.
"Okay, Dad," nakangiting usal ni Rachelle.
"Yes, Tito," sagot din ni Julia.
Subalit natawa ang matanda sa sagot ni Julia. "Don't call me Tito, Julia. From now on, you can call me, Dad. Remember, parti ka na ng pamilya namin. And later on, you will be, Misis Fabregas."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Julia sa sinabi ni Mayor Luis. At sa hindi niya maipaliwanag, bigla siyang nakaramdam ng kakaibang saya sa kanyang puso. Tila nais nitong tumalon sa tuwa nang banggitin ni Mayor Luis ang Misis Fabregas.
"Misis Julia Fabregas. Ayeeeh, Besti, bagay na bagay!" tila si Rachelle ang kinilig sa sinabi ng Ama.
"Y-yes, D-Dad."
Biglang namula ang makikinis niyang pisngi dahil sa hiya. Hindi pa siya sanay pero dahil sinabi iyon ng Daddy nila Franco ay malugod niyang tinugunan.
"Good. Okay, maghanda na kayo, baka naiinip na si Franco sa simbahan."
Matapos sabihin iyon ng Daddy ni Franco ay agad na nitong sinarado ang pinto.
"Congratulations, Besti!" Agad na niyakap ni Rachelle si Julia. "Mabuti na lang talaga, ikaw ang mapapangasawa ni Kuya. Hindi 'yung—" Napatakip ng bibig si Rachelle dahil muntikan na siyang madulas. Mabuti nalang at hindi iyon napansin ni Julia.
Matapos iyon ay agad na silang naghanda. Inalalayan ni Rachelle ang mahabang puting gown ni Julia para hindi ito magsayad sa sahig. Pagkatapos ay agad na silang lumabas at sumakay sa kulay puting at magarang kotse. Sa likod sumakay si Julia. Si Rachelle naman ay sa kotse niya. Nakasunod lang ito sa kanila.
Subalit habang papalabas sila ng subdivision ay may kulay itim na sasakyan ang humarang sa kanila. Kaya't halos mapasubsob si Julia dahil sa biglaang pagpreno ng driver.
"Ano pong nangyayari, Manong?" tanong agad ni Julia sa driver.
"May sira ulo pong humarang sa daan natin, Ma'am."
"Ha? Bakit daw po?" gulat na tanong ni Julia sa driver.
"Hindi ko di po alam, Ma'am. Teka't bababain ko po!" Mabilis na tinanggal ng driver ang kanyang seat belt at agad na bumaba ng sasakyan.
Binuksan din ni Julia ang binata para makita kung sino ang lalabas sa kotseng itim na humarang sa kanila. Subalit nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya kung sino ang lumabas sa itim na kotse.
"J-John?" gulat niyang sambit.
"Julia, mag-usap tayo!" sigaw ni John habang pinipigilan ng driver na makalapit.
Bumaba na din si Rachelle ng kanyang sasakyan nang makita si John. Kaya't binuksan na rin ni Julia ang pintuan ng kotse at agad na sinipat ang gown para hindi lumadlad sa maruming semento.
"Ano bang problema mo, John?" agad na salubong ni Rachelle kay John.
"Tumabi kayo, Rachelle! Gusto kong makausap si Julia!"
Biglang kumabog ang dibdib ni Julia sa reaksyon ni John. Tila lasing na lasing ito dahil namumula ang mga mata.
"Pwede ba, umalis ka sa daan, John! Ikakasal na ako kaya wala na tayong dapat pang pag-usapan!" galit na sigaw ni Julia. Namamasa na rin ang gilid ng mga mata niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin makalimutan ang panloloko nito sa kanya. Halos limang taon silang magkasintahan at sa isang iglap lang ay tinapon iyon ni John.
"Narinig mo 'yun, John? Umalis ka na raw dahil ikakasal na si Julia sa kapatid ko! At kahit anong gawin mo ay hindi mo na mapipigilan 'yun!" singhal ni Rachelle.
Biglang nagpanting ang tainga ni John sa narinig. Kaya't sinunggaban nito ng suntok ang driver ni Julia sa galit dahil sa kanina pa nitong pagpipigil sa kanya na makalapit kay Julia.
Nabitawan ni Julia ang mahabang gown niya na pinipigilang magsayad sa semento. Pagkatapos ay sabay silang napatakbo ni Rachelle sa driver na sumubsob sa semento.
"Hayop ka talaga, John!" singhal ni Julia habang tinutulungan na makatayo ang driver niya.
Nataranta na rin si Rachelle kaya't agad na tinawagan si Franco. Malapit lang naman ang simbahan kaya't alam niya na makakarating ito agad para tulungan sila.
"Umalis ka na, Jonh! 'Wag mong sirain ang kasal ng kaibigan ko!" Isang malutong na sampal ang pinakawalan ni Rachelle kay John. Subalit tila walang epekto iyon kay Jonh.
Mabilis itong lumapit kay Julia at mahigpit na hinawakan si Julia sa braso habang rumaragasa na ang luha mula sa kanyang mga mata.
"Aray, John, nasasaktan ako!" lumandas na ang luha mula sa mga mata ni Julia dahil sa ginagawa ni John.
"Julia, mag-usap tayo. Hindi mo kailangan magpakasal sa kanya. Mahal na mahal pa rin kita, Julia. Please, maawa ka!" Niluwagan nito ang pagkakahawak sa braso ni Julia. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagsisisi sa ginawa niya kay Julia noon.
"Bitawan mo si Julia, John!" Pinilit tanggalin ni Rachelle ang kamay ni John sa braso ni Julia. Subalit tinulak lamang siya ni John kaya't natumba siya sa semento.
"Besti!" sigaw ni Rachelle at agad sanang lalapitan ang kaibigan. Subalit bigla ulit hinigpitan ni John ang pagkakahawak sa braso niya. "Hayop ka talaga, John! Nababaliw ka na! Bitawan mo ako!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya kay John.
Dahil sa ginawang pananampal ni Julia kay John ay hinawakan na siya nito ng mahigpit sa magkabilang braso.
"Julia, please! 'Wag mong ituloy 'to! Itatakas kita, Julia. Isama natin ang mga anak mo! Pangako, mamahalin ko sila at ituturing na parang tunay na anak! Tama, gagawin ko 'yun, basta sumama ka lang, Julia!" Matapos niyang sabihin iyon ay pilit niyang niyayakap si Julia.
"Bitawan mo ako, John!" Pilit nitong itinutulak si John para hindi siya nito mayakap. Tumayo na rin si Rachelle para muling tulungan si Julia. Pero muli itong iwinaksi ng tulak ni John ng malakas kaya't muli na naman itong natumba.
"'Wag kang makikialam, Rachelle!" singhal ni John kay Rachelle na nalilisik na ang namamasang mga mata. Pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin kay Julia.
Takot na takot na rin si Julia dahil pakiramdam niya ay hindi niya na kilala si John. Ibang John na ang kaharap niya ngayon. At base sa nakikita niya ay tila hindi na ito nakakapag-isip ng matino.
"Hayop ka talaga, John!" Pinagsusuntok niya ang dibdib ni John sa galit niya dito dahil sa paulit-ulit na pananakit sa kaibigan. Ayaw na rin paawat ang mga luha na rumaragasa sa kanyang mga mata. "Hayop ka! Hayop! Hindi ako sasama sa 'yo, at kahit kailan ay hindi na ako babalik sa 'yo!"
Hinawakan ni John ang dalawang pulsuhan ni Julia para tumigil ito sa pananakit sa kanya. Pagkatapos ay pilit niya muli itong niyayakap. "Tama na, Julia. Halika na. Aalis na tayo sa lugar na ito," pagmamakaawang usal nito.
Subalit isang malutong na suntok ang tumama kay John kaya't napasubsob ito sa unahan ng kotse.
"F-Franco!" may pagkagulat na tinig ni Julia habang rumaragasa pa rin ang luha mula sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay mabilis siya nitong niyakap ng mahigpit.
"Shh, 'wag ka ng umiyak, nandito na ako!" Hinalikan niya sa noo si Julia.
"Ikaw na naman?" singhal ni John at susugod sana kay Franco para gumanti.
Subalit agad siyang tinutukan ng baril ng limang bodyguard na kasama ni John. "Hey, hey!" Napataas siya ng dalawa niyang kamay na tila sinasabi na hindi na siya lalaban. Pagkatapos ay muling binaling ang paningin kay Franco na nakayap kay Julia.
"Hindi pa tayo tapos!" madiing banta nito kay Franco. Pagkatapos ay binaling ang paningin kay Julia. Madilim ang mukha niya na tila nagbabanta din. At ilang saglit pa ay tumalikod na ito at agad na sumakay sa kanyang kotse.
Halos mawalan ng hininga si Julia habang hinahabol ng tingin ang humaharurot na sasakyan ni John. Pakiramdam niya ay naubos lahat ang lakas niya dahil sa nangyari.
Hinawakan ni Franco ang baba niya at tinitigan niya ang namamasang mga mata ni Julia. "I'm sorry, Julia. Kung alam ko lang na mangyayari ito, dapat sinasabayan na lang kita," malungkot nitong usal. Pagkatapos ay hinalikan niyang muli ito sa noo at isang mahigpit na yakap ulit ang itinugon niya dito.
Napahagulgol na ng iyak si Julia at ibinaon ang kanyang mukha sa makisig na dibdib ni Franco. Hinigpitan niya rin ang pagkakayap niya dito. At pakiramdam niya ay tila biglang naglaho ang lahat ng sakit na nararamdaman niya kanina nang magharap sila ni John.