Chapter 16

1251 Words
Ihahakbang na sana ni Julia ang kanyang mga paa papasok sa isang sikat at romantikong restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Franco nang bigla na lamang siyang pigilan ni Franco. Kaya napalingon siya sa asawa na may pagtataka. "Why, may problema ba?" takang tanong ni Julia. "Mamaya tayo pumasok sa loob, may gagawin lang ako," nakangiting usal ni Franco. Kumunot ang noo ni Julia mula sa sinabi ng asawa. "Ano naman?" tanong naman ni Julia na may pagtataka pa rin. "Ito!" Bigla na lamang kinabig ni Franco si Julia patalikod sa kanya. Kaya nagulat na naman si Julia dahil dito. "Sira ulong 'to. Ayaw niya bang makita ang mukha ko at pinatalikod niya ako sa kanya? Ano 'to, maglalakad kami papasok habang nakatalikod ako sa kanya? Gago ba siya?" Umawang ang gilid ng labi niya matapos niyang sabihin iyon sa kanyang isipan. Subalit natigilan siya bigla nang maramdaman na may nilalagay sa leeg niya ang asawa. At nang ibaba niya ang paningin para makita kung ano iyon ay natulala siya sa nakita. Isang kwintas na may pendant na letrang F ang nakita niya at nababalutan ito ng maliliit na batong kumikinang. At base sa nakikita niya ay hindi ordinaryo ang halaga nito. "A-ano 'to?" hindi makapaniwang usal niya habang dahan-dahang hinahawakan ang pendant na kumikinang sa ganda. Humakbang paharap sa kanya si Franco na may matamis na ngiti. "Nagustuhan mo ba?" Namasa ang gilid ng mga mata ni Julia dahil sa kakaibang saya na nararamdaman. At malamlam na inangat ang tingin mula sa mga mata ng asawa. "Oo. Napakaganda." "Mabuti naman. Mamaya ko pa sana 'yan ibibigay, e. Kaya lang napaaga. Gusto ko kasi na suot mo na 'yan bago tayo pumasok sa loob." Muling ibinaba ni Julia ang tingin sa kuwintas. Pakiramdam niya kasi ay umapaw sa tuwa ang puso niya dahil sa regalo ng asawa. "Matanong ko lang. Bakit letrang F ang nakalagay sa pendant niya e, J ang umpisa ng pangalan ko?" "Dahil ako 'yan, Julia. Kapag suot mo 'yan ay para mo na rin akong kasama saan ka man magpunta. Pinasadya ko talaga 'yan para sa 'yo." Hindi makapaniwala si Julia sa narinig mula sa asawa. Ngunit walang mapaglagyan ang tuwa na nararamdaman ng puso niya dahil dito. Marami na rin naman siyang regalong natanggap na mga mamahalin, ngunit iba ang dating sa kanya kapag galing sa asawa. Naging emosyonal rin siya dahil dito at hindi niya namalayan na unti-unti na palang pumapatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "H'wag kang mag-alala, iingatan ko 'to!" Naluluha niyang wika sa asawa. Pinahid naman ni Franco ang kaunting luha na pumatak sa pisngi ni Julia. Masaya rin siya dahil nagustuhan ng asawa ang regalo niya. Subalit hindi pa pala doon natatapos ang sorpresa ni Franco para sa asawa. Nerentahan pala ni Franco ang isang buong restaurant para lamang sa kanilang dalawa. Ang akala kasi ni Julia ay simpleng kain lang ang gagawin nila. Kaya nang makita niya ang loob ay napaluha na naman siya. Napaka-romantiko talaga kasi ng dating nito. Mamula-mula ang kapaligiran na may mga musikero na tumutugtog. At talagang napaka-elegante ng dating kahit ang mga kasuotan ng mga naroon. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang table kung saan sila pupwesto. May nakapatong na isang bouquet na kulay pulang bulaklak at may mga kandila na palamuti sa palibot nito. May mamahaling red wine din na nakatayo sa lamesa at may dalawang wine glass sa tabi nito. Nakahanda na rin ang mga plato, kutsara, tinidor at kutsilyo na panghiwa sa karne. At ilang sandali lamang ay lumapit na sa kanila ang waiter para igiya sila palapit sa table nila. Kaya hinawakan na ni Franco ang bisig ni Julia at sabay silang sumunod sa waiter. Inabot muna ni Franco ang bulaklak sa asawa bago niya hinila ang uupuan nito. "Thank you." Inamoy ni Julia ang bulaklak na may ngiti sa labi bago umupo. Hindi niya sukat akalain na talaga palang napa-romantiko ng asawa, hindi lang sa kama. "Anything for you, Hon," nakangiting sagot naman nito. "Excuse me, Mr. and Mrs Fabregas. Can I take your order, please." Inabot ng waiter ang dalawang book menu sa kanila. "Yeah, sure," sagot naman ni Franco. "Thank you, Sir." Pagkatapos ay muling ibinaling ni Franco ang paningin sa asawa. Kitang-kita niya ang nag-uumapaw na tuwa nito sa mga mata. Lalo rin gumanda sa paningin niya ang asawa dahil sa regalo niyang kuwintas. Hindi nga siya nagkamali sa pagpili ng disenyo. Nang makapili na sila ng kakainin ay muling tinawag ni Franco ang waiter para sabihin na ang order nila. At ilang minuto lamang ay dala na nang tatlo pang waiter ang order nila. Marami pala kasing inorder si Franco dahil talagang nagutom siya. Subalit may isang bagay na nakakuha ng atensyon ni Julia kaya napatingin siya sa asawa na may pagtataka. "Balot? Bakit may kasamang balot ang order mo? Saka, wala naman akong nakitang balot sa menu, e." Umiral na naman ang kapilyuhan ni Franco nang mapansin ni Julia ang balot. "Tinawagan ko talaga sila para ipagluto ako ng balot, Hon. Saka kailangan ko 'to para lalong lumakas ang tuhod ko. Hindi kaya biro 'yung ginawa natin mula pa kagabi." Muntik nang humalakhak ng tawa si Julia dahil sa sinabi ng asawa. Pwede naman kasi silang kumain ng balot sa turo-turo, pero dito niya pa naisip magpaluto. "Ano ka ba naman, Franco. Hindi ka ba nahiya na utusan sila para lang ipagluto ka ng balot, ha? Wala 'yun sa menu nila dito, ano ka ba! Baka mamaya kung anong isipin nila." Napasapo si Julia sa noo dahil sa asawa. "Alam ko 'yun, Hon. Ngunit dahil malaki ang ibinayad ko sa kanila, kaya susunod sila sa utos ko." "Sira ka talaga. Kumain na nga lang tayo." Muling natawa si Julia dahil sa balot na pinasadyang ipaluto ng asawa. "Kumain ka rin nito, ha. Para maganda naman ang labanan natin mamaya." Matapos niyang sabihin iyon ay kinindatan pa nito ang asawa at inangat ang paa na nasa ilalim ng lamesa para ma-tsansingan ang asawa. "Hoy, tumigil ka nga, baka makita tayo ng mga tao dito, nakakahiya!" Minulagatan niya ng mata si Franco na may pagbabanta. Subalit sa loob ay halos humagalpak na siya ng tawa. Pinipigilan lamang niya ito para hindi sila mapansin. Ngunit napansin 'yun sa kanya ng asawa kaya muli na naman itong nagsalita. "Tingnan ko lang kung makatawa ka pa sa gagawin ko sa 'yo mamaya." "Naku, kahit kailan talaga napaka-manyak mo! Hoy, maliit pa ang kambal natin, 'wag mo 'yung kakalimutan." "Ayaw mo no'n, magkakaanak tayo ng marami. Sabi nga nila, the more, the merrier." "Baliw ang nagsabi no'n. Sige ka, papangit ang katawan ko!" pananakot nito sa asawa. "Kung ako naman ang magiging dahilan niyan, bakit hindi? Saka kahit ano pang maging itsura mo, ikaw at ikaw pa rin ang Julia ko." Napangiti sa kilig si Julia sa sinabi ng asawa. Pakiramdam niya ay umabot ng talampakan ang haba ng hair niya dahil dito. "Siguraduhin mo lang, Franco. Dahil kung hindi, puputulin ko 'yang malibog mong manoy." Hinawakan ni Franco ang isang kamay ni Julia at biglang naging seryoso ang mukha nito bago nagsalita. "Oo, Julia. At kahit anong mangyari, hinding-hindi kita iiwan at sasaktan." Napakagat ng labi si Julia sa sobrang kilig. Pakiramdam niya ay gusto nang tumalon ng puso niya sa tuwa. At sa palagay niya naman ay hindi siya nagkamaling pakasalan ang asawa. Kaya mula sa araw na ito ay sinabi niya na sa sarili na magiging mabuti rin siyang asawa rito at magiging tapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD