Walang kibo si Julia hanggang makarating sila sa isang sikat na restaurant. Naiinis pa rin kasi siya sa asawa dahil sa ginawa nito.
"We're here," anunsyo ni Franco nang maiparada na nito ang kotse sa parking lot. Subalit hindi siya nilingon ni Julia. Nakatuon lamang ang atensyon nito sa labas na may nakasimangot na mukha. Naka-cross din ang mga bisig niya sa dibdib habang naka-dikwatro naman ang mga hita. Umismid rin siya na may nakaawang na labi.
"Come on, 'wag ka nang magalit. Wala naman masama sa ginawa natin, e. Asawa naman kita kaya wala ka dapat ikagalit," sambit nito na may pilyong ngiti. Kinagat din nito ang pang-ibabang labi na may nakakalokong ngiti pa rin. Pagkatapos ay ibinaling ang paningin sa mapuputing hita ng asawa.
"May sira ba siya sa ulo? Kahit pa asawa niya ako, dapat igalang niya naman ako. Paano kung mga pulis iyon, 'di nahuli kami?" nanggagalaiting bulong ni Julia habang nakatuon pa rin ang paningin sa labas.
Nang masilayan ni Franco ang mapuputi at makikinis na hita ng asawa ay tila ba natatakam na naman siya. Kaya't marahan na naman niya itong hinimas.
Kaya napapikit na naman sa inis si Julia na may pagpigil sa nararamdaman.
"Naku, Franco. Pasalamat ka, kilala ka ng taong nakahuli sa 'tin, kung hindi, lagot talaga tayo!" inis na tinuran niya sa asawa.
"H'wag mo nang isipin 'yun, Hon. Don't bother yourself. Saka mag-asawa na tayo kaya kahit anong gawin ko sa 'yo, wala ka nang magagawa."
Mula sa sinabing iyon ni Franco ay matalim niya itong binalingan ng tingin.
"Asawa mo nga ako, Franco. Pero dapat 'wag naman sa alanganing lugar. Gusto mo ba talaga akong ipahiya?"
Natawa si Franco sa sinabi ni Julia. Kaya lalong nainis sa kanya ang asawa.
"Tuwang-tuwa ka pa, ha? Anong tingin mo sa kin, bayaran, ha? Hindi ako kaladkaring babae, Franco na kahit saan pwede mong iyutin kapag nalibugan ka!"
Hinawakan ni Franco ang isang kamay niya at dinala ito sa labi niya at hinalikan.
"Ikaw kasi, e, inaakit mo ako," sagot naman nito kaya umawang na naman ang labi ni Julia sa inis at mabilis na binawi ang kamay.
"At paano mo naman nasabi na inaakit kita, aber? Hoy, Mr. Fabregas. Ang sabihin mo manyak ka lang talaga! Ganyan rin ba ang ginagawa mo sa mga naging babae mo, ha?" Umarko ang kilay niya at tinarayan ang asawa.
Muli na namang natawa si Franco sa tinuran ni Julia. Para kasi itong bata na nagtampo dahil hindi nabigyan ng piso.
"Ano ka ba, Hon. Bakit ko naman 'yun gagawin sa mga babaeng pampalipas oras ko lamang? Sila ang gumagawa no'n sa 'kin," turan nito na may nakakalokong ngiti pa rin. "Sila kaya ang nagkakandarapa sa 'kin para matikman lang ako," pahabol pa nito.
"A-ano? Wow, ha. Guwapong-guwapo sa sarili, ha? Pwes, ibahin mo ako! Dahil hindi ako bayaran at hindi ako katulad nila!" madiing pagkakasabi nito sa asawa. "Kala mo naman kung sinong gwapo," bulong nito at inirapan ang asawa kasabay ang pagtalikod nito.
"Bakit, totoo naman na gwapo ako, ha? Magkakandarapa ba naman sila kung hindi ako gwapo?" pang-aasar pa nito sa asawa kaya lalong napikon sa kanya si Julia.
"Iwan ko sa 'yo!" madiing usal niya sa pagkainis sa asawa.
Natatawang kinabig ni Franco si Julia paharap sa kanya at inilapit ang mukha sa asawa. Nagulat pa si Julia sa ginawa niya kaya nanlalaki na naman ang mga mata nito nang matitigan ang mga mata ng asawa.
"Bakit ikaw? Hindi ka ba napopogian sa asawa mo?" nakakalokong tanong nito na may pilyong ngiti habang inilalapit pa ang mukha sa mukha ng asawa. Kinindatan niya rin ito habang kagat ang pang-ibabang labi.
Bigla naman kinabog ng malakas ang dibdib ni Julia dahil sa patuloy na pagtitig sa mga mata niya ng asawa. Pakiramdam niya ay tila ba matutunaw na siya sa nakakaakit nitong mga titig.
"Julia, kalma lang. H'wag kang magpapahalata na kinikilig ka sa nakakaakit niyang mga tingin. "Hingang malalim at magkunwari ka na nagagalit ka sa kanya. Tigilan mo na ang pagpapaalipin sa mga titig niyang nakakatunaw."
"H'wag mo naman masyadong itaas ang bangko mo, Mr. Fabregas. Saka pwede ba, kanina pa ako nagugutom." Napa-paypay siya ng kamay na tila naiinitan. Iyon kasi ang nararamdaman niya kahit malamig naman ang Aircon sa loob ng kotse.
"Bakit, totoo naman, ha?"
"Ay ang lakas ng tama. Alam mo, gutom lang 'yan kaya tara na!" Tinulak niya mula sa dibdib ang asawa kaya bahagya itong napaatras. Nagkunwari din siya na naiinis sa kayabangan nito. Pero ang totoo ay kinikilig siya sa mga sinasabi ng asawa dahil totoo naman ang lahat.
Pakiramdam niya rin ay tila may naghahabulang mga kabayo sa dibdib niya dahil sa malakas na kabog nito. Ni hindi na rin siya makatingin ng diretso sa asawa dahil pakiramdam niya ay namumula ang magkabilaan niyang pisngi.
"M-mabuti pa lumabas na tayo, masyado na kasing mainit dito sa loob," nauutal-utal niyang usal at muling nagpaypay gamit ang isang kamay. Napabunga rin siya ng malakas na hangin dahil tila sasabog na talaga ang puso niya sa kaba. At sa bawat sulyap niya sa asawa ay lalo siyang natataranta.
"Diyos ko naman. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?" bulong niya at napakagat sa pang-ibabang labi. Hindi na rin siya mapakali sa kinauupuan niya kaya naisipan na lamang nitong buksan ang pintuan ng kotse dahil tila wala pang balak lumabas ang asawa. At akmang baba na siya ay bigla na lamang siyang hinila ng asawa pabalik.
At saktong paglingon niya sa asawa na may pagkagulat ay sinalubong agad siya ng isang matamis na halik. Kaya namilog na naman ang mga mata niya. Gusto niya pa sana itong itulak, ngunit tila may nagsasabi sa isipan niya na hayaan lang ang asawa. Kaya naisip niya na pagsaluhan na lamang nila ito dahil gusto niya rin naman.
Makalipas ang ilang segundo mula sa matamis nilang palitan ng halik ay kusa na ring tumigil si Franco. Pagkatapos ay tinitigan niyang muli ang asawa na may nangungusap na mga mata.
"I love you, Julia!" Kinuha niya ang isang kamay ng asawa at dinala niya ito sa labi niya.
Kitang-kita rin ni Julia ang nagniningning na mga mata ng asawa na tila nangungusap. Subalit hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa asawa mula sa sinabi nito. Mahal niya na rin ito ngunit may pagdadalawang isip pa siya dahil nga biglaan lang ang naging kasal nila. Ayaw niya rin naman na ma-disappoint ito sa kanya.
Batid niya rin na naghihintay ng sagot ang asawa mula sa kanya kaya nakokonsensya siya kung iba ang isasagot niya. Sandali siyang natahimik habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng asawa. At ilang saglit lamang ay hinawakan niya ang magkabilaang pisngi nito at pinadampian ng kanyang labi. Iyon na lang ang naiisip niyang paraan para walang samaan ng loob.