Chapter 2

1542 Words
Siyam na buwan na mula noong makasiping ni Julia ang lalaki na hindi niya kilala. Kahit pangalan ng lalaking iyon ay hindi niya na matandaan. Malaki na ang tiyan niya dahil nagbunga ang isang gabi nila pagtatalik. Noong makatulog kasi si Franco ay tinakasan niya ito. Umuwi siya sa probinsya nila sa Bicol para sana makalimutan ang gabing iyon. Aminado siya na naging mapangahas siya ng mga sandaling iyon. Pero hindi niya sukat akalain na magbubunga pala ang malaki niyang kapangahasan. "Nak, bangon na. Aba'y hindi pwedeng ganyan na lagi ka na lang tanghali kung gumising. Baka mahirapan ka sa panganganak niyan! Baka nakakalimutan mong kambal iyang pinagbubuntis mo," panenermon ng kanyang Ina. Pasado alas-sais na kasi ng umaga ay hindi pa siya bumabangon. Pakiramdam niya kasi ay tamad na tamad siyang bumangon dahil sa bigat ng kanyang tiyan. "Opo, Ma!" nakasimangot nitong usal. Ilang saglit pa ay bumangon na siya at agad na dumiretso sa kusina. Uminom muna siya ng tubig bago naupo sa hapag kainan. "Wala ka ba talagang balak na sabihin sa 'min ng Papa mo kung sino ang Ama niyang ipinagbubuntis mo, ha?" "Ma, halos siyam na buwan niyo na po akong kinukulit kung sino ang Ama nitong pinagbubuntis ko! At paulit-ulit ko ding pong sinasagot sa inyo na 'wag niyo na siyang hanapin dahil niloko niya po ako! Pakiusap, Ma, Pa. Tama na po." asik niya. Nagkatinginan naman ang mga magulang ni Julia dahil sa sagot nito. Kahit sana pangalan at apelyido man lang ng lalaki ay makuha nila mula sa anak. Pero tikom pa rin ito hanggang ngayon. "Sige, Anak. Basta kung magbago ang isip mo, handa kaming ipahanap siya para mapanugatan ka," wika naman ng kanyang Ama. "Alam ko naman po 'yun, Papa. Hayaan ninyo po, magiging mabuting Ina ako sa mga apo niyo kahit ako lang po mag-isa." giit ni Julia. Lumapit kay Julia ang kanyang Ina at niyakap siya nito ng mahigpit. "Hindi ka magiging mag-isa sa pagpapalaki sa Apo namin, Anak. Nandito kami ng Papa mo," malungkot na tugon naman ng kanyang Ina. "Maraming salamat po, Mama, Papa." Matapos ang pag-uusap nilang iyon ay bumalik na siya sa kanyang silid. Kahit kailan ay hindi siya nagsisi na tinakasan niya ang Ama ng anak niya. Isa pa, hindi niya naman iyon kilala. Paano kung masamang tao pala iyon, 'di baka mas lalo siyang nagsisi kung pumayag siya na magpakasal doon. Habang nasa ganoon siyang pag-iisip ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang cellphone. At nang makita niya kung kaninong pangalan ang nakarehistro dito ay bigla lumaki ang ngiti niya sa labi. Kaya mabilis niyang dinampot ang kanyang cellphone at agad na sinagot ang tawag. "Oy, Bes! Kumusta na?" masayang bati nito sa pinakamatalik niyang kaibigan na si Rachelle. "Okay lang ako, Bes. Ikaw, kumusta na?" wika rin ni Rachelle sa kabilang linya. "Bakit nga pala bigla ka na lang nawala sa party ko noon sa Bulacan? Pasensya ka na dahil hindi na kita natawagan, ha. Medyo naging busy na rin kasi ako sa pag-aasikaso noon sa kasal namin ni Marko, e. Alam mo naman, buntis na ang lola mo noon," dirediretsong lintiya nito. "Sus, ano ka ba, okay lang 'yon. Naiintindihan ko. Teka, nanganak ka na ba? Nasaan ka na ngayon?" sunod-sunod rin na tanong ni Julia sa kaibigan. "Iyon na nga Bes. Kaya nga ako tumawag dahil may sasabihin ako sa 'yo. Kukunin sana kitang ninang nitong anak ko. At bukas na bukas ay uuwi kami diyan sa Bicol. Diyan kasi namin gaganapin ang binyag nitong inaanak mo." "Talaga, Bes? Naku, hindi ko tatanggihan 'yan. Pagnagkataon, siya ang kauna-unahan kong inaanak, Besti." tuwang-tuwa namang tugon ni Julia. "Alam ko, Besti. Kaya nga kukunin kitang ninang dahil alam ko na kahit kailan ay hindi mo pa nararanasan 'yun, e." basag naman ni Rachelle sa kanya. Kaya nagtawanan sila sa bagay na iyon. Totoo kasi na kahit kailan ay hindi pa nararanasan ni Julia ang magkaroon ng inaanak. Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay napahawak siya sa malaki niyang tiyan. Hinimas niya iyon at kinausap ang pinagbubuntis niyang kambal. "Narinig n'yo iyon, mga Baby? Magkakaroon na agad kayo ng kinakapatid. At isang linggo na lang ay makikita niyo na sila," masaya niyang wika habang nakatingin sa kanyang tiyan. Ilang saglit pa ay sumipa ng malakas ang mga baby mula sa kanyang tiyan. Kaya napangiti siya. "Naku, mukhang excited na rin kayong makilala ang kinakapatid niyo, ano? Konting tiis na lang naman mga Baby ko at lalabas na kayo sa tummy ni Mommy," muling sambit niya. "Paniguradong magugulat ang Tita Rachelle niyo kapag nakita niyang buntis ako sa inyo. At malamang, hahanapin niya rin ang Daddy niyo." Napabuntonghininga siya mula sa kanyang sinabi. Ilang saglit pa ay muli na naman sumipa ang kambal niya sa kanyang tiyan. Tila nagpapahiwatig din ito na okay lang ang lahat kahit wala ang Daddy nila. Kinabukasan ay nakatanggap na nga siya ng mensahe mula sa kaibigan. Pinapapunta na agad siya ni Rachelle dahil alas-dyes daw ng umaga magsisimula ang binyag ng Anak nito. Kaya kahit hirap na siya sa pagkilos dahil sa malaki niyang tiyan ay agad siyang nagmadali para magbihis. Nahirapan pa siyang mamili ng damit dahil malaki talaga ang kanyang tiyan. Pero sa tulong ng kanyang Ina ay nakahanap din siya sa wakas ng maisusuot. Nagpahatid na lang siya sa driver nila papunta sa mansyon nina Rachelle sa Pili Camarines Sur. Siya naman ay galing pang Naga City. At makalipas nga ang mahigit trenta minutos ay narating na nila ang lugar nina Rachelle. Pagkababa niya sa tapat ng malaking gate nina Rachelle ay pinauwi na niya ang kanyang driver dala ang sasakyan. Sinabi niya na tatawag na lang siya kapag malapit na siyang umuwi. Napangiwi pa siya nang maramdaman na medyo nangalay siya sa pag-upo kanina sa sasakyan. Pero agad rin namang nawala nang igalaw-galaw niya ang kanyang balakang. Nasa labas pa lang siya ay naririnig na niya ang tawanan ng mga bisita sa loob ng mansyon. Batid niya na marami silang bisita dahil Mayor ang Ama ni Rachelle. Hindi nga siya nagkamali. Pagbungad niya pa lang sa nakaawang na gate ay natatanaw niya na ang mga tao sa may pool area. Hinanap niya agad ng tingin si Rachelle pero hindi niya iyon makita. Kaya kinuha niya ang kanyang cellphone sa maliit niyang pouch at agad na tinawagan ang kaibigan para salubungin siya. At makalipas ang ilang minuto ay natanaw niya na si Rachelle. Bitbit nito ang napaka-cute na Anak. Gulat na gulat pa ito nang makitang napakalaki ng kanyang tiyan. "Walang hiya ka, Bes! Bakit hindi ko man lang alam na nag-asawa ka na pala?" unang bungad nito sa kanya. "Pwede ba, Bes. Mamaya na natin ito pag-tsismisan. Nahihirapan na ako rito, e," wika niya sa kaibigan at nagtawanan silang dalawa. Matapos iyon ay niyaya na siya ni Rachelle sa loob at pinaupo agad siya sa malawak na sofa sa sala. Pero nagtawag muna ng katulong si Rachelle para kunin sandali ang anak. Pagkatapos makuha ng katulong ang bata ay umupo na rin ito sa tabi ni Julia. "Long time no see, Besti!" agad na asik ni Julia sa kaibigan at nagbiso-biso. "Alam mo, namiss kita," dagdag pa ni Julia matapos nilang magbatian. "Ako rin, namiss kita?" Nakanguso namang sagot ni Rachelle. Siya nga pala, sino ba ang naging asawa mo? Saka bakit hindi ko man lang nabalitaan na kinasal ka na pala? Dali, magkwento ka!" kursyunidad agad nitong pagtatanong kay Julia. Bakas na rin sa kanyang mga mata ang pagka-excite na malaman ang napangasawa ng kaibigan. Sandaling natigilan si Julia at nagpakawala muna ng malakas na buntonghininga. Ngunit nang ibubuka niya na ang labi ay may natanaw siyang tila pamilyar sa kanya mula sa likuran ni Rachelle. Pero nasa labas ito at nasa pool area kung nasaan ang reception. "Teka, si John ba 'yon?" takang tanong nito at biglang kumunot ang kanyang noo. Napatingin naman si Rachelle sa likuran niya para makita ang sinasabi ni Julia. "Ay siya nga, Besti. Kinuha s'yang Ninong ni Marko sa Anak namin. Teka, 'wag mong sabihing hindi mo pa rin siya nakakalimutan? Magkaka-baby ka na, oh! At base naman sa nakikita ko sa 'yo, mukhang happily married ka naman." anang naman ni Rachelle na tila sigurado pa sa sinasabi. Napalunok na lamang ng laway si Julia nang sunod-sunod dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya pa kasi alam kung paano sasabihin rito ang totoo. Kaya umiwas muna siya sa mga tanong at nag-isip ng dahilan. Sakto naman na napadako ang mata niya sa babaeng kasama ng ex-boyfriend. "S-si Anika ba 'yang kasama ni John? Bakit nandito rin siya? lakas loob niyang tanong para lang makaiwas. Pero hindi niya naisip na ito pala ang mas masakit kaysa ang pag-amin sa kaibigan na walang Ama ang ipinagbubuntis niya. Ang babae kaseng nakikita niya ay ang ipinalit sa kanya ni John. "Siya nga, Besti," sagot naman ni Rachelle. "Sila pa rin pala hanggang ngayon?" turan niya pa. At para bang nakaramdam na siya ng kirot sa puso at inggit. Naisip niya na kung hindi sana siya tumanggi noon sa kagustuhan ni John ay baka si Jonh ang naging tatay ng mga anak niya. Baka hindi niya rin sana nakilala ang Tatay ng anak niya na kahit pangalan ay hindi niya maalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD