Pinahanda ni King ang kanilang makakain sa hardin. Sa isang pabilog na mesa ay naroon nakalapag ang iba't ibang pagkain para sa dalawa lalo na kay Licca. "Anong gusto mong kainin?" tanong ni King na nakaupo sa tabi ng dalaga. Inisa - isang tiningnan ni Licca ang mga nakahaing pagkain. May panghimagas, main, viands, salads, prutas, at mga dessert. Masasarap ang lahat pero tila iba ang hanap. "Ayaw mo ba ang mga pagkain? Sahihin mo lang," dagdag ni King na nag-aalala kay Licca. "Hmmm.." "May gusto kang kainin? Ipapahanda ko." Tinuro ni Licca ang garlic butter na shrimp. Napatingin naman si King sa pagkaing tinuro at binalik ang tinging agad sa dalaga. "Sige kumain ka." "Gusto kong balatan mo ang hipon," nakangusong pakiusap ni Licca. "Huh?" gulat na reaksyon ng binata. "Ako?" Na

