Maalaga si King sa dalagang buntis. Iyan ang napansin ni Mr. Franco sa boss nito. Iba ang pakikitungo ng boss niya sa bihag nilang si Licca. Hindi na yata tinuturing ng binata na isa itong bihag sa halip ay tinuon niya ang pansin sa pag - aalaga sa dalaga. Sa gabing iyon, napakatahimik ng gabi. Kumukutitap ang mga bituin sa kalangitan. Maririnig mo rin ang hampas ng alon ng dagat at mararamdaman ang malamig na ihip ng hangin. Naghanda ng campfire sa may tabing - dagat si King at isang tent. Sa labas ng tent ay may banig kung saan nakaupo si Licca na naghihintay na matapos si King sa ginagawa. Nag- iihaw si King ng manok at isda para sa kanilang hapunan. "Gutom ka na ba?" tanong ni King na abala sa pag-iihaw. Hindi sumagot si Licca bagkos ay pinagmasdan lang niya ang binata sa may apo

