Binalik ni King si Licca sa kanilang kwarto. Buhat niya ito hanggang sa silid at agad inihiga roon sa kama. Napaalon pa ang kama sa lambot nito nang ihiga ng binata ang dalaga. "Dito ka lang sa kwarto!" maawtoridad na utos ni King. "Huh? Ano?" "Di ba ang sabi ko sa iyo na lumayo ka kay Ace!" "Wala naman siyang ginawang masama." Umibabaw agad si King sa dalagang nakahiga. Hinawakan din niya ang magkabilang pulso ni Licca at diniin ito sa kama. "Ano bang nangyayari sa iyo King?" Pagpupumiglas ni Licca sa ginagawa ng binata sa kanya. Napakaseryoso ng mga mata ni King. Ipinako niya ang kanyang tingin sa dalagang kaharap. Naging mas -agressibo ang binata na may kakaibang pakikitungo sa mga oras na iyon. "Nagseselos ka ba?" usisa ni Licca. "Kanino naman ako magseselos?" "Kay Ace!" N

