Sinuot ni Ace ang isang puting robe at nagmamadali itong naglakad palabas ng silid. Iniwan lang niya si Sophie na tanging kumot lamang ang nakabalot sa katawan. Hindi mapinta ang mukha ng binatang naglalakad sa pasilyo. Bawat hakbang niya ay sing bigat ng isang elepante at kakaiba din ang bilis. "D*mn it!" Sinalubong siya agad ni Mr. Randy at sinabayan ang paglakad. "Nasaan sila?" seryosong tanong ni Ace. "Nasa VIP room sila boss." sagot ni Mr. Randy sabay binigay ang susi. Hindi sumagot si Ace bagkos ay mas binilisan pa niya ang kanyang lakad. Nanggigigil ito sa inis dahil sa mga nangyayari at kabiguan kay Licca. "Sinwerte ka kanina pero hindi na ngayon!" bulong ni Ace. Napatigil si Mr. Randy at sinundan nalang ng tingin ang boss na naglalakad sa pasilyo at patungo sa kwarto kun

