Nagmamadaling lumabas ng kwarto sina King at Licca. Hawak ng binata ang kamay ng dalaga habang mabilis na naglalakad ang dalawa sa pasilyo. Ang bawat hakbang nila ay parang gusto na nilang lumipad at makaalis sa lugar. Lumilipas ang segundo ay kaba ang bumabalot sa dalaga. Napakaseryoso ng binata habang si Licca naman ay bakas ang kaba at takot. "G*gong Ace na iyon, naisahan niya ako!" bulong ng isip ni King na nagpapakunot noo sa kanya. Hanggang nakaabot na sila sa may pinto ng mansyon pero agad silang hinarang ng mga tauhan ni Ace. Napahinto ang dalawa. Mas hinigpitan ni King ang hawak sa kamay ng dalaga habang si Licca naman ay napatago sa may likuran ng binata. "Saan po kayo pupunta Sir King?" tanong ni Mr. Randy. Katabi ni Mr. Randy ang ibang mga tauhan na nakaitim at may malal

