Nanatili si Licca sa loob ng cupboard. Madilim, mainit at masikip man sa loob ay tiniis niya ito. Bawat segundo ay mas lalo siyang kinakabahan. Mabilis ang pagkabog ng puso niya at patuloy na dumadaloy ang pawis niya. "King..." sambit ng dalaga. Sa pasilyo naman ay naroon si Ace. Nakatayo siya sa pagitan ng dalawang pinto. Palinga - linga ang binatang lasing at pinagmasdan ang mga pinto. "Teka, bakit naging dalawa na ang pinto rito?" paturo - turong pagtataka ni Ace. Humarap siya sa pinto na nasa kaliwa niya. "Narito ka ba baby?" pangiti - ngiting tanong ni Ace na di gaanong madilat ang mga mata. "Nariyan ka ba?" Sumandal siya sa pinto at nilapit ang tenga. "Baby, are you there?" Walang sumagot kaya lumayo ito. Napaatras ng kaunti ito. Sa sobrang inis niya ay agad niyang pinihit

